Part 8

21.6K 393 10
                                    

You can survive this, Glaysa, sabi niya sa sarili. Hayaan mo siya sa mga gusto niyang gawin sa 'yo. For all you know, katawan mo lang ang habol niya. Kaya magpagamit ka. Hulihin mo ang loob niya. Kunwari lulong ka na rin sa pakikipagtalik sa kanya. Sweet-talk him. Kumbinsihin mo siya na magsama na kayo. Pagkatapos, kapag pinakawalan ka na niya, kapag nakuha mo na ang loob niya, saka ka tumakas. Patayin siya kung kinakailangan. Kailangan mong magpakatatag, Glaysa, para sa anak mo.

Humaplos ang mga dulo ng daliri sa ilang stretch marks sa may puson niya. He was tracing the line over and over again. Hanggang sa dumako ang mga daliring iyon sa peklat na dulot ng pagsailalim niya sa ceasarian section.

"I believe you carried my child, Glaysa. Ipinagbuntis at isinilang."

Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Glaysa dahil sa narinig. She gasped, pero hindi siya sigurado kung nagkaroon ng tunog ng singhap niya. Nanindig ang mga balahibo niya sa katawan. The world seemed to stand still. Pati yata puso niya ay tumigil sa pagtibok.

Ang sinabi nito... Ang boses nito, ang boses...

The voice was husky, deep, and baritone. Kontrolado man ang boses bakas pa rin ang hindi matatawarang galit. Lumipas man ang mga taon, kilala pa rin niya ang boses na iyon. Ah, parang gusto niyang himatayin noon mismo. Kung ganoon... kung ganoon ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng anak niya.

Nakakabingi ang katahimikang biglang lumukob sa silid na iyon. She felt so cold. Parang masusuka siya sa biglang pag-alon ng sikmura niya. Naghahalo ang tensiyon, antisipasyon, at shock. Hindi man niya ito makita, ramdam niya ang matalim na kislap ng galit sa mga mata nito. It was piercing her soul. Oh, God, he looked for her and he found her. And he was so mad at her para magawa nitong ipa-kidnap siya, itali, at takutin.

After seven years...

As if on cue, tinanggal ang piring niya. Agad naka-adjust sa liwanag ang basa sa luhang mga mata ni Glaysa. There, nakita niya ang salirin, si Adam--- ang ama ng anak niya. Muntikan pa siyang mapasinghap sa bagong Adam na nasa harapan niya ngayon. Holy cow!

Pitong taon na ang nakararaan mula ng huli niyang makita ang lalaki. Looking at him now, napakaraming binago ng pitong taon dito.

Nagka-amnesia ka na ba, Glaysa? You were the one who changed him. You changed that innocent man, sumbat ng konsensiya niya.

"Hello, Glaysa," malamig nitong sabi na nagpaalon sa sikmura niya. How was it possible na naghahalo ang lamig at apoy sa mga mata nito?

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Where stories live. Discover now