Chapter 30

39.9K 1.3K 55
                                    

Nakakahiya!

Muli kong isinubsob ang mukha sa unan at doon impit na tumili.

What I've done was really embarrasing! Nagpahalik ako kay Adam! And for petesake, I kissed him back! I even moaned his name! Oh, jezz! Wala na akong mukhang maihaharap sa lalaking iyon!

"You stupid girl!" galit na turan ko sa sarili at umayos sa pagkakaupo sa kama. Wala sa sariling napatingin ako sa pintuang nilabasan ni Adam kanina, an hour ago to be exact. Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko noong biglang nagflashback sa utak ko ang nangyari kanina. Damn! Stupid. Stupid. Stupid!

Nanlaki ang mga mata ko noong biglang may kumatok sa pintuang kinatititigan ko. Napahiga ako bigla at hindi pinansin iyon.

"Miss Del Monte?"

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at marahas na ibinuga iyon noong marinig ang boses ni Orly. Damn, akala ko si Adam!

"Ready na ang pagkain. Young Master is waiting," anito na siyang ikinairap ko.

"I'm not hungry!" ani ko sa medyo malakas na tinig para naman ay marinig nito. Hindi tumugon si Orly sa naging sagot ko dito. Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinikit ang mga mata. Itutulog ko na lamang ito.

"You haven't eaten anything since we got here, Belle," kusang nagmulat ang mga mata ko noong boses na ni Adam ang narinig ko sa labas ng silid. "Get up and let's eat together," marahang utos nito sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang nagwawalang puso ko. Shit! This is not good. Lalong hindi ako makakakain kung ganito ang epekto nito sa akin. No hell way!

"I'm not hungry," pag-uulit ko at itinalukbong ang kumot sa buong mukha.

Silence filled the room but seconds passed, ang ingay ng nagbukas na pinto ang nanuot sa tenga ko. Damn, that's Adam Zamora. Sigurado ako. Hindi ba ito nakakaintindi sa sinabi ko kanina?

"Stop being stubborn, baby. If you don't want me to join you over dinner, then fine, I won't but please, eat."

W-wait, what? Baby? Did he just called me 'baby'? Again? Oh, Adam Zamora is really a torture to me!

"Belle, come on..."

"Fine, I'll eat. Now, get out of here," mabilis kong sambit na siyang ikinatigil nito. I heard him sighed before leaving the room. Noong makasiguro kong wala na ito sa silid ay mabilis kung tinanggal ang kumot at bumangon. Patakbo kong tinungo ang banyo at mabilis na nag-ayos ng sarili.

"What the..." natigilan ako habang sinusuklayan ang buhok ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak ang suklay at mahinang tinampal ang mukha. Bakit ako nag-aayos?

"Damn," mahinang bulalas ko at nagpapadyak na lumabas ng banyo. Itinali ko na lamang ang buhok ko at lumabas sa silid ko. Tahimik akong naglakad papunta sa kusina at natigilan noong makita walang ni isang taong naroon. Napalingon-lingon ako at tila may hinahanap ang mga mata.

I sighed.

Naglakad ako palapit sa mesa at tahimik na naupo roon. May nakahanda ng pagkain, pinggan at kubyertos sa mesa. Napanguso na lamang ako at kumain na. Ilang minuto lang ay tapos na akong kumain. Nawalan ako nang gana kaya naman ay binilisan ko na ito. Ako na mismo ang nagligpit nang pinagkainan ko at noong matapos ako, pumanhik muli ako sa kwarto ko.

"Tinotoo talaga ng lalaking iyon na hindi siya sasabay sa akin sa pagkain," nakasimangot kong sambit at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina roon at natigilan noong may nakita akong bulto ng tao sa may dalampasigan. Good thing at maliwanag ang sinag ng buwan kaya naman ay tanaw ko ito mula dito sa mansyon.

"Adam?" nakakunot noo kong tanong sa sarili habang pinagmamasdan ito. Nakatalikod ito mula sa kinalalagyan ko pero alam kong siya iyon. I can't be wrong right? Si Adam iyon.

What is he doing out there?

Nanatili akong nakatayo sa may bintana at tinatanaw lamang ito. Mayamaya ay natigilan ako noong biglang bumuhos ang malakas na ulan. Inilapit ko ang mukha sa salamin ng bintana at tinitigang mabuti ito.

"Seriously? May balak ba itong magkasakit?" bulalas ko habang pinagmamasdan ang hindi natinag na Adam Zamora sa lakas nang buhos ng ulan. Nakatayo pa rin ito sa may dalampasigan at tiyak kong basang-basa na ito ngayon!

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis akong lumabas sa silid at tinungo ang main door ng mansyon. Naging alerto ang dalawang guard na nakatayo sa magkabilang gilid ng pintuan noong namataan ako. Nilapitan ko ang mga ito at hinanapan ng payong.

"Your Young Master is soaking wet right now," naiinis na sambit ko noong hindi ako pinansin ng dalawa. "Mga bingi ba kayo?" galit na tanong ko sa dalawa.

"What's happening here?" agad akong napalingon noong marinig ko ang tinig ni Orly. Great. Mas okay na kausap ang isang to. He'll definitely listen to me!

"I need an umbrella," mabilis na sambit ko sa lalaki. "Si Adam. Nasa labas si Adam."

"What do you mean by that, Miss Del Monte? Si Young Master?" naguguluhang tanong ni Orly sa akin. Mabilis akong tumango rito at itinuro ang pintuan palabas ng mansyon.

"Yes! I saw him. He's on the shore!"

"Who's on the shore?"

Napako ako sa kinatatayuan noong marinig ko ang tinig ni Adam Zamora.  Mabilis akong napabaling sa kanya at kunot noong pinagmasdan ang kabuuan nito. He's still wearing his clothes earlier!

"How?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong naglakad palapit sa isang bintana at hinawi ang kurtina roon. Alam ko kung ano ang nakita ko kanina! That was Adam!

"What is this, Belle?" narinig kong tanong ni Adam sa likuran ko. Napailing ako noong halos wala na akong makitang maayos sa labas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. That's impossible! I'm pretty sure I saw someone earlier. In the shore!

"Orly, check the perimeters," I've heard Adam commanded his men. Agad na nagsialisan ang tatlo at naiwan kami ni Adam sa sala.

"Anong nakita mo, Belle?"

"I saw a man standing there, Adam!" ani ko at binalingan ito. Bahagya pa akong nagulat dahil sa lapit naming dalawa. Napaatras ako ng isang hakbang ngunit agad din naming natigilan noong tumama ang likuran ko sa nakasarang bintana.

"And you thought that it was me?" he asked me while looking intently at me. Napaiwas ako nang tingin sa kanya. "You told my men to bring you an umbrella. For what, Belle? You're worried, aren't you, baby?" may manunuyang tanong nito. Damn this guy! He really knows to shut me up!

Ikinuyom ko ang dalawa kamao at matapang na nilingon nito.

"Are you done?" tanong ko na siyang ikinangisi nito. "Someone's outside this house, Adam. Kung hindi ikaw iyon, then who?" seryosong tanong ko dito, pilit iniiba ang topic na mayroon kami kanina.

"There's no one, Belle. Don't worry. You're safe here."

"Hindi ako puwedeng magkamali, Adam!" pagpupumilit ko dito. Well, I was thankful earlier na hindi pala siya iyong nakita. But thinking it right now, bigla akong kinabahan. Sino ang nakita ko? It can't be one of his men right? Ano naman ang mapapala nila kung magpaulan ito doon sa dalampasigan?

"Ako na ang bahala dito, Belle. Now, go back to your room and rest," marahang sambit nito at hinigit ako papalapit sa kanya.

Agad na nagkagulo ang buong sistema ko dahil sa lapit naming dalawa!

"You'll be fine. I'm here," anito at hinalikan ako sa noo ko. Ilang segundo lang ang tagal ng halik nito sa noo ko at binitawan na ako ni Adam. Ngumiti ito sa akin at umalis na sa harapan ko.

Calm down, heart. Calm the fvck down!

Saving The Beast #Wattys2020Where stories live. Discover now