Confession 38: Queen vs. King vs. Knight

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakatitig lang ako sa mga sasakyang dumaraan para maghanap ng taxi, ngunit agad akong napaatras mula sa kinatatayuan ko nang isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Hindi ko maitatanggi na bigla akong kinabahan. Ibinaba ko ang cap upang matakpan ang mga mata ko at umarteng hindi ko napansin ang sasakyan. Narinig ko ang automatic na pagbaba ng bintana ng passenger seat pero wala namang nakaupo. Hindi ko naman makita kung sino ang nasa driver’s seat dahil sa dilim ng paligid.

“Japan, huh.” Nanigas ako sa aroganteng tono ng pananalita ng lalaki sa loob ng sasakyan. Dahan-dahan itong sumilip sa bintana ng passenger seat. Nanlaki naman ang mga mata ko noong tuluyan ng makilala ang nagsalita. Napamura ako sa sarili matapos makita ang ngisi nito. Ibinagsak nito ang pinto sa driver’s seat paglabas niya at diretsong naglakad papunta sa harapan ko. Pilit ko namang iniwas ang mukha sakanya pero parang nang-aasar ito at pilit ring inihaharang ang mukha niya sa direksyong tinitingnan ko.

Napabuga ako ng hangin dahil nagsisimula ng maubos ang pasensya ko. “Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong.

Tumingala ito sa gusali sa likuran ko bago muling ibalik sakin ang tingin. “Ako dapat ang nagtatanong niyan, Alice. Anong ginagawa mo rito?”

 

“Wala ka ng pakialam doon.”

 

“Akala ko ba nasa Japan ka.” Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Napaiwas ako ng tingin. Pilit kong itinatago ang totoo sa lahat at hindi pwedeng may makaalam na naman na iba. “Kinakausap kita,” mariin at maawtoridad na tono nito.

Sinalubong ko ang inis niyang tingin at malamig siyang tinitigan. “Umuwi ka na, Spade.” Saka ko siya nilagpasan pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay nahuli na niya ang kanang braso ko. Hindi ako lumingon. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo sakanya. Ang makaalis sa kinatatayuan kong ito. Sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung kanino ako dapat magtiwala. Kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan at hindi. Kung sino ang dapat paniwalaan at hindi. Kung sino ang kalaban at sino ang kakampi. Kung may kakampi ba o wala. Kung sino ang kaibigan at nagpapanggap.

Trust no one is the rule of this game.

I took a deep a breath. “Kailangan ko ng umalis.” Sabay bawi ko ng braso sakanya na hindi pa rin siya nililingon.

Nagsimula na ulit akong maglakad palayo. Sana may dumating kaagad na taxi para makaalis na ako dito. Matagal ko na kasing ipinakuha sa mga tauhan sa mansion si Jaguar para itago ito sa garahe. Sa ganoong paraan, iisipin nilang nasa ibang bansa talaga kami kung hindi pakalat-kalat sa daan ang sasakyan ko.

“Anong nangyari kay Aldous?” Natigilan ako sa pag-iisip. In a split second, my mind went totally blank. How did he know? “Alice, anong nangyari sa kapatid mo?”

 

“Paano mo nalaman?” Bakas ang pagkabigla sa boses ko. Sigurado akong wala kaming pinagsabihan nito ni Charm at alam kong hindi magagawang bumali ng pangako ng batang ‘yon kaya paano niya nalaman? Ramdam ko ang pagtakbo ng kilabot sa batok ko nang sumagi sa isip ko ang maruming hinala. Is he the culprit? Is he BSW?

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon