Chapter 08

93 0 0
                                    

Chapter 08

Buong gabi ako umiyak dahil sa paghihinagpis. I'm heartbroken.. hindi ko kasi alam kung bakit nya ako pinagpipilitan kay Johnny, eh halata naman na sya itong gusto ko.

Throughout all the years, all I could think of is him, that I deserve him, I'm worthy of his love, but it all fades when something like this happens.

"Anong nangyari sayo, neng?" tanong ng katulong namin pero hindi ako makasagot at dire-diretsong lumabas ng bahay namin at naglakad papuntang school.

Kunot-noo akong pumasok sa school at napanghihinaan ako ng loob ngayon. Hindi ko alam kung paano haharapin ngayon si Mark..

"Camille!" kumaway si Rainie pero hindi ko man lang nagawang ngumiti pabalik sa kanya.

Hindi ko kayang ngumiti ng peke ngayon..

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang building namin pero napabuntong hininga ako nang makita si Johnny na naghihintay sa hagdanan kung saan ako dumadaan.

He saw and waved at me while smiling. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng pagkairita sa kanya, siguro dahil sa pagod, napapagod na ako makaramdam ng kung anu-ano ngayon.

Pumihit ako at naglakad palabas ng Campus namin. I guess it wouldn't hurt skipping my classes for today. Pakiramdam ko kasi ay sasabog ako sa klase kung pipilitin ko ang sarili ko.

Pumunta ako sa seaside ng MOA at naglakad-lakad para makapagmunimuni roon, gumaan ng onti ang pakiramdam ko dahil wala ang mga taong nagpapabigat nito.

Napatigil ako sa paglalakad nang mag-ring ang phone ko, si Rainie ang tumatawag, sinagot ko iyon.

"Camille?"

"Yes? Bakit Rainie?" sagot ko.

"Okay ka lang ba? I just wanna ask lang, why did you skip our class lang?" napapikit ako na napaupo sa upuan tapat ng MOA eye.

"I'm okay, Rainie." I lied. I'm not.

"Are you sure? Nakita kasi kita na umiyak.."

Natigilan ako, nagiisip ng maisasagot sa kanya.

"It's nothing Rainie, I'm okay, don't worry about me."

I heard her sigh, I know she doesn't believe me at pinapalampas nya lang ako. "I'll hung up, call me when you're okay.." she ended the call, napatingin naman ako sa phone ko at napabuntong hininga.

Lumipas ang ilang oras at napagdesisyunan kong umuwi. Hindi na ako kinausap pa ng mga kasama ko sa bahay dahil nahalata siguro nila na hindi ako okay ngayon, at hindi ko rin kaya makipagusap.

Nakatulog at nagising ng maaga. Wala akong ganang pumasok. Ewan ko ba. Kahit intramurals namin ngayon at walang lecture, hindi talaga ako ginaganahan. Kahit may game pa sila Mark mamaya, still, I know na he doesn't like me pero.. fuck! I still like him. Ang hirap naman kasi mawala tong feelings na 'to, parang naka-tattoo na siya sa puso mo? At wala ka nang magawa dahil hindi na pwedeng mabura?

"Camille!" napalingon ako kung saan ko narinig 'yun, napasimangot naman agad ako sa nakita ko. Wow. Umagang-umaga napeste na ang araw ko.

Inirapan ko agad siya nang makalapit sakin. "Don't go near me. Don't touch me!" masungit na sabi ko kay Johnny, this dweeb is really getting into my nerves. Ayaw talaga ako niyang tantanan! Nakakabwisit na!

"Nagsusungit ka nanaman?" natatawang aniya at lalong napataas ang kilay ko. Ultimong pagtawa niya, nakakairita na! "Nakakainlove ka lalo pag nagsusungit ka."

Fudge! There he goes again! Fuckboy moves! Akala niya ba madadali ako dyan? Psh! Wala na bang bago? Lumang-luma na ang damoves niya, at nakakasuka na.

"Stop it, okay?!" masungit kong sabi at naglakad palayo.

"Camille! Papanoorin mo ba ko sa game ko mamaya?" napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko, maarte ko siyang tinignan.

"Of course." ngumiti ako ng sarkastiko, at matamis naman siyang napangiti. "..not!" bumalik ang pagsasalubong ng kilay ko at bumagsak naman ang balikat niya.

Pagkatapos non ay naglakad palayo sakanya. Sinundan pa rin ako ng gago.

"I just wanna ask something, if that's okay with you.." inis akong humarap sa kanya. There he goes again, on his usual feeling-pogi-at-campus-hearthrob-face. Nakakairita.

"What?" masungit kong tanong.

"Are you okay na ba?" bumaba ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi nya.

"Oo naman, kailan ba ako hindi naging okay?!" masungit kong sabi at iniwas ang paningin sa kanya.

"Ang putla mo kasi kahapon, and you skipped our class. You are nowhere to be found, I'm just worried.."

"I told you, I'm fine. You don't need to worry.." inis kong sabi at nauna sa kanyang maglakad. Nakakabwisit talaga, kita na nga nyang ayos na ako ngayon, ipapaalala nya pa ang kalagayan ko kahapon?

"You can't stop me from worrying, you mean a lot to me, Camille."

Hindi ko na sya nilingon pa at nagpunta ng Gymnasium para mapanood si Mark na maglaro ng basketball.

Hindi katulad ng dati na nakikisigaw pa ako kapag nakikita kong naglalaro ka, ngayon pakiramdam ko ay hindi ko na kailangan gawin iyon at hayaan ka at gustuhin ka nalang sa malayo. Like, it doesn't even matter to him that I support him.. always, ni hindi nya nga makita ang halaga ko at ang pagkagusto sa kanya. That's what pains me.

I caught him looking at me for a second then drifted his attention to the game.

I really love you, but this kind of love will be satisfied by looking at you from afar.. Hindi na ako mangangarap pa na mapansin mo, kuntento na akong nakikita ka kahit na hindi mo makita ang nararamdaman ko sayo. A very hard to swallow pill is to liking you this much and not expecting from you to like me back.

Sometimes, I do wonder, maybe in another lifetime its you and I that will end up together. Tumulo na ang luha kong pinipigilan nang maisip ko iyon.

ChaseWhere stories live. Discover now