Part 3

27.4K 451 5
                                    

GLAYSA OPENED her eyes. Kadiliman ang sumalubong sa mga mata niya. She smiled sadly. Napanaginipan na naman siya si Adam. Si Adam at ang kasalanan niya rito.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang magising siya sa isang hospital. Wala siyang maalala na anoman. Her head was like an empty tank.

To her horror, she learned that she was asleep for freaking four years. Apat na taon siyang comatose.

Pero hindi doon natapos ang sorpresa dahil nalaman niyang pitong buwan siyang buntis nang maaksidente. The doctors immediately put her in ceasarian section to save the baby. Kaya paggising niya mula sa pagkaka-comatose, mayroon na siyang mag-a-apat na taong gulang na anak. Just imagine her shock. Habang comatose siya ay ang mag-asawang Mikko at Missy ang nag-aalaga sa kanya at sa anak niya. Kaibigan daw niya ang mag-asawa, pero maging ang mga ito ay hindi niya maalala.

Tumagilid siya ng higa at iniunan ang mga palad sa ulo niya. Naka-adjust sa dilim ang mga mata niya kaya nakita niya ang pigura ng anak na si Aiden. Anim na taong gulang na ito ngayon. And she loves him so dearly. Ito na ang sentro ng buhay niya. Wala man siyang maalala ay pinili niyang ipagpatuloy ang buhay niya kahit napakaraming tanong sa isip niya. Who was she before her accident? Sino ang ama ng anak niya? Bakit wala ito sa tabi niya? Napakaraming tanong na napapatungan lang ng mga panibagong katanungan.

Nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong niya pagkaraan ng isang taon. Her memories came crashing back to her. Naalala niya kung sino siya. Naalala niya kung sino ang ama ni Aiden. Higit sa lahat, naalala niya ang kasalanan niya sa ama ng anak niya.

His name was Adam Cordovo. Mas bata ito sa kanya ng sampung taon. Bagaman mas bata siyang tingnan kesa sa edad niya dahil baby face siya. She was a liberated person then. She had so many experience in bed. And she enjoyed sex so much. Maaga rin naman kasi siyang namulat sa kamunduhan.

Dumating sa buhay niya si Adam. Eighten years old then. Nerdy looking. Shy. Virgin. Bagaman sa simula pa lang ay nagnanasa na ito sa kanya. So she decided she wanted him to be her boy toy. Binago niya si Adam. Tinuruan niya ito ng mga bisyo. Tinuruan niya ng kamunduhan. He was a willing victim. Dahil obsess ito sa alindog niya ay walang pagdadalawang-isip nitong sinusunod ang lahat ng iutos niya basta pagkatapos ay makikipag-sex siya rito. Oh, she enjoyed him. Enjoyed him so much. She made him a fool. Pinaglaruan niya ito. Pinaikot sa mga palad niya. Tuwang-tuwa sa unti-unting pagkasira ng buhay nito. It gave her thrill and lots of excitement. She made him violent. She made him a drug addict. He was ruined. Hanggang dumating ang sandaling tinangka nitong kitlin ang sariling buhay dahil inayawan na niya.

She left him when he needed her most.

And it was too late when she learned that she loved him.

SOBRANG NANLIIT si Glaysa sa pagbabalik ng alaalang iyon. Nahiling pa nga niya na sana ay hindi na lang bumalik ang alaala niya. She was a fucking sinner. Hindi siya makapaniwala kung anong klaseng babae siya noon. Sobrang sising-sisi siya. Sobrang nanliliit siya. At simula noon, hindi na siya pinatahimik ng konsensiya niya. Isang taon na mula nang bumalik ang alaala niya. Isang taon na rin siyang walang katahimikan. Adam's memory was haunting her.

Hindi siya pinapatahimik ng mga alaala ni Adam at ng mga ginawa niya ito. Kinakain siya ng konsensiya niya. Alam ng Diyos na gabi-gabi, ipinagdarasal niya si Adam. Na sana ay nagawa nitong ayusin ang buhay nito. Na nagawa nitong umahon sa impyernong pinagtulakan niya.

It has been seven years. And all shecan do now is pray for him and love their child.
 

    

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Where stories live. Discover now