Part 13

22.1K 355 11
                                    

CHAPTER 4

"GODDAMNIT," nagngingitngit na bulalas ni Adam nang makalayo kay Glaysa. He was breathing hard. And his cock was fucking hard to the point of pain.

Nothing changed, huh, Adam. Nababaliw ka pa rin sa bango niya, sa lambot ng katawan, sa ganda, anang mapanuksong bahagi ng isip niya.

Muntikan na niyang maiwala ang control niya kanina. He wanted to take her senselessly. He wanted to fuck her to his satisfaction. Gusto niyang ulitin ang mga maiinit na sandali nila noon.

Ah, pero galit lang ang nararamdaman niya rito noon. Noong hindi pa niya nahahanap si Glaysa. Nang makita niya ito mula sa malayo, damn, nagising ang bawat himaymay ng pagnanasa sa katawan niya. His blood boil. His cock gave him painful erections. Just like before.

But, no, history won't repeat itself. Hindi niya papayagan.

Oh, well, he will fuck her. Paulit-ulit. Hanggang sa mapunan ang pesteng pagnanasa niya. Pagkatapos, iiwan din niya ito. He will leave her broken, katulad ng ginawa nito sa kanya noon. What goes around, comes around.

Tumunog ang cell phone niya. Marahas na huminga siya bago inusisa kung sino ang tumatawag. It was his Aunt. Mabilis na sinagot ni Adam ang tawag.

"Tita..."

"Adam, ayaw tumahan ng bata, eh. Nakakaawa na kanina pa iyak nang iyak. Nakatulog na kaiiyak, paggising umiiyak pa rin."

Naikuyom ni Adam ang kamao. "Aliwin n'yo, Tita. Bigyan mo ng mga laruan, pagkain, o kahit ano. Just calm him."

A child. His son. His fucking son. Nang ibalita sa kanya ng imbistigador na sa wakas ay nakita na nito si Glaysa sa isang probinsiya at may anak na, lalo siyang nagalit sa babae. Akala niya ay nagkaroon na ito ng pamilya. Pero nang mabasa niya ang report at malamang single pa si Glaysa, at nang makita niya ang picture ay para siyang tinadyakan sa sikmura. He had the gut feeling the child was his. Kaya inutusan niyang ipa-DNA ang bata. The result came positive. Gustong-gusto niyang sugurin si Glaysa at pilipitin ang leeg nito sa sobrang galit niya. Pero hindi siya nagpadalos-dalos. Matagal niya itong ipinahanap kaya nagplano siyang mabuti. Plinano niya ang gagawin niyang paghihiganti.

"I did everything. Pero walang epekto. Hindi rin kumakain. Hinahanap ang mommy niya."

Mommy! Mommy! Narinig niyang pag-iyak ng anak sa background. Where's my mommy?

He closed his eyed hard. Hindi niya matiis ang pag-iyak ng bata. "Sandali, Tita."

Binalikan niya si Glaysa. Napatigil siya sa paglapit nang makitang nakaupo ito sa sahig. Yakap ang mga binti at umiiyak. Nag-iwas siya ng paningin. Hindi kailanman niya noon nakitang umiyak si Glaysa. She was always strong, confident, and alluring.

Ngayong nakikita niya ang mga luha nito, para bang... para bang lumalambot ang kalooban niya.

Adam shook his head. Magaling itong artista kaya hinding-hindi siya padadala sa mga luha nito!

"Glaysa," pagtawag niya. He knew his eyebrows were forming a line.

Dali-daling pinunasan ni Glaysa ang mga luha. Tumayo ito.

Tinakpan niya ang speaker ng cell phone. "Aiden was crying nonstop. Ayaw kumain. He was looking for you."

Automatic na bumukal ang luha sa mga mata ng dalaga. Tinutop nito ang bibig, and she looked at him. She was pleading.

Marahas na huminga siya. "Kausapin mo. Tell him to stop crying. Sabihin mo rin na kumain siya." Iniabot niya rito ang cell phone.

Dali-daling kinuha ni Glaysa ang cell phone. Pinawi nito ang mga luha, bago ilang ulit na bumuga ng hangin. "A-Aiden, my love, it's mommy..."

Her lips tremble. Muling pumatak ang mga luha nito. "Hush. Hush, stop crying. Ahm, k-kasi may pinuntahan lang ako. I'll be back before you knew it. Kumain ka na ba?" malumanay nitong tanong. "No? P-pero alam mong ayaw kong nami-miss mo ang meal mo..."

Patuloy na nakipag-usap si Glaysa sa anak niya. Mahal ni Glaysa ang anak nila. Mahal na mahal. Hindi siya bulag para hindi makita iyon sa ilang araw na pagsubaybay niya rito. Sa bata umiikot ang mundo nito.

Ah, he was so mad at her for playing with him. With his heart. Pero dapat ba niyang ipagpasalamat na binuhay nito ang bata, isinilang, at minamahal nang buong puso kahit na pinaglaruan lang siya nito? Sapat na ba iyon para tuluyan niyang iisantabi ang galit at paghihiganti?

No, he'll have his revenge.

Muling tumunog ang cell phone niya. It was his mother. "Mom."

"Adam, ano iyong ibinalita sa akin ng Tita mo na may dinala ka daw bata sa kanila?" agad na tanong nito.

He groaned. Nagbilin siya sa Tita niya na huwag munang sasabihin sa mommy niya ang tungkol sa bata pero mukhang hindi rin ito nakatiis.

"Who's that kid, son?"

"My son, Mom."

"Your son!" gulat na bulalas nito. "You have a son? I mean... what... whom--- Adam wha't happening?" halata ang pagkataranta na boses nito.

He breathed harshly. Alam niyang hindi magugustuhan ng ina niya ang sasabihin niya. "Si Glaysa... Remember her? I looked for her, Mom. At nalaman kong nagkaanak ako sa kanya."

Nakarinig siya ng singhap sa kabilang linya. Ah, he could imagine his mother's reaction. Siguradong nanlalaki ang mga mata nito sa gulat. Well, thank God, she's in the US. Hindi niya kailangang makipag-usap dito ng harapan.

"Mom," untag niya.

"S-she's alive?"

"What?"

"A-are you kidding me, Adam?" mahinang tanong nito, parang hindi pa nakakabawi sa pagkabigla. "It's... It's the same Glaysa that ruined your life?"

"No need to worry about me, Mom. Ipinahanap ko si Glaysa para siya naman ang paglaruan ko. I'll make her pay for what she did to me. After I'm done with her, babalik ako diyan, kasama ang anak ko."

"No. Bumalik ka na dito ASAP. And, yes, bring the kid with you," matigas nitong saad.

"I can't do that. Hindi pa naaayos ang mga papeles ni Aiden, lalo na ang travel documents."

"Adam---"

"Mom, everything's under control. My control. Okay? I've got to go. Bye."

"No, Adam---!"

Adam shooked his head. Hindi niya alam kung papaanong nalaman ng mommy niya ang tungkol kay Glaysa pero galit na galit ito noon. Hindi naman niya ito masisisi. Sinong ina nga ba ang hindi magagalit sa ginawa sa kanya? Though he admits he was a willing victim then. Walang pag-aalinlangan niyang ginagawa ang lahat ng iutos sa kanya ni Glaysa. Because he fucking loved her. He loved her and lusted over her. Sobrang obsessed siya kay Glaysa kaya napakadali nitong napasunod siya sa lahat ng gusto nito. Ni minsan hindi siya nag-isip na napapariwara na siya. Na naliligaw na siya ng landas. All he cared before was Glaysa was his.

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon