Part 24

19.7K 424 23
                                    

"MOMMY's still sleeping, daddy?" tanong ni Aiden. Kumakain ito ng cereals habang siya ay naghihiwa ng iluluto.

"Yes." Lihim siyang napailing. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa tainga niya ang naging pag-uusap nila ni Glaysa kagabi. Ah, ano kaya ang magiging reaksiyon nito pagkagising. Maalala kaya nito ang 'panaginip'nito? Honestly, pakiramdam niya ay gumaan ang loob niya. Paulit-ulit na huminga ng sorry sa kanya ang dalaga. At ramdam niya ang sincerity nito. Dumederetso iyon sa puso niya. Pinapawi ang galit niya. Lalo na ng sabihin nito na minahal din naman siya nito. Tapos sinabi nito ang posibilidad na mahal pa siya nito. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.

Oh, ang totoo ay maaga pa rin siyang nagising kanina. At wala siyang ibang ginawa kundi titigan ito. He found himself smiling. Yeah, napapangiti siya habang nakatitig sa dalaga. Hindi bigat ng loob at galit ang nasa dibdib niya kundi saya at peace of mind. Hindi kaya tuluyang napatawad na niya ito? Maybe.

"Why? Tanghali na po, oh. Maaga lagi gumising si Mommy eh. Oh!" nanlaki ang mga mata nito nang tila may naalala.

"What is it?" naintrigang tanong niya. Inabot niya ito at pinunusan ang gatas na nasa gilid ng labi.

"Did you know that mommy slept for years?"

Natigilan si Adam. Biglang umalon ang sikmura niya, hindi niya alam kung bakit. "What do you mean?"

"I was so young then so I can't really remember it, daddy. Pero sabi po ni Tita Missy, mommy slept for four years. Nasa tummy pa nga niya ako. You know the little line in mommy's tummy? Sabi ni Tita Missy, doon daw ako kinuha ng doctors. Mommy can't deliver me normally because she was sleeping, so the doctors had to cut her tummy. Tita Missy and Tito Mikko took care of me until mommy woke up."

Nanginig ang kamay ni Adam. Parang nanlalaki ang ulo niya sa narinig. Slept for four years? Ibig bang sabihin ay naaksidente si Glaysa habang buntis at na-comatose ng apat na taon? At comatose ito nang ipanganak si Aiden?

"Oh, daddy, you're trembling," anang binata, itinuro ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo.

Binitiwan niya ang kutsilyo. Hindi siya makapag-isip. Hinagilap niya ang tubig at uminom. Para siyang nataranta sa nalaman niya. And he was having goosebumps all over. Nasa report kaya iyon ng imbistigador? Dahil hindi naman niya binasa ang report. Nang malaman niyang nakita na si Glaysa at malaman niyang anak niya ang bata ay agad niyang plinano ang pagdadala rito sa isla. Ni hindi niya inalam kung ano ang naging buhay nito sa nakalipas na mga taon. All he cared about was his anger.

"Just like mommy," humahagikhik na sabi ni Aiden.

"What?"

"I said pareho po kayo ni Mommy na nanginginig ang kamay kapag may hawak na kutsilyo. Mommy can cook but she needs someone to prepare the ingridients for her. She was afraid of knives."

Lumunok siya. "A-Afraid of knives?"

"Nanginginig po siya 'pag nakakakita ng knife. Lalo na po 'pag hahawakan. Bigla na lang siya iiyak."

Lalo siyang nanlamig. "B-bakit daw?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Sabi ni Tita Missy, naaalala daw kasi ni mommy yung friend niya na nasaktan ng knife. So, Tita Missy told me na huwag akong maglalaro ng knife."

Was it him? Sinulyapan niya ang peklat sa pulso niya. Ipinapaalala ng kutsilyo kay Glaysa ang pagkakataong naglaslas siya ng pulso?

Tumigil sa pagkain si Aiden. Lumungkot ang mukha nito. "I hate it when mommy cries. She looked so sad and miserable."

Lumunok siya. Parang may napakalaking bikig sa kanyang lalamunan na nagpapahirap sa kanyang huminga. "L-lagi ba siyang umiiyak?" Tears stung his eyes. Pumipikit-pikit siya at pinawi iyon.

Tumango ito. Nanghahaba ang nguso sa kalungkutan. "Mommy silently cries at night. Nagigising na lang po ako na humihikbi siya. 'Pag alam niyang gising ako, bigla na lang siyang titigil sa pag-iyak. I really hate it when she cries because I feel like crying, too."

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Where stories live. Discover now