Chapter 05

87 2 0
                                    

Nagsimula nanaman si Johnny sa pangungulit sa akin. I want to get rid of him! Nakakainis! Bakit ba sya sunod ng sunod sa akin?!

Nandito ako ngayon sa cafeteria, nakapila, at sya naman tong nasa likod ko. Paulit-ulit syang nagooffer na sya na ang bibili ng lunch at breaks ko! Hindi ako pumayag sa kumag dahil baka kung ano ang isipin nya at mas lalong dumalas ang pagsama nya sa akin!

"What do you want? You know, I can get you all.." aniya sabay haplos sa labi nya, inirapan ko nalang sya.

Iba talaga kapag mayaman.. Kaya napakarami ring babae!

"May pera ako! Wag na!" tanggi ko sa kanya, agad naman akong um-order at nagbayad sa pagkain ko, iniwan ko rin sya matapos akong um-order at lumayas na ako sa cafeteria dahil hindi ako makakakain lalo na't kung sya ang kasama ko!

Sa gymnasium ako tumuloy at kumain habang nanonood sa mga varsity ng basketball.

Nawala ang inis ko habang kumakain. Sa wakas, at natakasan ko rin sya. Ayaw kong masira ang buong araw ko..

Tinutukan ko ang mga naglalaro, lalo na't si Mark. He is so hot! Kahit na sobrang pawis nya ay napakagwapo pa rin! Napangiti ako sa naisip ko.

Mabuti nalang at konti ang mga tao sa gymnasium kung kaya't wala akong kaagaw na babae sa kanya ngayon!

Nang matapos ko ang kinakain, nagfocus ako sa kanya. Tuwang-tuwa akong pinapanood sya dahil malapit ako sa kanya ngayon! I'm hoping na mapansin nya ako!

"Go! Mark!" pumalakpak ako nang maka-shoot sya ng tres! Nainlove nanaman ako sa kanya!

Kita ko ang pagngiti nya nang marinig nya ang sigaw ko. Mukhang hinahanap nya ako pero hindi nya ako napansin kahit na nasa harap ko lang mga nasa bench na teammates nya.

Sabi na, hahanapin mo rin ako. I smirked because of that thought.

Nang matapos ang practice game nila Mark, ay agad akong lumapit sa kanya nang magisa nalang sya sa bench at nagpupunas ng buhok dahil kakaligo lang.

"Hi." Nakangiting bati ko sa kanya, nagtaka pa sya but still I waved at him.

"Camille.." tawag nya sa akin.

"You look great out there. Laging pasok ang bola kapag ikaw ang nag shoot.." matamis ang ngiti ko pang sabi sa kanya. Nahihiya pa syang ngumiti sa akin. Namula rin ang tenga nya! OMG! I have an effect for him!

"Uh, hindi naman.." he chuckled. Fuck! Kahit ang pagtawa nya ay gusto ko, ang sarap talaga pakinggan ng boses nya. Kahit kailan ay hindi ako magsasawa pakinggan.

"Uy, si Camille pala 'to!" napaismid naman ako nang makita ko si Tristan, ang pinsan ko na 'to! Inakbayan nya ako, at nandidiri naman ako sa ginawa nya.

"Stop with the akbay, Tristan! Kaya napagkakamalan na tayo!" irap ko sa kanya sabay hawi ng braso nya. Humalakhak nalang ang pinsan kong abnormal.

"Ang sungit mo talaga Camille, pero kapag kay-" sinapak ko sya sa tiyan para matigil ang pagsasalita nya! Ibubuking nya pa ata ako kay Mark ngayon! God knows, I'm not ready yet and besides.. ayaw ko munang umamin sa kanya.

Nahihiya ako sa inasta ko sa kanya nung nakaraan.. I've decided to lie low with it.

"Oh aw!" natatawa pa rin ang pinsan ko dahil sa inis ko sa kanya.

Mark giggled at my cousin. Bigla tuloy akong nahiya lalo sa kanya! Ang kapal kasi ng mukha nito! Tss!!!!

"Tapos na ang break time ah?" my cousin looked at his wrist watch. "Pumasok ka na sa klase mo.."

I rolled my eyes at him. "I know," sabay baling ko kay Mark. Ngumiti ako sa kanya. "Goodluck sa sportsfest, Mark.." nahihiya kong ngiti sa kanya, he nodded.

"Thank you.." iyon lang ang sagot nya, and I bid him goodbye.

May sinabi pa ang pinsan kong epal pero hindi ko nalang iyon pinakinggan. Nang makalabas ako sa gymnasium, napatingin pa ako sa mga puno sa field dito.

Napapikit ako nang madama ang malakas na hangin. It felt great.

"I couldn't find you anywhere.."

Napadilat ako bigla nang marinig ko ang boses ni Johnny.

"Tapos dito lang kita makikita?"

At biglang bumaho ang hangin nang makita ko sya.

"Because I don't want to be with you!"

Nakakainis. Kung kailan masaya ako ay bigla pang nagpakita ang kumag na ito!

"Hinanap kita kung saan-saan. Halos hindi na ako nakakain para mahanap ka, tapos nandito ka lang pala.. I should've known.." he chuckled at his own stupidity.

"Edi sana kumain ka nalang! Hindi naman ako nagpapahanap sa 'yo!" inis kong sabi.

Bwisit na lalaking 'to. Ayoko sa lahat 'yung gini-guilt trip ako!

"Kung bumalik ka nalang sa mga babae mo, at 'yung hindi ako ang inaabala mo! Hindi pa nasasayang ang oras mo!"

But he didn't answer anything.. nakatingin lang sya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil naiilang na ako sa kanya!

"Stop staring at my face!" irita kong sabi.

Napailing nalang sya at biglang natawa. Ang abnormal nito.

"What's bad about staring at the girl you want to own?"

Napanganga ako at hindi agad nakasagot sa sinabi nya. Ang walanghiyang 'to! Alam ko na itong technique nya! Hindi iyan uubra sa akin.

Bigla syang lumapit sa akin. Napalunok naman ako dahil kahit nakangisi sya, his eyes were too serious, and intense. I can't keep up with how he's looking at me right now.

Kahit sino namang babae, ay magkakaganto kapag hinaharass sila ng isang lalaki na hambog at sobrang taas ng kumpyansa sa sarili!

"Tell me girl.." matigas ang Ingles na pagkakasabi nya. "You're too beautiful, and I'm drawn to you, I can't help myself but to stare and imagine you kissing me.. How can I not stare at you? When all I want is you?"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nya. "I told you to stop fucking with me!" inis kong sabi.

Napangisi naman sya sa sinabi ko.. "Kissing palang ang sinabi ko, bat nasa fucking ka na agad?" halakhak nya pa.

This guy is really getting under my skin. Ayaw ko talaga marinig ang tawa nya na nakapagpapakulo ng dugo ko dahil sagad ang galit ko sa kanya!

"I said, don't fucking play me, Johnny. Cut the crap! Go back to where you belong!" sabay duro ko sa kanya, pero hinawakan nya ang kamay ko at ibinaba iyon.

Lumapit sya sa akin lalo, at bumulong sa tenga ko..

"But this is where I am.. I belong to you."

ChaseWhere stories live. Discover now