Chapter 33: Lover's Quarrel

Magsimula sa umpisa
                                    

"D-dalawa? Ay mali. Mali. Tatlo? 'Di ba isa pa lang? I mean, dalawa. Pero since hindi ka naman talaga nambababae, isa lang talaga."

"Huh? Ano?! Ang gulo mo!"

"Wala! Pero teka lang, ha. You mean nag-away kayo kasi hindi niyo nasunod ang ilang sa mga rules niyo?" Tumango si Xander.

Medyo natawa naman ako du'n. "Ano nakakatawa?" tanong nya sakin.

"Wala naman. Your reasons are just so... petty." Natahimik naman si Xander sa sinabi ko. Parang nag-iisip. "You're both childish kaya lumaki ng ganyan ang away niyo. Pero dahil na rin sa eksenang inabutan namin kanina... nako, Xander."

"Bakit? Ano?" Medyo nagpapanic na tanong niya.

"Goodluck na lang sa 'yo. Mahirap amuhin 'yang si Ms. Taray. Parang hindi mo kilala 'yan."

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko. O 'di ba? Sa halip na i-encourage parang lalo ko pa siyang dina-down. But at least alam niya ang totoo.

Natigil kami sa pag-uusap nang bumukas na ulit ang pinto sa may hall at naglabasan ang mga tao. Nakita na rin namin ang mga kasamahan namin na lumabas na kasama ang ibang schoolmates pati na rin ang teachers, at si Ayu at Ken.

"Bakit hindi na kayo bumalik sa loob?" tanong ni Zoe.

Walang sumasagot sa amin ni Xander. Si Yannie naman nakatahimik pa rin. Itim pa rin ang aura niya ngayon.

"Salamat sa pagsagot sa tanong ko," dagdag pa ni Zoe kaya nginitian ko siya.

At dahil siya nga si Zoe na madaling makaalam ng feelings at tinatago namin, parang nagets na niya 'yung ngiti kong 'yun.

"Wait lang guys, ha. Mauna na kayo sa sasakyan. Restroom lang kami. Sab, pasama," paalam ni Zoe sa kanila.

"Ha? Pero kakagaling ko lang – "

"Sasamahan mo ako, 'di ba?" Pinanglakihan pa nya ko ng mata.

Bakit ba kasi ako pa – ah! Gets ko na. Ang slow ko talaga paminsan minsan. Natraffic pa siguro common sense ko.

"Ah, oo nga. Sabi ko nga pupunta tayong restroom, e. Ang cute kasi ng restroom dito kaya nag-eenjoy akong balik-balikan. Sige, una na kayo guys. Sunod na lang kami ni Zoe," kaway ko sa iba.

Okay. Mukhang magiging dakilang storyteller ako ngayon.



***

Yannie's Point of View


Nakakainis ang walanghiyang lalaking 'yan. Magsasuggest ng fake relationship tapos hindi naman mapapanindigan. Sana di na lang siya nagsuggest nu'ng simula palang 'di ba?

Nakakatapak lang kasi sa pride ko. Dahil nga sa ang akala ng mga tao na totoong kami, kung makikita nila si Xander na may kasamang ibang babae, iisipin nila na uto uto ako. Kakaawaan nila ako. That's the least thing I want right now. Oh my precious ego. Baka mayurakan dahil sa kagagawan ng napakawalanghiyang Xander Evans na 'yan.

Dahil sa inis ko hindi ko magawang makipagcelebrate sa mga 'to. Sayang naman ang venue. Tsk. Nagrent kasi kami ng karaoke room at nagcelebrate sa pagkakapanalo nila Ayu.

Si Sab, Zoe, Josh at Ken kanta nang kanta. Si Ice nakaupo lang sa gilid pinapanood at nakikitawa sa kanila. Si Ayu naman ay nakikisayaw lang since malat siya ngayon at hindi makakanta. Si Xander? Malay ko. Anong pakialam ko sa kanya?

"Yannie." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Speaking of the devil. Si Xander nga. Tumabi siya sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Pansinin mo naman ako." Pansinin mo mukha mo. "Okay, I'm sorry. Sorry kung nagalit ako at inaway kita nu'ng sinabi mo sa girls na fake lang tayo. I'm sorry kung nakita mo ako kanina with a girl pero kasi – "

Hindi ko na pinakinggan ang kasunod niyang sasabihin. Tumayo ako at lumabas. Bahala siya sa buhay niya. Magdadahilan pa nahuli na nga.

Ito ang kailangan ko ngayon... ang magpahangin. Umupo ako sa isang bench at ilang sandali lang ay may tumabi sa akin. Tiningnan ko lang siya. Nginitian niya ko pero hindi ko siya pinansin. "Mag-isa ka lang, miss?" tanong ng lalaki.

"May nakikita ka bang kasama ko?" balik ko ng tanong sa kanya na tinawanan naman niya. "Mukha ba akong nagjojoke?"

Tinaas niya 'yung dalawang kamay niya at umatras ng kaunti. "Okay. Okay. Sorry, miss. Mukhang badtrip ka, ha."

"What's it to you?"

"Nagtatanong lang. Bakit ka badtrip?"

"None of your business." Napakakulit ng lalaking 'to. Nakakadagdag lang sa kabadtripan ko.

"Ano na lang pangalan mo?" Bahala nga siyang magsalitang mag-isa. Bahala siyang magmkhang tanga.

"Miss, sige na. Sabihin mo na lang name mo tapos hindi na ko mangungulit."

"Shut up," irap ko sa lalaki pero makulit talaga at ayaw manahimik.

"Tatahimik ako kapag sinabi mo na ang pangalan mo. Ano na name mo? Ano na? Ano? Ano – "

"Yannie! Kaya tumahimik ka na dyan!"

"Oh. Nice to meet you, Yannie. Ako naman si – "

"I'm not interested." Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko naman tinatanong tapos sasabihin pa niya pangalan niya. Pakialam ko ba?

Nang umayos na ulit ako ng upo ay nagulat ako nang makita na nasa harapan ko na si Xander.Nakakunot ang noo niya at mukhang badtrip na rin. Sasabayan pa ba talaga niya ako?

"Nagagalit ka kasi may kasama akong ibang babae pero ikaw, ito, may kasama rin ibang lalaki."

Wow. So baliktad na. Ganu'n?"Huwag mo nga lang akong ikumpara sa 'yo."

"Ginagantihan mo ba ako kasi akala mo nambabae ako?"

Tumayo 'yung lalaking makulit at hinarap si Xander. Tsk. Eepal na naman, e.

"Sino ka ba? Kita mong nag-uusap kami dito," sabi niya kay Xander.

"Really? Nag-uusap kayo? Psh. I'm her boyfriend."

"Was. Was my boyfriend. If you ever consider yourself as one," singit ko.

"Ex ka na pala niya. Umalis ka na dito, pare. Kitang kausap ko siya," sabi ng makulit.

Hindi siya pinansin ni Xander at sa halip ay kinausap ako. "You can't do this, Yannie. Let's talk."

Nagulat na lang ako nang itulak siya ng lalaking makulit. Napaatras si Xander at tiningnan nang masama 'yung lalaki. Then, boom. Sinuntok niya 'yung lalaki kaya nakasalampak na siya ngayon.

Tiningnan ko lang 'yung lalaki at tumingin ulit kay Xander.

"What's wrong with you, Yannie?!" sigaw niya sa akin. Siya pa talaga ang galit?!

"Tinatanong mo pa?! Hindi ka ba maiinis kung makita mo 'yung 'fake' boyfriend mo na may kasamang iba?!"

"Nagseselos ka ba?"

Napaatras ako sa tanong niya. Ako? Magseselos? Wow, patawa pala 'to. Hindi ako nagseselos. As if. Bakit naman ako magseselos? Asa pa siya. "In your dreams. Nakakaapak ka lang ng pride! Kahit fake lang 'to pakiramdam ko niloloko pa rin ako!"

"Hindi kita niloloko! She's not one of my girls, Yannie. I don't even have any other girl aside from yo!" Huh! So ineexpect niyang maninwala ako? Excuse me. "You don't believe me."

"Buti alam mo," irap ko sa kanya kaya napasabunot siya sa ulo niya.

"Ugh! Basta nagsasabi ako ng totoo. Ikaw nga dyan, e. Ikaw ang may kausap na ibang lalaki. Nakikipag-away ka sa akin kasi akala mo may babae ako pero ikaw 'tong may kinakausap na iba kasi magkaaway tayo." Aba. At ako pa ngayon? Binaliktad na talaga niya.

"Huwag mo akong baligtarin. I don't even know that guy. Kanina ko pa nga 'yan tinatarayan pero ayaw pa rin umalis sa tabi ko. Why am I even explaining myself to you? Nakakairita!" I stomped my feet. "Wait... baka ikaw ang nagseselos?" sabay ngisi ko sa kanya.

Pero si Xander 'to. Asa pa ko. Wala sa bokabularyo nito ang salitang selos. At bakit naman siya magseselos? Sino ba naman ako sa kanya?

"Nah. Huwag mo nang sagutin. Alam ko na ang – "

"Yes, Yannie. I'm damn jealous. Happy?" 

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon