Chapter 10

9 0 0
                                    

Dumiretso ako ng uwi nang matapos ang usapan namin ni Johnny. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng maayos dahil naiisip ko pa rin ang nangyari kay Mark. Hoping that he's okay..

But that's not really it. Johnny's words kept bugging me, halos hindi ako makapagisip ng maayos dahil stuck sa utak ko ang mga binitawan nyang salita sa akin.

Hindi ba dapat matuwa ako? Lalayuan na nya ako, aalis na sya sa buhay ko at paniguradong mapapansin na ako ni Mark? Why am I feeling this way? Parang may kumirot sa puso ko nang maisip 'yon. Wala akong gusto sa kanya, maybe it's just that.. nasanay lang ako sa presensya nya.

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hinihintay ko mag 8 pm, nakabihis na ko't lahat.. hindi naman ako nagpapaganda sa kanya, dahil magmula nung magustuhan ko si Mark doon na ako natuto at ngayon nakasanayan ko na.

Biglang nagbeep ang phone ko, binuksan ko agad iyon at nakita ang text ni Johnny.

Johnny:
Nandito na ako sa labas ng bahay nyo.

Kinuha ko ang black clutch bag ko at lumabas ng bahay namin.

Every step felt heavy. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makalapit ako sa gate at nang buksan ko 'yon, I saw him, Johnny, while leaning on his car. Napatigil sya sa pagkukutkot ng kuko at napatingin sa akin.

He licked his lips then smiled at me faintly. "Ang ganda mo."

Tumaas naman ang  kaliwang kilay ko. "I know. Let's go." Mataray kong sabi sa kanya, padabog akong sumakay sa passenger's seat at nakita ko namang sumunod sya sa akin at bago ko pa man maisara ang pinto, may inabot syang bouquet of roses.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.

"For you.." kinindatan pa ako ng tukmol.

Hindi naman ako umangal at tinanggap iyon. Puro roses.. natuwa naman ako dahil, it's my first time receiving roses.

Ngiting-ngiti pa syang naglakad patungo sa driver's seat.

"Ganda mo talaga.." puri nya pa sa akin.

"Stop flirting with me.." inis kong sabi tsaka inirapan sya. Natawa naman sya sa akin. Bwisit. Ayaw ko talagang naririnig ang boses o halakhak man nya.

"I'm just telling you the truth. You look pretty everyday, but you look beautiful tonight.."

Hindi ko na sya inimik pa. Puro patamis lahat ang lumalabas sa bibig nya.

Halos 30 minutes lang ang byahe namin dahil wala naman gaanong traffic papuntang Okada kahit quarter to 9 pm na.

"Did you like it?" biglang tanong nya pagkababa ko ng kotse nya, inalalayan nya pa ko dahil napaka taas ng heels ang sinuot ko.

"Alin?"

"The bouquet of roses that I gave you.." nakangiting sabi pa nya. "It's my 2nd time giving flowers to you.."

Napahinto naman ako bigla. Anong 2nd time?! This is the first time that he bought those roses for me! Is he lying?

Hinampas ko sya sa balikat. "Anong 2nd time?! This is the first time na nakatanggap ako ng ganon sayo!"

Kumunot naman ang noo nya. "Huh? 2nd time 'to! Hindi mo kasi naalala dahil puro Mark ang bukambibig mo noon!" kontra nya sa akin.

"Wala akong maalala. Baka sa ibang babae ka nagbigay! Huwag ka ngang magsinungaling dyan!" inis ko talagang sabi sa kanya. Iniwan ko sya doon dahil sa pagkabwisit ko sa kanya.

Padabog akong naglakad papunta sa entrance ng Okada sa may parking lot.

Kamalas-malasan na nasundan nya ako dahil ambagal ko pa rin maglakad dahil sa pesteng heels na suot ko.

"Camille!" rinig ko ang paghingal nya, he held my wrist at iniharap ako sa kanya. "Why did you leave me?"

"Paano nakakabwisit ka! Alam mo bang first time ko lang maka-receive ng ganon? Tapos sasabihin mo second time mo na akong nabigyan ng ganon? Baka iba 'yung nabigyan mo 'nun! Nadamay mo pa ko!" I blurted out.

Nang maka-recover sya sa paghingal. Napangiti naman sya at tinignan ako. "Eh totoo naman na it's my 2nd time giving you those bouquet."

Mas lalo akong nabwisit at gusto ko na syang layasan dahil sa sinabi nyang 'yon.

"Remember? Noong kasali ka bilang muse ng intrams nung junior high palang tayo? All the roses that they gave to you, galing iyon sa akin! Even the venue! Dapat walang bulaklak ang mga contestants, pero pinilit ko dahil gusto kong mabigyan ka."

Natigilan naman ako. I suddenly remembered it. Muse ako ng basketball team at nagtataka ako bakit napakadaming bulaklak sa stage at nakatanggap ako ng napaka laking bouquet 'non. But I never knew that.. he gave those.

"Bakit hindi ikaw mismo ang nagbigay sa akin?" tanong ko.

Napangiwi naman sya bago sumagot. "Paano ako magbibigay sayo? Halos mapaos ka kaka-cheer kay Mark, ni hindi ako makalapit dahil sobrang daming tao ang kasama mo. Nababadtrip ako at nakakaselos." Halatang masama ang loob nya habang ikinuwento sa akin iyon.

"Iyon lang? Ang hina mo naman pala.." natatawa akong naglakad papasok, sumunod naman sya sa akin.

"Anong mahina? It took me years para magpapansin sayo, magmula noong nasa Elementary palang tayo, gusto na kita.."

Parang huminto ang paghinga ko nang malaman iyon galing sa kanya. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi na ako nakasagot sa kanya.

"It took years.. now I've built enough courage just to talk to you."

Hindi ako nakasagot sa kanya at tinignan ko sya. Why does it feel like na hinihigop ako ng mga mata nya every time na titingin ako sa kanya? Of course! He looked handsome kahit mukha syang babaero.. but seeing him serious like this, it's on a different level.

"Hindi mo pa ba ako nakakausap noon?" tanong ko pa.

Umismid sya. "Talking to you is very hard. Hindi ka makausap ng maayos dahil lagi kang naiinis sa akin o di kaya'y puro Mark ang bukambibig mo."

He sounded jealous. I don't know why it felt right listening to him talk about his feelings for me.

"Puro ka pambobola! Ganyan ba sinasabi mo sa mga girlfriends mo?" mataray kong tanong.

Ngumisi sya at humalakhak. Pesteng lalaki na 'to.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 20 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

ChaseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz