Chapter 9

188K 5.7K 356
                                    

CHAPTER 9

ILANG araw nang namamalagi si Gilen sa isla, and it’s so boring. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-swimming sa beach at manuod ng sunrise at sunset. Kinukulit niya si Ethan na pahiramin siya ng cell phone kasi tatawagan niya ang mga kaibigan niya para man lang malibang siya pero hindi ito pumayag. Nakakabagot ang walang ginagawa. Nakakainis naman kasi. Nang lumapag ang helicopter sa isla, kinompiska ang gadget na dala niya which is her phone.

Protocol daw. Protocol, her ass!

Nandito siya ngayon sa buhangin at hinihintay ang sunset, wala naman siyang ibang gagawin kung hindi ito.

Napatingala siya sa kalangitan ng may marinig na malayong tunog ng helicopter. Hindi na iyon bago sa pandinig niya. Sa isang linggo niyang pananatili sa islang ito, halos araw-araw pumupunta ang Helicopter na iyon dito sa isla para magdala ng kung ano-anong gamit o pagkain para sa mga nakatira rito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga ng makitang lumubog na ang araw. Isang araw na naman ang lumipas na wala siyang ginawa kung hindi umupo, matulog at kumain. Nakakairita pero ayaw naman niyang bumalik sa manila kung saan may nagtatangka sa buhay niya. Kahit ayaw niya, ipapaubaya niyang muli kay Luther Sr. ang problema niyang ito.

Wala naman akong ibang choice.                                    

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa inuukapa niyang maliit na cottage. Nang dumaan siya sa inuukupang cottage ni Ethan na katabi lang ng cottage niya, napakunot ang nuo niya. Madilim ang loob at halatang walang tao.

Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yon? Siguro nandoon si Ethan sa island HQ. Palagi kasing naroon ito kapag wala sa cottage nito. Hindi naman siya natatakot na wala siyang kasama dahil nagkalat ang mga guard sa isla at alam niyang palaging tsini-check ang cottage niya kung okay lang ba siya o hindi.

Nagkibit-balikat siya at pumasok na sa cottage niya. Naghahanda na siyang maligo ng may kumatok sa pintuan ng cottage niya. Sa isiping si Ethan iyon, agad niyang binuksan ang pinto ng walang pag-aalilangan.

Umawang ang labi niya ng makita kung sino ang nasa labas ng pintuan.

“Kaino?” Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito.

Nakatayo ang binata at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon na suot nito. Titig na titig ito sa kanya na para bang natatakot na kapag kumurap ito kahit isang beses lang ay mawawala siya sa paningin nito.

Sa isang linggong pananatili niya sa isla, walang araw na hindi ito sumagi sa isip niya. Ngayon lang niya naramdaman na sobra niya itong na-miss ngayong nakita na niya ito.

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito yakapin ng mahigpit. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya sa binata.

“Hindi mo ba ako papapasukin?” Balik tanong nito.

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Sige, pasok ka.”

Pumasok si Kaino at ipinalibot ng tingin sa kabuunan ng cottage niya. Parang sinusuri nito ang bawat sulok ng cottage sa klase ng pagkakatingin nito.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya ulit kay Kaino.

Binalingan siya nito, nakapamulsa pa rin. “I came here to see if you’re okay.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I’m okay. How about you? Kumusta?”

“Okay lang din.” Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa pisngi niya. “Pumayat ka. Hindi ka ba nila pinapakain ng tama rito?”

Falling for Mr. Bouncer - Published!Where stories live. Discover now