Chapter 32

37K 1.3K 13
                                    

Halos mabaliw na ako sa lakas nang tibok ng puso ko.

Tahimik lang kaming dalawa ni Adam na naglalakad pabalik sa mansyon habang magkahawak kamay. Ni hindi kami umimik pareho noong napagdesisyunan na naming umahon na sa tubig at umuwi na.

"Mauna na ako sa loob," paalam ko kay Adam noong makarating kami sa labas ng mansyon nila. Naroon kasi si Orly at nag-aabang sa pagdating naming dalawa. Mukhang may nais itong sabihin sa Young Master nila kaya naman ay inunahan ko na ito.

"Alright. Magpahinga ka rin muna. We'll call you when the lunch is ready," anito at binitawan na ang kamay ko. Tipid akong ngumiti sa kanya at nagsimula nang maglakad papasok sa mansyon.

Noong makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa banyo upang magbanlaw. At habang naglilinis ako ng sarili ay hindi maalis ang ngiti sa mukha ko.

I really can't believe that this is happening. Me and Adam. Doing this sweet stuff together! Ni hindi ko naisip na posible pa lang mangyari itong dalawa sa amin! Dahil kung tutuusin, matagal na akong nawalan nang pag-asa sa kung ano mang nasimulan namin noong mga bata pa kami. Sumuko na ako noon nong nawala ang alaala ko tungkol sa kanya. This was my hopeless dream when I was a child. But, looked where am I now. Kasama niya. Kasama ng taong pangarap ng batang puso ko.

"Well, hindi naman sigurong masamang mangarap ngayon 'di ba?" tanong ko sa sarili habang nagpupunas ng tuwalya sa basang buhok. "Adam still likes me. Ganoon din naman ako," napangiti ako dahil sa tinuran. Napatakip ako ng mukha dahil sa kilig na lumukob sa akin. Damn! I feel like a damn teenager right now!

Hindi ko alam kong ilang oras ako nakatulog. Marahil ay dahil sa pagod kanina sa may talon kaya naman ay bagsak ang katawan. Kinusot ko ang mga mata at dahan-dahang bumangon. Kusang napabaling ako sa may orasan sa dingding at napakunot na lamang ang noo noong makitang mag aalas dos na ng hapon.

"Akala ko ba'y gigisingin nila ako pag magtatanghalian na?" mahinang bulalas ko at maingat na bumangon sa kama. Inayos ko muna ang sarili bago ako lumabas ng silid.

Katahimikan ang bumabalot ngayon sa malaking mansyon ni Adam. Walang pakalat-kalat na mga taga-bantay na siyang ikinataka ko.

"Where are the people here?" mahinang tanong ko sa sarili at naglakad patungo sa kusina. Napataas ang isang kilay ko noong namataan ko ang nakahandang pagkain roon.

"Adam!" sigaw ko sa pangalan nito at lumabas sa kusina. Pumanhik muli ako sa pangalawang palapag ng mansyon at tinungo ang silid ni Adam. Maybe he's resting. Gaya ko ay tiyak na napagod din ito sa ginawa namin kanina.

"Adam?" tawag kong muli dito sabay katok sa pintuan nito. Inilapit ko pa ang tenga dito para marinig kong may tao ba sa loob ng silid o wala. Seconds passed, ni paghinga sa loob ay wala akong mahunihan. Kunot noo kong hinawakan ang doorknob nito at nanlaki ang mga mata ko noong mapagtantong bukas ito!

Mabilis kong pinihit ito at hindi na nagdalawang isip na pumasok sa loob ng silid.

"Adam?" tawag kong muli sa pangalan nito. Inilibot ko ang mga mata at napataas ng isang kilay noong mapansin ang magulong higaan nito. So, he did sleep here. Pero nasaan na ito ngayon? Tinungo ko din ang banyo at binuksan iyon. But, Adam was not here either. He's not in his room, so, where the hell is he?

Akmang isasara ko na ang pintuan ng banyo noong biglang nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak mula sa di kalayuan, palapit nang palapit ang tunog nito sa silid na kinaroroonan ko ngayon.

"Find the girl," an unfamiliar voice filled the silence of the mansyon. Agad akong kinabahan dahil roon. Napatingin ako sa pintuang isinara ko kanina at mabilis ngunit maingat na pumasok sa loob ng banyo. Agad ko itong inilock at walang ingay na lumayo sa pintuan.

Sino ang narito sa loob mansyon? Damn! Did someone enter this mansion without noticing it? Oh, jez! Where the hell are you, Adam Zamora?

"Walang tao dito," isang boses muli ang narinig ko. Nasa loob na ito ng kwarto ni Adam! Napatras muli ako hanggang natigilan ako dahil tumama na ang likuran ko sa dingding ng banyo.

Mayamaya pa'y napatakip ako ng bibig, preventing myself to make any noise, noong makitang gumalaw ang doorknob ng banyo.

"It's locked," ani ng lalaki sa labas ng banyo.

"Really?" ani pa ng isa at pinihit-pihit pa ito.

Damn! Adam Zamora!

"Destroy it," utos ng isang lalaki, iyong unang boses na narinig ko kanina. Iyong nag-utos na hanapin ako! The hell! Paano ako makakaligtas sa tatlong lalaking narito ngayon sa silid at halos gibain na ang pintuan ng banyo?

"I know you can hear me, little princess," malamig na sambit ng isa sa kanila. "Open this door."

No!

Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. Nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa bibig, pinipigilan ang sariling huwag humikbi. My hands are shaking while my knees becomes jelly! Oh, great! Nasaan ba sila Adam?

Napapikit na lamang ako dahil sa takot. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko na nanggagaling sa pintuan ng banyo. At when I was about to give up, putok ng baril ang umalingawngaw na umagaw nang atensyon ko.

Naibaba ko ang mga kamay sa bibig at napatakip sa tenga noong nasundan pa ang mga putok.

"Stop," mahinang sambit ko. Ang panginginig ng katawan ko ay mas lumala kumpara kanina. To hear the sound of the firing of gun makes my mind in chaos. "Stop," I cried as I covered my ears tightly.

Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari. Nakaupo lang ako sa sahig, umiiyak habang hawak-hawak ang magkabilang tenga. But when I heard his voice calling my name, natigilan ako at kusang napaangat ng ulo.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nito. Nasa loob na rin ito ng banyo at nakaluhod sa harapan ko.

"Belle..."

Oh my God! He's here!

Mabilis akong kumilos at yumakap kay Adam. Bahagya itong natigilan sa pagyakap ko pero agad din namang nakabawi at gumanti ng yakap sa akin.

"Akala ko makukuha na nila ako," umiiyak na sambit ko at humagulhol dito.

"Hush it, baby," alo niya at hinigpitan ang yakap sa akin. "I'm sorry for leaving you here alone. I'm sorry. May sinundan kaming lalaki kanina. Hindi ko naisip na baka hindi lang iisa ang narito sa isla. I'm sorry, Belle. Hindi ko na uulitin ito. I'm sorry."

Lalong akong naiyak at humigpit nang yakap kay Adam. He kept on saying things that will calm down but hell, takot na takot ako ngayon na kahit gusto humiwalay sa yakap kay Adam ay hindi ko kayang gawin.

"Young Master," it was Orly's voice.

Nakapikit ako ngayon at nakayakap pa rin kay Adam. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw nito pero hindi kinalas ang mga brasong pirming nakayakap sa akin.

"It's confirmed, Young Master. They were from Santiago's Clan."

Fvck! Enemy alert!

Saving The Beast #Wattys2020Where stories live. Discover now