Part 27

20.2K 351 8
                                    

"WHAT?" ani Adam. "Kanina ka pa pasulyap-sulyap sa akin." Tumikhim ito. "You're making me hard again, you know."

Muntikan nang masamid si Glaysa.

Nasa dalampasigan sila. Aiden's enjoying the fine sand. Huminga ito at pinatabunan nito ng buhangin ang katawan. Si Adam ay nag-iihaw ng barbeque. May malaking payong itong itinayo kaya may lilom sila. Siya naman ay nakaupo sa picnic mat. She was watching Aiden.

"Kung wala lang sa paligid si Aiden, I will take you right here, right now," dagdag pa nito. "Gusto mong lumublob tayo sa tubig, and have a quickie there?" tudyo pa nito.

Iningusan niya ito. "Naninibago ako sa 'yo kaya ako napapasulyap, okay?" Maganda talaga ang mood nito. Bukod sa maaliwalas ang aura, lagi pa itong nakangiti, at tinutukso-tukso siya. Ang hudyo at napakakisig sa sandaling iyon. He was shirtless. Naka-display sa mga mata niya ang magandang katawan. Naka-shorts at tulad niya ay walang sapin sa paa. At lalong nakadagdag sa kakisigan nito ang suot na sun glasses. He was so damn yummy.

"Daddy, can I borrow your sun glasses?" ani Aiden.

"Sure, son," anang binata. Agad itong lumapit kay Aiden at isinuot sa bata ang salamin. Nakahiga ang bata kaya kahit malaki ang salamin ay hindi naman nalalaglag.

Bumalik ang binata. Maya-maya ay naupo na rin ito sa mat, tumabi sa kanya. Inignora lang niya ito. Humapay ito at sinagi siya, na para bang kinukuha ang atensiyon niya. Inikutan lang niya ito ng mga mata. Inulit nito ang ginawa. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya ang pagkakangiti nito.

"Stop it."

Pero sinagi uli siya nito. Mukhang nagpapapansin talaga.

Sa inis niya ay kinurot niya ito sa braso. He laughed. Hinuli nito ang kamay niya at hindi iyon pinakawalan. Kaya naman bumibilis ang tibok ng puso niya. Kapagkuwan ay inabot ng isang kamay nito ang lalagyan ng barbeque. Kumuha ito ng isang stick at iniabot sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Ang kanang palad niya nananatiling hawak nito at nasa pagitan nila. Hindi niya alam kung bakit nito ginagawa iyon pero... pero aaminin niya na nagugustuhan niya iyon.

"Nalaman kong... Nalaman kong naaksidente ka at... matagal kang namalagi sa hospital?"

Hindi siya umimik. Kumagat lang siya sa barbeque.

"Tell me about it."

Napasulyap siya sa binata. Nakikiusap ang kislap ng mga mata nito. Bumuntong-hininga siya. "Aiden," tawag niya sa anak. "You okay there? Samahan kita diyan?"

"I'm okay, Mommy. Gusto ko lang naman po humiga sa sands. Diyan ka na lang po kay Daddy."

Binawi niya ang palad kay Adam. Hindi naman na ito tumutol. Glaysa took a deep sigh. "I was seven months pregnant then. P-papunta na sana ako sa 'yo para sabihing magkakaanak na tayo, na mahal kita, na sorry, na kung tatanggapin mo pa ako ay..." Itinigil niya ang pagsasalita. At bumuga ng hangin para pagluwagin ang dibdib niya na nagsisimula ng manikip. "A car hit me. I fell in coma. Si Aiden ay nalagay sa peligro kaya kinailangan akong i-CS. Four years later, nagising ako." Inabot niya kay Adam ang barbeque stick, kinuha naman nito. "I c-can't remember anything nang magising ako."

"N-nagka-amnesia ka?"

"J-just imagine my shock nang malaman kong may apat na taung gulang na akong anak. A-after a year, my memory came back..." Kinagat niya ang dla niya para pigilan ang pamumuo ng luha sa nag-iinit niyang mga mata. "I r-remember you. N-naalala ko ang... ang ginawa ko sa 'yo." Tumagilid siya para itago kay Adam ang pagtulo ng mga luha niya. Mabilis niya iyong pinahid pero agad ding nasundan. Hindi niya alam ang reaksiyon ni Adam dahil natatakot siyang sulyapan ito. Tuluyan siyang tumalikod kay Adam. "I... r-remember everything that I did to you. N-naaalala ko kung... k-kung papaano kita tinuruan ng lahat ng bisyo. K-kung papaano kita pinabayaan. P-pero hindi ko maalala kung bakit ko ginawa iyon," basag ang boses na sabi niya. "I remember you c-cutting y-your w-wrist." Tuluyan na siyang napasigok. Pero pilit pa rin niyang pinipigilan na magkatunog ang pag-iyak niya. Itinuon niya ang paningin sa karagatan. "T-that scene kept on haunting me. O-one time, I found myself typing your name on Google. I was so relieved nang mabasa ko ang ilang article na may pangalan mo. Thanking God that you made it. Nagawa mong bumangon. Hindi ka man maniwala pero, I was happy and proud of you."

"B-bakit hindi ka nagpakita sa akin?" basag ang boses na komento ni Adam. "B-bakit hindi mo ako kinontak?"

"I tried," agad na sagot niya. "God knows I tried. P-papunta na ako sa 'yo nang... nang maaksidente ako. Nang bumalik ang mga alaala ko, g-ginusto kong hanapin ka uli. P-pero nauunahan ako ng takot. Ano ang sasabihin ko? Paano ako magpapakita sa 'yo? Of course you'll be mad at me. Sinira ko ang buhay mo, iniwan ka, tapos kung kailan okay ka na ulit saka uli ako eeksena?" Tumawa siya ng pagak. "'Pag sinumbatan mo ako kung bakit ko sinira ang buhay mo, wala akong maisasagot. K-kasi hindi ko rin alam." Impit na humagulhol siya.

"Mommy? Mommy are you crying?" naaalarmang tanong ni Aiden.

Dali-daling pinunasan ni Glaysa ang mga luha niya. "H-hindi. A-ano kasi..." Paglingon niya kay Aiden ay nakabangon na ito.

"Daddy... You're crying, too?"

Tumikhim si Adam. "Ahm, k-kasi... Ano, uhm, nagkukwentuhan kami ng mommy mo ng sad movie. Pareho kaming naiyak."

Lumapit sa kanya si Aiden. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya para paupuin. Nang umupo siya, pinagpag ni Aiden ang kamay nito bago pinunasan ang mga bakas ng luha sa mukha niya. Then he hugged her. "Don't cry anymore, Mommy." Lalong gusto niyang mapahagulhol. Tumakas na naman ang mga butil ng luha sa mga mata niya. Binalingan ni Aiden ang ama. "Don't tell her sad stories. Please! I told you already that I hate seeing my mommy cry, right?" may pang-uusig ang mga mata nito habang kumikibot-kibot ang mga labi na parang iiyak din.

"N-nakikita mo akong umiiyak?" nagtatakang tanong niya.

"You cry at night."

Umiling siya. "No, hindi naman ako..." she stopped. Oh, God, hindi niya akalain na alam ng anak niya ang mga pag-iyak niya sa gabi. At naaapektuhan ito dahil doon. Nakagat niya ang labi niya. Niyakap niya ang anak. She'd been careless. "I'm sorry. I'm sorry. Mommy won't cry anymore, promise."

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Where stories live. Discover now