“Hindi ko maintindihan.” Aniya sa naguguluhang boses. “Bakit ginagawa ito ni Jaime? Nasa akin pa ang white book.”

Binitawan ni Kaino ang pisngi niya at hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.

“Siguro naisip niya na wala namang saysay ang white book kung patay ka na.” Anito. “Walang nakakaalam kung saan mo itinago ang libro. Iniisip niya na wala kang magagawa lalo na ngayon na nasa isla ka at nagtatago. Well, maliban nalang kung dala-dala mo rito ang librong iyon.”

Mabilis siyang umiling. “Hindi ko dala ang white book. Nasa maynila iyon at nakatago sa—” Tumigil siya sa pagsasalita at kinagat niya ang pang-ibabang labi. Muntik na iyon ah!

“I understand. You don’t have to tell me.” Nilaro-laro ni Kaino ang daliri niya. “Yun lang ang naisip kung rason kung bakit ka niya gustong ipapatay. You’re thingking na hindi ka niya papatayin dahil sa libro, pero doon ka nagkamali. Papatayin ka niya dahil sa librong iyon, Gilen. Ibigay mo nalang kasi sa amin ang librong yun.”

“Kaino, akin ang librong iyon at hindi ko iyon ibibigay sa kahit na sino.” Aniya sa garalgal na boses. “Pag-aari yun ng mama ko. Iyon lang ang tanging bagay na iniwan niya sa akin ng mamatay siya. Mahal na mahal ko ang mama ko kahit ganoon siya. Isa lang naman ang pagkakamali niya e, iyon ay ang maghangad ng maginhawang buhasy para sa aming dalawa.”

Tuluyan na siyang umiyak ng maalala ang pinagdaanan ng ina sa kamay ni Jaime Ramirez. Hinding-hindi niya mapapatawad ang hayop na lalaking yun!

Kaino enveloped her into a warm embrace. Wala itong sinabi basta niyakap lang siya nito at hinagod ang likod niya. Mas lalo pang lumakas ang iyak niya sa ginawa nito. Mula ng mawala ang mama niya, walang tao na yumakap sa kanya ng ganito. She felt secure in someone’s arm for the first time after her mother’s death. Nakaramdam lang siya ng ganito sa mama niya, at ngayon kay Kaino. Hindi niya akalain na sa bisig nito, mararamdaman niyang safe siya kahit alam niyang gagawin ang lahat ni Jaime para mamatay siya.

She hugged him back and put her chin on his shoulder. Panay pa rin ang tulo ng luha niya.

Kaino pulled away and dry her tears. “Stop crying. Kung ano man ang nangyari sayo noon, hindi na muulit iyon ngayon. I’m here. Hindi ko hahayaan na mangyari yun.”

Gilen force a smile.

“You don’t have to smile to show me that you’re okay, Gilen. Just stop crying and drop that fake smile. Ayokong makita ang pekeng ngiti na yan.”

Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya at matamang tinitigan ang binata. Sinalubong ni Kaino ang titig niya. He’s looking at her like she’s somewhat important to him. At sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya, hindi niya napigilan ang sarili na i-kwento ang nakaraan niya rito.

“I’m scared, Kaino. I don’t have a fairytale childhood, you know.” Simula niya. “Nuong bata pa ako, nakikita ko lumalabas si mama sa bahay gabi-gabi para raw may makain ako. Naawa ako kay mama, kaya naman sa mura kung edad natuto akong magnakaw. Nuong una, munting halaga lang ang ninanakaw ko. Naging isa akong batang mandurukot. Alam kong masama ang ginagawa ko pero hindi naman sapat ang inuuwing pera ni mama para sa pagkain namin sa isang araw. And then at the age of ten, pumasok sa buhay namin si Jaime Ramirez. Hindi ko alam kung ano siya, basta pinakilala siya sa akin ni mama at sinabing doon na raw kami titira sa mansiyon niya.”

Tumawa siya ng pagak. “Of course, I’m a kid. I was so happy kasi sa wakas may maayos na bahay na kaming titirhan. Well, my happiness was cut off short when I saw Jaime hit my mom. Pinilit ko si mama na umalis sa mansiyon pero hindi pumayag si mama. Kasi kahit daw binubugbug siya ni Jaime, nakakakain naman daw kami ng tama. I want to leave Jaime’s mansion, pero ayaw ni mama at dahil doon, mas nahasa pa ang kaalaman ko sa pagnanakaw. Nalaman ni Jaime at ang kapatid niyang si Julio na isa akong mandurukot and they wanted to take my talent to the next level.”

Falling for Mr. Bouncer - Published!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon