Chapter 09

80 0 0
                                    

Chapter 09

"Fuck!" napatayo ako sa upuan ko nang makita ko si Mark na biglang napaupo at namimilipit, yakap-yakap nito ang tuhod nya. Agad akong nagpunta sa kanya nang biglang pagkumpulan sya ng mga team mates nya.

"Mark!" halos atakihin ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko..

"Tumabi na muna kayo! Pupunta kami ng infirmary!" tumabi naman ako at pinagmasdan nalang syang akay-akay ng mga kaibigan nya.

Sa sobrang pagaalala ko ay pumunta ako sa clinic. Napakagat ako ng labi nang nasa pintuan na ako nito, nagdadalawang isip ako kung kakatok ako o hindi.

Kakatok na sana ako nang biglang bumukas iyon at nakita ko si Tian.

"Oh? Camille? Anong ginagawa mo dito?" tanong pa nito.

"Uh.. si Mark?" nahihiya kong tanong. I'm caught off-guard.

Sumeryoso naman si Tian, at tinuro ang kama kung saan nakahiga si Mark. 

"Mark.." lumingon sya nang tawagin ko, he looked at me emotionless.

"Oh? Camille? What are you doing here?" 

Oh shit. What am I even doing here? I wanted to say to him that he made me worried to death. Gusto ko lang naman malaman kung maayos ba ang lagay nya.

"Are you okay? How was your foot?" tanonf ko.

Napatangin pa sya sa paa nyang naka-elevate at ngumiti ng mapait. "Sprained."

"Hindi ka na makakapaglaro?" tanong ko.

"Makakapaglaro pa naman, I just don't know when. " Napakagat pa ako ng labi dahil nauubusan na ko ng mga salita na itatanong o sasabihin sa kanya. Whenever I'm with him or near him, nabablangko talaga ang utak ko.

"Oh? Hanggang kailan ka magpapahinga?" I tried to be casual, dahil medyo nahihiya pa rin ako dahil sa napagusapan namin nung nakaraan.

"Hmmm.. maybe after two weeks? I got injured before, and sprained ankle takes time to heal.."

Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi nya, wala na ako maisip pang sasabihin. Ngumiti ako ng pilit at aktong aalis na sana pero bigla syang nagsalita.

"Akala ko you won't visit me anymore after the things that I've said.." napahinto ako sa paglalakad, napapikit pa at pakiramdam ko ay hindi ako makakatingin sa kanya. "I just want to say that I'm sorry, Camille. I've been insensitive towards you, and didn't care about your feelings."

My heart drummed loudly. Halos hindi ko na marinig ang ingay ng aircon dito sa clinic dahil pinabibilis nya ang tibok ng puso ko!

"A-Ayos lang naman iyon, Mark. No big deal." Sinubukan kong huwag mautal, pero dahil sa sobrang kaba halos pagpawisan ako ng sagutin sya. "I should not force you to like me, and I should not force you to believe me. Ngayon, parang.. gusto ko nalang hangaan ka sa malayo."  Iyon lang ang sinabi ko at umalis ng clinic.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Parang hindi ko pa yata kaya..

I was about to walk away pero napahinto ako nang makita si Johnny. Nakapamulsa syang nakatingin sa akin, inirapan ko naman sya at nilagpasan. Wala ako sa mood para makipag-asaran sa kanya.

Dahil wala nang saysay ang araw ko na 'to, umuwi nalang ako sa bahay dahil cancelled ang boy's basketball division dahil sa injury ni Mark.

"How is he?" napatigil ako sa paglalakad nang magsalita sya. Nagtataka naman akong nilingon sya.

"Why are you asking me that?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Obviously, kakapunta mo lang sa kanya." He sarcastically said. Napaikot naman ako ng mata. "So?"

"Sprained ankle. He needs to rest for at least two weeks." Napatango-tango naman sya. "Okay na? Aalis na ko."

Aalis na sana ako pero agad nya akong nahawakan sa wrist ko.

"One last thing.." inis ko naman syang nilingon.

"Spill it out, Johnny." Nauubusan na ako ng pasensya. Ang kulit talaga nya.

"Are you okay? Did he hurt you?" nagaalalang tanong nya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata nya kung gaano sya ka-concern sa akin.

Oo. Nasaktan nanaman nya ako.

Napapikit ako ng mariin tsaka tinignan sya. "Of course, I'm fine."

"If you're free tonight.. can I take you out on a dinner?" tanong nya. He looked serious. This is the first time that I felt it.. by looking through his eyes.

Parang kahit saglit ay nakalimutan ko na sya pala si Johnny. The guy that could easily swoon off people, a womanizer, playful guy.

"Bakit?" Iyon ang lumabas sa bibig ko. I'm so speechless. Why am I suddenly forgotten how I fucking hate him? Is it the guilt that crawls onto my skin?

"I just want to. Bawal ba?" bigla syang ngumisi kaya biglang bumalik sa reyalidad ang pagtingin ko sa kanya. I knew it. He's fooling me. Muntik na akong bumigay don ah?

"Stop playing around, Johnny." Mataray kong sagot at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"I'm not fooling around, Camille. I'm serious." Bigla syang sumeryoso. There he goes again. I feel it. The chills go through my spine.

"If I'd say yes, titigilan mo na ba ako?" tanong ko.

Natigilan sya. Hindi alam ang isasagot.

Kahit ako, hindi ko alam kung saan ko napulot iyong tanong na 'yon. This is the first time that I'm asking this.

I swear. I caught him off-guard. Ilang segundo ang lumipas at magkatinginan lang kami, hindi pa rin sya nagsasalita.

"Ano? I'll leave.." umamba akong aalis pero..

"Kung oo, papayag ka na ba?"

Natigilan ako dahil sobrang seryoso na nya. Hindi ko ine-expect ang pagsang-ayon nya. Throughout those years na nakasama ko sya, sa pagiging nakakabwisit na kaklase noong elementary, naging malandi noong junior high at kung sino ang pinapatulan at naiinis ako don.. ngayong.. senior high, grade 12.. ilang buwan nalang ay ga-graduate na kami, kasabay na ba iyon ng pagtatapos ng koneksyon namin sa isa't-isa?

Napasinghap ako, at inayos ang postura bago sumagot.

"Okay.. just pick me up at our house. I'll t-text you the address.." At tuluyan akong naglakad papalayo sa kanya.. nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.. hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nya nung tinalikuran ko sya.

Imbis na mabunutan ako ng tinik, bakit mas lalo pa ata akong nabarahan sa sistema ko?

ChaseWhere stories live. Discover now