"Tsk di ko kasalanan na masuntok ka. Kasalanan mo to"hinihingal niyang sabi sa akin. "Ako ang nasa harap mo pero lumipat attention mo sa kanya"inis niyang sabi at tinuro si Jiro sa gilid ko.


"Kung ako, ako lang ayaw ko na may kahati sa attention mo Bakla"inis niyang sabi kaya malakas na tumambol puso ko. 


What the fuck?


"At ikaw huwag ka nga sumingit kapag nakikipaglaban ako. Panira ka ng laban"inis na sabi niya kay Jiro at binalik sa akin yun attention kaya natigilan ako. "At ikaw magaling ka nga makipaglaban pero di mo naman nararamdaman presensya ng ibang tao sa paligid. May chansa na pwede ka mamatay sa isang laban bakla"iling na sabi niya at naglakad na paalis. 



"Bat ka namumula?"tanong ni Jiro sa akin kaya napa tsk ako at tumayo habang nakahawak sa pisngi ko. "Syempre nasuntok mukha ko"inis kong sabi sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. 


"Sa pagkakaalala ko yun kaliwang pisngi lang nasuntok hindi kasama yun kanan. Kinilig ka sa sinabi ni Z noh?"ngising tanong niya sa akin.


"A-no?!"napamura ako na mautal ako bigla at siya naman lalong napangisi. "Eww hindi kaya ako pumapatol sa babaeng taken na"sabi ko sa kanya. 



"Edi makikipag break ako kay Z"natigilan ako at nanlalaking mata siya tiningnan. "Wh-at t-he he-ll?"gulat na sabi ko sa kanya. "JOKE! HAHAHA akin lang si Z"natatawang sabi niya at di ko maiwasan mainis sa sinabi niya. 



"GAGO KA HINDI LARUAN SI NERD PARA IBIGAY MO BASTA BASTA!!"galit kong sabi at sinugod siya. Kaya ang nangyari naglaban kami dalawa dito sa rooftop dahil sa sinabi niya. Di ko maiwasan magalit at mainis sa sinabi niya. 



Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Dahil bakit ako ganito mag react sa sinabi niya? Di pa kami titigil kung hindi kami sinundo ng tropa dito sa rooftop. Kesa sa clinic kami dumeretcho sa classroom habang di pa nagagamot yun sugat namin. Dahil ang sama na ng tingin ni Nerd sa amin dalawa. 


"Walang pupunta sa clinic. Ginusto niyo yan kaya magtiis kayo"yan ang sinabi niya sa amin. Masama kong tinitingnan si Jiro habang eto naman nakangisi lang sa akin. Late na kami pumasok sa mapeh class namin at gulat na napatingin yun teacher sa amin. 



"Ano nangyari sa mukha niyo? Pumunta kayo sa clinic para magamot yan"sabi niya pero umiling lang kami ni Jiro. "Ok lang po kami maam gasgas lang po ito"sabi ni Jiro kaya napairap ako. 


Yeah gasgas nga kahit putok yun gilid ng labi


Sarkastiko na sabi ko sa isip ko at umupo sa upuan. Sa inis ko dumukdok nalang ako habang tinitiis yun sakit ng mukha at katawan. Nakakatulog na ako na may tapik ng tapik sa balikat ko. 

Cold Meets BullyWhere stories live. Discover now