Chapter 01

209 6 0
                                    


I was in fifth grade when I started to like Mark Limuel. Para akong baliw na napapangiti kapag tinitignan siya, lagi akong nakasunod kung saan 'man siya pupunta, lagi kong inii-stalk siya sa mga social media accounts niya. Ever since,  I've always been his number #1 fan.

"Camille!" nahampas ko ang table ko dahil sa pagkakagulat dahil biglang may tumawag sa akin.

Si Johnny lang pala. Tumaas ang kilay ko nang binalingan ko siya, he pursed his lips habang nakatingin sa akin.

"Iyong jingle natin? Nasa'n na 'yung mga sinulat mong lyrics?" seryosong tanong nito.

"Uy Mark pare! May practice mamaya ah?" napatingin ako sa mga tropa ni Mark, papaalis na sila ng room.

"Oo.." seryosong sagot nito, bago lumabas ng classroom ay tumingin muna ito sa akin.

Oh my god. Did he just looked at me? Gusto kong himatayin sa tuwa! Napaka-gwapo niya! Kaya hindi ko maiwasan na mangamba dahil sobrang sikat niya rin at maraming nagkakagusto sa kanya.

"Camille ano ba!" napatingin ulit ako kay Johnny, inirapan ko siya.

"Ano ba kasi iyon?" naiiritang tanong ko. Nakakainis naman tong papansin na 'to.

"Yung lyrics!" mukhang nauubos na ang pasensya niya. Tsaka bakit niya ba ako kinukulit? Sinabi na nga ng leader namin na bukas pa ng maaga magpapractice! Hinihingi niya na agad ang copy sa akin!

Minsan hindi ko talaga alam kung bakit tinotopak tong bwisit na ito.

"Tinatapos ko pa nga!"

"Sa friday na ipeperform 'yon! Kailangan mo nang ibigay sa akin ang kopya para ma-xerox ko na!"

Grr! He's really getting under my skin..

"Hindi ko pa nga tapos ang lyrics. Ang kulit mo!" nababanas na ako sa kanya, nagpapapansin lang itong kumag na ito sa akin. Lagi nalang niya akong pinagiinitan!

Napairap naman ito sa kawalan at napabuntong hininga, "Akin na.." mahina niyang sabi.

Lumambot naman ang tingin ko sa kanya, napaawang ang bibig ko. "Akin na ang ano?"

"Yung lyrics, ako na tatapos.."

"My printer kami, ako nalang!" pilit ko pa. Wala akong tiwala sa kanya, bata pa lang kami ay nakikitaan ko na siya ng kalandian sa katawan. I've always seen him hanging around with a bunch of girls!

"I have things to do, Camille. Ako na ang tatapos.."

Aba makulit ah. Inirapan ko nalang siya ulit at hinanap sa bag ko ang kopya ng kakantahin namin sa jingle.

Kung bakit ko ba kasi naging kagrupo tong damuho na ito! Nakakainis lang. Padabog kong binigay ito sa kanya at isinukbit ang bag sa likuran.

"Ayan oh! Aalis na ko!" hinawi ko siya at umalis na do'n.

Magmula nang magtapos kami ng Elementary ay sumunod pa rin ako kay Mark, sinundan ko siya sa school na pinapasukan niya. Kahit mataas ang tuition fee ay ipinilit kong pumasok, nagtest pa ako para sa scholarship upang mabawasan ang mga babayaran ko sa school.

"Sure kang sa De La Salle ka magaaral? Kaya mo ba do'n?" tanong ni Dad sa akin nang papuntahin niya ako sa office niya.

Tumango ako, "Of course, Daddy.." anything, just for Mark. Baliw na itong anak niyo, gustong-gusto ko talaga si Mark. Sorry Dad.

"I'm just making sure.. just tell me whenever you need something," ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata.

His eyes looked like he's tired, because of our sinking business. Mabuti nalang at inaalalayan kami ng Tito ko, nakakapagaral pa ako sa prestihiyosong paaralan because of him.

Mom is in abroad, she doesn't know anything of this. Busy siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa, she calls sometimes just to ask if we're okay here.

"Opo, Daddy.." iyon lang ang sinabi ko at umalis sa office niya.

Everything went so smoothly for me when school begins. Marami akong naging kaibigan, pero iyong best friend? Wala, dahil alam kong masyadong sosyal ang mga tao dito.

Naninigurado pa ako dahil madalas tinitignan ako from head to foot ng mga schoolmates ko.

"Camille?" napalingon ako kung saan ko narinig ang boses na iyon. Agad akong naurat nang makita si Johnny.

He's wearing the La salle's uniform! Ibig sabihin ba ay dito rin siya magaaral kung gano'n?

"You're here too?"

"Obvious naman 'di ba?" I sarcastically said, I heard him sighed. "Bakit?"

"Nothing.." iyon lang at umalis na siya, ang weird niya ngayon? Is it because puberty is finally hitting him?

Akala ko ay madali na para sa akin ang mga bagay dahil kasama ko na si Mark sa iisang unibersidad, but I was wrong!

I was distracted, Johnny's distracting me because of his girl toys. Lagi ko siyang nakikita sa school na may inaakbayan na babae, kung sino-sino.

Humahalaklak pa ito at hinahaplos ang pisngi ng babaeng hanggang balikat lang niya, pero chinita at maputi. Napasimangot nalang ako.

Do I really have to see him flirt everytime? Sawang-sawa na ako, ang hapdi masyado sa mata. Talagang pinaninindigan niya ang pagiging malandi at maharot.

Lagi nalang akong nasa likod ng puno at nakikinig sa pagstrum ng gitara ni Mark at pagkanta. Wala siyang kasama.

Lumambot ang puso ko nang titigan ang mukha niya, nakapikit tila dinadamdam ang pagkanta at pagtugtog.

Hindi ko na tinuloy ang pakikinig sa kanya at umalis na do'n. Naisip ko nanaman, malabong magustuhan niya ako.. lagi nalang akong nakatingin sa kanya, lagi nalang akong nasa malayo.. hindi niya ako napapansin.

One day, he'll like me too. He'll be the one to chase me, umaasa ako do'n.

"See you tomorrow, class!" paalam ng teacher namin at inayos ang mga gamit tsaka lumabas ng room.

I was about ready to leave the room nang may biglang humawak sa pulsuhan ko, tinignan ko naman kung sino iyon.

Oh, It was Johnny.

Kumunot naman ang noo ko nang harapin ko siya. "Bakit?"

"I'll take you home.." seryosong aniya.

"Ayoko nga!" agad kong tanggi. Mukha pa siyang nagulat dahil sa pag ayaw ko.

He has a lot of girls, and I don't want to be like them. Isasama lang ako sa mga collection niya! Hindi ako cheap, kaya hinding-hindi ako papayag na sumama sa kanya.

Umigting naman ang panga niya dahil sa pagtanggi ko.

"Susunduin ako ng Tito ko! Hindi na kailangan.."

"Then, I'll pick you up tomorrow morning?" talagang hindi siya titigil ah? Ayaw kong ma-issue sa kanya! Ayaw kong masama sa usap-usapan na pinaglalaruan niya lang ako.

"Ayoko nga 'di ba, Johnny!" naiinis nang sabi ko.

"Ako gusto ko."

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. He's kidding right? He can't be serious at this! Kung gayong seryoso siya, kailangan ko siyang layuan.

"Stop it Johnny, hindi nakakatuwa." I'm starting to get pissed, tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulsuan ko at umalis na agad do'n.

Walanghiyang iyon, pinabibilis ang tibok ng puso ko.

ChaseWhere stories live. Discover now