Part 6

22.7K 392 2
                                    

PAGAK NA tumawa si Adam sa alaalang iyon. Isa lang iyon sa hindi mabilang na maiinit na sandali nila sa ibabaw ng kama. Aminado naman siya, sex has always been great. Kaya nga lalo siyang na-obsess kay Glaysa.

Ah, hindi lang siya sa kamunduhan iminulat ni Glaysa, tinuruan din siya nito ng lahat ng bisyo. Tinuuan siya nitong maging dependent sa droga. Unti-unting nasira ang pag-aaral niya. Lahat ng gusto at iutos sa kanya ni Glaysa ay sinunod niya. Because he fucking loved her then. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi si Glaysa. Ayaw niya itong alisin sa paningin niya.

Until one day, she dropped him like a hot potato. Ayaw na nito sa kanya at sinabing pinaglalaruan lang siya nito. He was high on drugs that time, he tried to kill himself. Pero ni walang pakialam si Glaysa. She leaved him broken and ruined.

Natigil sa pagbabalik-tanaw si Adam nang maramdaman ang impact ng paglanding ng eroplano sa runway hanggang sa mag-taxi iyon.

Tumiim ang mga labi niya. Malapit na tayong magkita, Glaysa...

Agad naghanda sa pagbaba si Adam. Isinuot niya ang shades niya. Nang payagan na ang mga pasaherong bumaba ay dinampot na niya ang coat niya at katamtamang laki ng travelling bag. Pagkatapos ay sumabay na siya sa agos.

He was snorting inside. Paano, hindi kaila sa kanya ang mga matang nakapako sa direksiyon niya. They were admiring his looks; his face and his built. Well, he was one alpha male now. Matangkad, matatag tumayo, nagdidikta ng kapangyarihan. His presence was noticeable. Oh, well, he had a commanding aura now. Kung dati ay payat siya, ngayon ay may muscles na siya. Toned and sculpted-like muscles. His face had matured drastically. Nagpatubo din siya ng full beard na alaga niya sa trim.

Ah, maraming binago ang mga nakaraang taon sa kanya, and he was proud of it. Malinis na rin ang sistema niya sa droga. It was one hell of a battle. Tingnan lang niya kung ano ang magiging reaksiyon ni Glaysa kapag nakita siya nito.

Pagkaraan ng isang oras ay sakay na si Adam sa kotse ng pinsan niya. Hindi talaga sila blood related. Pamangkin ito ng napangasawa ng mommy niya. His real dad died bago pa man siya ipanganak.

"How's the flight?" tanong nito.

"Smooth," maikling sagot niya. Tumingin siya sa labas. "Walang gaanong ipinagbago ang Pilipinas," puna niya.

"You bet. Ikaw ang malaki ang ipinagbago. Damn, Adam, mukhang hindi na kita kayang i-bully ngayon, ah. And looks-wise, tiyak na mas pipiliin ka na ng mga babae kesa sa akin."

"Yeah. You used to bully me. I keep the record," biro niya. Hindi lang siya sigurado kung biro din ang dating niyon sa pinsan niya dahil sa seryoso niyang mukha.

"Okay, sorry. Did you know that you're such an intimidating man now?" nakangiwi nitong tanong.

Natawa siya. "I hear that a lot."

Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed!Where stories live. Discover now