Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up

Start from the beginning
                                    

“Huy Cha, anong nangyari sa’yo? Bakit tahimik ka? Hindi ka ba nageenjoy?” may pagsiko pa sa tagiliran kong tanong ni Aaron.

“Oo nga. Minsan ka lang umattend ng annual meet up, kung ako sa’yo enjoyin mo na!” komento ni PJ.

Tama naman sya, minsan lang ako makakaattend sa ganitong event ng TLC. Maaaring ito na ang una’t huli lalo na dahil tumakas lang naman ako sa amin. Gustuhin ko man na enjoyin lang ang event at magpakasaya, hindi ko magawa. Nilalamon na ako ng sobrang kaba sa aking dibdib. Gustuhin ko man na ‘wag intindihin ang pagpapakilala kay Ironic_Volvo, hindi ko rin makaya. Lalo na’t isa sa tatlong malalapit na ka-member at kaibigan ni Kuya Dustin ang tatayo mamaya sa stage para ipakilalang sya si Buwakaw. Si Buwakaw na pinakamalakas na player ng The Legendary Clash.

Sino nga kaya kina Kuya Ivan, Kuya Evo at Virgo ang nagtatago sa username ni Ironic_Volvo? Sino sya?

“Siguro excited lang ‘yan si Chalstine na makita ang hitsura nung si Buwakaw! Panigurado ‘yan!” narinig kong panunukso sa akin ni PJ.

“Naks! Chalstine ha! Baka maging babae ka na kapag nakita mo sya! Kaso isipin mo na lang na sya ang pumapatay sa character mo para hindi ka masyadong magkagusto sa kanya.” komento naman ni Aaron.

“Baka magkacrush na si Chalstine, Aaron!” humalakhak ng malakas si PJ, grabe talaga sila mang-alaska.

“Tse! Dyan nga lang muna kayo! Mag-si-cr lang ako!” padabog akong tumayo sa aking kinauupuan.

Hindi naman ako napipikon sa kanilang pangaasar, ayoko lang na nagbibigay sila ng opinyon nila dahil mas lalo akong kinakabahan. Naguunahan sa utak ko ang mga bagay-bagay patungkol kay Ironic_Volvo at sa lahat ng posibleng mangyari mamaya ‘pag pinakilala na sya.

Habang naglalakad ako papalabas ng activity area ng mall, hindi maalis sa isipan ko si Ironic_Volvo. Tumindi ang kabang naramdaman ko. Ang totoo nyan, sampung beses na mas naging malakas ang kabog ng dibdib ko ngayon. Tila magkakaroon na ako ng atake sa puso. Ang bata ko para magkaroon ng high blood, pero mukhang dahil sa annual meet up maaga akong madadiagnose na may heart problem.

Nagmadali akong naghanap ng CR. Hindi naman ako nagpupunta sa mall na ito kaya wala akong ideya kung saan banda ang palikuran. Pakiramdam ko rin nakalayo na ako sa event area ng mall dahil sa walang tigil kong paglalakad para hanapin ang nakatagong CR. Umakyat na rin ako sa susunod na palapag ng mall at baka sakaling mas madaling makita ang CR duon. Ngunit bigo pa rin ako na makita iyon. Nadagdagan ng kaba ang puso ko. Ayokong mawala! Paano ako uuwi ng magisa?! Hindi ko alam kung paano sasakay!

Mabilis akong naghanap ng security guard. Buti na lang at may isang sekyu na naglalakad sa palapag na iyon ng mall. Walang alinlangan ko syang nilapitan para pagtanungan.

“Manong Guard! Manong Guard!” sigaw ko habang papalapit ako sa kanya. Sa ngayon sya lang ang makakapagturo sa akin kung paano ako makakahanap ng CR at kung paano ako makakabalik sa event area kaya hindi sya maaaring mawala sa paningin ko.

“Oh bakit iha?” nakangiting tanong nito.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Where stories live. Discover now