CHAPTER 6

53.5K 2.1K 231
                                    

"Blink if you can hear me," utos ko habang matamang nakatingin sa gising na si Adam Zamora.

Kanina habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para tuluyang malapitan ito. All of the sudden, I felt so weak. His intense and cold stare, I suddenly forgot about the current situation I have right now. My patient is awake. Dapat iyon ang priority ko ngayon! Kung hindi lang natatarantang pumasok ang pinaka-head ng mga guard sa mansyon na ito ay malamang ay mananatili akong nakatitig sa mga mata nito kanina.

Mayamaya lang ay sumunod naman si Adam sa inutos ko at kumurap ng isang beses. I smiled at him. He's responding! "Now, move a finger on your right hand," utos kong muli at tiningnan ang mga daliri niya. I held my breathe while waiting again for his response. At noong naigalaw nito ang index finger niya, nakahinga ako nang maayos.

Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ang kanina pang tahimik na si Alison. Pinatawag ko kasi ito kanina noong makita kong gising na si Adam Zamora. Mayamaya lang ay pinalabas ko muna ang ibang mga bantay namin sa kuwarto para masuri nang mabuti ang pasiyente. Naiwan naman ang isa sa kanila, iyong lalaking tiyak kong kanang kamay ng young master ng mga Zamora.

"Your vitals are okay, Mr. Zamora," nakangiti kong sambit sa kanya. "Kapag magtuloy-tuloy ito, mas mapapabilis ang paggaling mo."

Nakatingin lamang sa akin si Adam. Nginitian ko itong muli. I'm relieved right now. Ngayong gising na siya, mas mapapadali ang trabaho ko sa mansyong ito! Mas mapapabilis ang pagbabalik ko sa pamilya ko!

"Belle, babalik na ako sa kuwarto ko," mayamaya'y paalam ni Alison na siyang ikinalingon ko sa kanya. Babalik na siya? Napakurap ako at palihim na tumingin sa tulalang si Adam Zamora. Nakatingin lang ito sa kisame ng silid at hindi na muling kumikilos sa puwesto niya. Tinanguhan ko na lamang si Alison at lumabas na siya sa silid. At noong naiwan na kaming dalawa ni Adam Zamora, umayos ako nang pagkakatayo sa tabi ng kama niya.

"Your medical records confused me, Mr. Zamora. Hindi lang muna ako magtatanong ngayon dahil hindi mo naman kayang sagutin ang mga ito. But I want to tell you that you're a hella lucky guy. I'm glad you're still alive," marahang sambit ko at inayos ang kumot nito sa katawan. "Take a rest for now, Mr, Zamora. Kailangan mo ito para mas mapabilis ang paggaling mo. I'll stay here with you, so you don't have to worry."

Tipid akong ngumiti noong ipinikit nitong muli ang mga mata niya. Good. Mukhang masunurin pala ang isang ito.

Kinabukasan, ginawa ko muna ang morning routine ko bago iniwan kay Alison ang pagbabantay kay Adam. Bumalik ako sa silid ko at pabagsak na nahiga sa kama. Antok na antok ako! Ni hindi ko nagawang matulog kagabi dahil sa takot na may mangyaring 'di maganda sa kanya. I was watching him like a hawk. Ni pag-idlip ay hindi ko ginawa! Kahit na maayos naman ang vitals nito, hindi pa rin mawala ang takot sa akin! He's still fragile and needs to be monitored overnight!

Kahit pagod ang buong katawan at inaantok na, pinilit ko muna ang sarili na bumangon at humarap sa computer. Gumawa ako ng report at ipinadala muli sa email address na pinadalhan ko kahapon. Halos gumapang na ako pabalik sa kama. Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili na hatakin ng antok.

"Bitiwan niyo ako! Ano ba!"

Napamulat ako ng mga mata noong makarinig ng mga sigaw sa labas ng kuwarto ko. What the hell is happening?

"You assholes! Get off of me!" muling sigaw nito na siyang napakunot ng noo ko.

"Alison?" mabilis akong bumangon at nagtungo sa may pinto ng silid. Agad kong binuksan iyon at pagkalabas ko ay agad bumungad sa mga mata ko ang iilang tauhan ng mga Zamora na nakatayo sa labas ng kuwarto ni Alison. "What happened?" tanong ko sa isa ngunit hindi ako nito kinibo. Shit! Wala ba akong makakausap na matino sa bahay na ito? Taka akong bumaling sa nakasaradong silid ni Alison at wala sa sariling napatingala sa pangalawang palapag ng mansyon. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Humakbang na ako paakyat at deretsong tinungo ang silid ni Adam.

Saving The Beast #Wattys2020Where stories live. Discover now