Chapter 17 - END

301K 8.5K 561
                                    

CHAPTER 17 (END)

NAKASIMANGOT si Gilen habang naglalakad palapit sa bahay ni Kaino. Ang lalaking iyon talaga, tulog mantika! Nangako pa naman ito sa kanya na gigising ng maaga dahil pupunta ito sa bahay niya at sabay silang magja-jogging. Pero heto, alas nuwebe na ng umaga, tulog pa rin ang gago na yun. Ang sarap pisunin.

Kinuha niya mula sa bulsa ng denim short niya ang susi sa bahay ni Kaino bara buksan ang naka-lock nitong pintuan. Ibinigay nito iyon sa kanya ng binata ng sagutin niya ito, tatlong buwan na ang nakakaraan. Halos magtatalon ito sa tuwa ng umo-o siya. Siya naman, chill lang habang naka-upo pero sa loob naman ay parang nagtsu-tsunami. Mahal na mahal niya ang kasintahan kahit tulog mantika pa ito.

She’s so happy right now. After that night, hindi niya akalain na makakasama pa niya ang mga taong mahal niya. Buti nalang at naisipan niyang magsuot ng vest. She can’t express how much thankful she is to god for saving her. Kung noon hindi siya sumisimba, ngayon, palaging siyang nasa simbahan tuwing linggo. Marami siyang dapat na ipagpasalamat sa panginoon. Her life couldn’t get any better. Nakakulong na si Jaime Ramirez at ang mga tauhan nito. Walang piyansa ang kaso ni Jaime at dalawang buwan mula ng makulong ito, nahatulan ito ng guilty at habang buhay na pagka-kulong. He deserves it! Talagang nakatulong sa pagpapakulong kay Jaime ang white book.

Iyon ang nagsilbing ebidinsiya nila sa korte. Hindi lang pala drugs at pagnanakaw ng sasakyan ang illegal na Gawain ni Jaime. Marami pa itong illegal na aktibidad na ginagawa at lahat ng iyon ay nasa white book. Siya na yata ang pinakamasaya ng mahatulan ng guilty si Jaime. Wala ng mananakit sa mga taong mahal niya. Mapapanatag na ang kalooban niya. Nagpapasalamat siya kay Luther, dahil kung hindi nito tinawagan si Kaino para humingi ng tulong, baka namatay na siya. Thanks to that i-don’t-care-guy-Luther, she’s still alive and breathing.

Huminga siya ng malalim at tinawag ang pangalan ng kasintahan.

“Kaino! Kaino! Wake up!” She’s free to shout as loud as she can can. Sila lang naman ang tao rito sa bahay. Umuuwi ang mga katulong ni Kaino tuwing weekends. Parang day-off na rin nila. And it’s Saturday.

“Kaino! Come on. Wake up!” Sigaw niya habang umaakyat patungo sa second floor kung saan naroon ang silid ng kasintahan.

Napasimangot siya ng binuksan niya ang kuwarto ng binata at wala ito roon.

“Saan naman kaya nagsusuot ang lalaking yun?” Tanong niya sa sarili at isinara ang pintuan ng silid ni Kaino.

Naglakad siya patungo sa kusina. Nauuhaw na siya. Iinom muna siya ng tubig bago niya hanapin si Kaino. Medyo may kalakihan din ang bahay na ito. Ayaw niyang ma-dehydrate sa kasisigaw ng pangalan ng baliw niyang kasintahan.

Papasok palang siya sa kusina, agad na naamoy niya ang mabangong aroma ng pagkain. Mabilis siyang pumasok at nakita niya si Kaino na hubad-baro at nagluluto. Napanganga siya sa kakisigan nito mula sa likuran. Tanging faded jeans lang ang suot nito at wala itong sapin sa paa. Mula sa likuran, para itong model ng jeans.

Yum! Ang matso-matso talaga ng boyfriend ko. Puwede ng gawing agahan! Lihim siyang napalunok at nag-iwas ng tingin. Tamang-tama naman nilingon siya ni Kaino.

“Hey, chocolate.” Nakangiting bati nito sa kanya at nilapitan siya para halikan sa pisngi. “Good morning. How’s your day?”

Hindi siya nagpa-apekto sa napaka-yummy nitong abs at magandang ngiti. Inirapan siya ito.

“How’s my day? Terrible!” Pinandilatan niya ito. “You promise na gigising ka ng maaga at pupuntahan mo ako sa bahay para sabay tayong mag-jogging. I waited for an hour pero walang dumating kahit na anino mo.”

Falling for Mr. Bouncer - Published!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon