CHAPTER 9

52.6K 1.8K 96
                                    

Lima ang tauhan ng mga Zamora ang kasama namin ngayon ni Adam dito sa loob ng kuwarto, kasama na roon si Orly na siyang kanang-kamay nito. Nakasara lahat ng bintana at sa bawat sulok ng silid ay alerto ang lahat. Nakaupo na si Adam sa kama niya samantalang nasa gilid naman niya ako, tahimik at kinakabahan sa maaaring mangyari sa amin, sa akin.

"Orly," tawag pansin ni Adam sa lalaki. "My gun," anito sabay lahad ng kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa nais niyang mangyari. He wants a gun. Ano? Makikipagbarilan din ito?

"You can't fight right now, Mr. Zamora," agad na sambit ko noong ibinigay nga ni Orly ang baril na hiningi sa kanya ng young master nito. "Hindi pa kaya ng katawan mo ang magkikilos. Maaaring mapasama ito lalo sa'yo."

"Don't worry. It's just for self-defense," simpleng sambit nito sa akin. Hindi ako nakapagsalitang muli kaya naman ay binalingan niya ako. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa tensyong nararamdam ngayon. Damn it! "Relax, walang mangyayaring masama akin. It's just a gun," dagdag pa niya na siyang lalong nagpakaba sa akin.

"Relax? Nagpapatawa ka ba? Nakikita ko nga lang iyang mga tauhan mo na handa nang makipagpatayan para sa'yo ay gusto ko nang tumakbo palayo sa lugar na ito!" bulalas ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. This tension will surely kill me on the spot! Hindi na ako mapirmi sa kinatatayuan ko! Damn!

"Mas ligtas ka sa lugar na ito, doc. Trust me, mas magulo ang mundo sa labas ng bahay na ito," mahinahong sambit niya sa akin sabay kasa sa hawak-hawak na baril. Napalunok ako dahil sa ginawa niya. Shit! Pakiramdam ko ay aatakihin na ako puso!

"Young master." Napatingin kaming lahat sa nagsalitang lalaki. Nakatayo ito sa may pinto ng silid habang may kung anong pinapakinggan sa may tenga nito. An earpiece! Napakunot ang noo ko at hindi inalis ang paningin sa tauhan ni Adam Zamora. "Confirmed. They're on their way," imporma niya sa lalaki.

Mas lalong lumakas ang tensyon sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Napahawak ako ng mariin sa gilid ng doctor's gown ko at nanatiling tahimik sa puwesto. I don't even know if I'm still breathing right now! Mas nakatuon kasi ang atensiyon ko sa mga baril na hawak ng mga kasama ko ngayon. Sa itsura pa lang kasi nila, alam kong makikipagpatayan talaga sila kung may kung anong gawing masama ang mga taong parating ngayon sa mansyon na ito!

Mayamaya lang ay hindi ko na nakayanan pa ang tensiyong mayroon kami ngayon. Tiningnan ko si Adam at humugot ng isang malalim na hininga bago magsalita. "Mr. Zamora," tawag ko kay Adam. Damn me! Hindi na talaga ako makapag-isip nang maayos ngayon! Mapapahamak kaming lahat kung mananatili kami sa lugar na ito. Kung totoo ngang parating na ang kalaban nitong Adam na ito, we need to escape immediately!

"Orly, call Wilson. Tell him that the bastard is coming," mariing sambit nito na siyang sinunod naman agad ni Orly. Natigilan ako at matamang tiningnan ang mukha ni Adam Zamora. He's calmed and composed! Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon! What the hell?

"We need to get out of this place, Mr. Zamora. Baka mapasama pa lalo ang lagay mo kapag tuluyan nang dumating iyang mga taong papunta sa mansyong ito!" bulalas ko at hinarap ito nang maayos. "We need to leave... now!"

"You're here with me, Belle Del Monte. Alam kong 'di mo ako pababayaan," walang emosyong sambit nito na siyang napatanga sa akin sa harapana ng lalaki. What? "You're here. I'll be fine," dagdag pa niya na siyang ikinakurap ko na lamang.

"At paano naman kung ako ang mapapahamak sa gulong ito? Mr. Zamora, wala ito sa kasunduang pinirmahan ko! Hindi nakasaad doon na mamamatay ako habang tinutulungan kang mabuhay!" hestirikal na sambit ko sa kanya. Now, I'm losing it!

"Exactly," agad na wika niya na siyang nagpatigil muli sa akin. "Wala ito sa napag-usapan kaya naman ay kumalma ka. Walang mangyayaring masama sa'yo." Napaawang muli ang mga labi ko sa narinig mula sa kanya. Kumalma? Ako? Sa ganitong sitwasyon? Kakalma ako? Nababaliw na ba siya? "They're just here for a small talk. That's all."

Saving The Beast #Wattys2020Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang