Chapter 12

185K 5.5K 173
                                    

CHAPTER 12

NAKANGITING lumapit sa kanya si Kaino. Bakas ang kasayahan sa mukha nito.

“Masaya ka yata.” Komento niya habang naka-indian sit sa buhangin at nakatingin sa papalubog na araw.

He sits next to her. “Yep. Makakalabas na bukas si Ethan sa Hospital.” Masayang balita nito sa kanya.

Nilukob ng kasayahan ang puso niya sa narinig. At least, kahit papaano, mababawasan ang guilt na nararamdaman niya.

“Mabuti naman kung ganoon.” Aniya sa masayang boses. “Natutuwa ako na makakalabas na siya sa Hospital.”

“Yeah, ako rin.” Sangayon nito at inakbayan siya. “Tayo kaya, kailan makakalabas sa islang ‘to?”

“Sana nga makabalik na tayo sa Manila. Miss ko na ang mga kaibigan ko.” Aniya na nakatingin sa malawak na karagatan.

“I know. Iyan palagi ang reklamo mo sakin.” Hinapit niya nito palapit dito. “May tanong ako, Gilen. Huwag kang magagalit ha? It just boggles my mind sometimes. Ayokong mag-assume at naiilang ako na magtanong sayo.”

“Sure. Ask away.”

Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita.

“I always saw you in the Bachelor’s Bar, and we both know that their drinks are expensive.” Humugot ito ng isang malalim na hininga. “Saan ka kumukuha ng pera pambayad sa mga drinks mo?”

Hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin kung anong ang inisip nito bago ito magtanong sa kanya.

“Bago kita sagutin, gusto kong malaman ang nasa isip mo. I’m sure may naisip kang sagot sa tanong mo.”

Binasa nito ang mga labi at hinarap siya. “Honestly, wala akong maisip. Naaalala ko yung sinabi mo sa akin noon na inheritance mo iyon, pero sa mga nalaman ko ngayon tungkol sayo, alam kong hindi iyon inheritance. So…”

Ihinilig niya ang ulo sa matitipuno nitong balikat. “After the NBI Protection program released me, Luther Sr., hired tutors to teach me. Ayaw kung mag-aral kasi nga seventeen na ako, tapos elementary palang ako. Nakakahiya. Hindi naman ako nahirapan sa mga tutors ko kasi mabilis naman akong matuto at may tutors din ako nuong nasa poder pa ako ni Jaime. Kailangan kung matutong magbasa, magsulat at mag-english dahil tumatayo rin akong sekretarya niya. I was taught how to socialize, how to make myself look beautiful and many more. Kaya naman ng makaalis ako sa poder ni Jaime, hindi ako nahirapan.”

“And the money?”

“Totoo ang sinabi ko na inheritance yun. A year after I was release in Protection Program, I met my father. Buhay pa pala siya, pero patay na siya ngayon. May cancer siya at isang taon mula ng magkakilala kami, namatay siya. Actually, malaki ang dapat kung ipagpasalamat kay Luther Sr. Dahil sa kanya nakapag-aral ako sa collage at nakilala ko ang ama ko na MIA buong buhay ko. Nang mamatay ang ama ko, napunta sa akin ang lahat ng assets, stocks at pera niya. Wala siyang ibang relatives maliban sa akin. He told me that he met my mom on the bar and he didn’t know that my mom got pregnant with his child, nalaman lang niya nuong sinabi daw ni Luther Sr., pero siyempre nagpa-DNA test pa rin ako para sigurado and it turns out, he really is my father.”

“Kung mayaman siya, bakit nakatira ka sa isang simpling apartment at hindi sa isang mansiyon?”

Mapakla siyang tumawa. “Mansiyon nga pero wala naman akong kasama. Mas pinili kung ipagbili ang mansiyon at manirahan sa isang simpling apartment kasi roon, It felt like home. Isa lang naman ako so okay lang.”

Kaino nodded earnestly. “Sorry I had to ask.”

“It’s fine. I don’t mind.”

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang nakatingin sila sa papalubog na araw. Kulay asul at ginto na ang dagat at napakaganda niyon tingnan. Ipinalibot niya ang braso sa bewang ni Kaino at naramdaman niyang natigilan ito sa ginawa niya. Kung titingnan, parang magkasintahan ang ayos nilang dalawa, pero ang totoo wala naman silang relasyon.

Falling for Mr. Bouncer - Published!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon