Chapter XXVI (I'm just his...)

Magsimula sa umpisa
                                    

Pano bang mabuhay ng wala sya? Yan yung tanong ng isang babaeng hiniwalayan ng bf nya sa akin. That time, I never realized how much it hurts kaya siguro nasabi ko yun na di man lang sinubukang ilagay ang sarili ko sa kinatatayuan nya. 

But now... I ask the same question to myself. "Pano nga ba mabuhay ng wala sya?" Napangiti pa ako ng konti bago sinubukang bigkasin ang sinagot ko noon sa babae. "Simple lang. Huminga ka!" 

Ang tanga naman kase ng tanong dba? Kasi sa pagkakaalam ko, oxygen lang ang kailangan para mabuhay ka aside na siguro sa basic needs tulad ng pagkain. Pero mali ako. Humihinga ka nga pero para namang di nabubuhay kasi imbes na kumain, mag-aral, mag enjoy ... nakakulong nalang sa kwarto at umiiyak. It's not what you call living, right? 

"Lecheng isipan to oh." Ano bang connect ng pinag-iisip ko eh di ko naman sya mahal, ni hindi nga kami eh. Nasanay nga lang talaga ako na andyan sya... kinukulit ko, pinapakilig, iniinis, ginugulo, lahat lahat na!

Nasanay ako na may isang geek na namumula dahil sa mga banat ko, na kahit sobrang nakakainis na ako eh nagagawa pa ding mag-alala sa akin, na kahit lagi akong nagmumura eh nagagawa pa din akong intindihin... at lalong lalo na kahit wala na ako sa mood, ay nagagawa nya akong pangitiin sa mga simpleng mga katagang binibitawan nya. Plus, kahit ang bobo ko sa subject nya eh nagagawa pa din nyang maghanap ng paraan para matulungan ako.

Kaso wala na. May nagmamay ari na sa kanya, so kelangan ko ng dumistansya kahit na sa kanya lang ako natutuwa ng ganito. Pag taken na kasi, dapat nilalayuan na. Ayokong makasira ng relasyon.

"At least, yung goal ko na turuan syang magmahal eh na-achieve ko pa din... kahit di sya sakin nahulog." 

Diba yun naman sinabi ko noon? Teach him to love even if it's not with me. 

De, Mission accomplished. 


"Eunice, try mo lang saktan yang si Geek... di talaga ako magdadalawang isip na ipatapon ka sa hawla ng mga leon." In the case of Xavier, no need. Kasi alam ko namang matinong magmahal si Xavier.

Mas nilakasan ko ang volume ng kanta ng radyo saka sinabayan nalang.

"♪ I can't breathe... without you, but I have to.

Breathe... without you, but--"




"Drama!"

Natigilan naman ako sa pagkanta at napalingon sa nakaupo sa driver's seat. At mukhang kakapasok lang nya sa kotse >_< Hinimas himas pa talaga eh!

"Anong ginagawa mo dito ah?!" Tanong ko pero di nya ako pinansin at nakatingin lang dun sa bintana na malapit sa akin.

"So di mo na talaga sya nililigawan?" 

"Di na." sagot ko kaagad. Alam nya namang nililigawan ko si Geek eh, so what's the purpose of not telling him?

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon