CHAPTER 15

336 9 5
                                    

**

Struggling starts with the stupidities of a person who are being blind by desires, wants, and Love. Being stupid is a choice not an expected outcome of your action.

**

Nang makapasok na ako ng bahay ay nakasalubong ko pa si Manang. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din siya matapos ay dumeretso na agad ako sa itaas.

Pagkapasok ko agad ng kwarto ay nakita ko siya na nakatayo sa veranda. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa drawer at kumuha ng damit para makapaligo na ako. Almost 11 pm na kaya naman inaantok na rin ako and I don't want to talk to him at this moment, baka kung saan lang mauwi ang usapan. Dumeretso naman ako sa banyo para maligo, hindi ako sigurado kung alam niyang narito na ako pero malamang ay alam niya dahil mukhang kanina pa siya nakatayo sa veranda kaya malamang na nakita niya na umuwi na ako.

Nang matapos ako makaligo ay nagpatuyo nalang ako ng buhok ko samantalang siya ay wala pa ring kibo pero ngayon ay nakaupo ito sa kama at nagbabasa ng libro.

Wala kaming kibuan pero wala akong pakialam. Ngayon ko lang narealize na talaga ngang nanlalamig na siya sakin. Mahal ko siya pero hindi ko siya kayang kausapin sa ngayon, kailangan ko munang makapagpahinga pero sisiguraduhing ko paggising ko sa umaga. Babawiin ko na ang puso niya kahit hindi ko alam kung akin ba talaga iyon.

"San ka galing?" Out of nowhere bigla nalang siyang nagtanong. Ako pa talaga ang tinanong niya samantalang siya ang hindi nagpakita ng buong maghapon. Ayoko sanang sumagot pero hindi naman pwedeng hindi ko siya kibuin.

"Nakipagdinner lang ako sa kaibigan." Sagot ko rito na hindi man lang tumitingin. Lumapit na ako sa kama para pumwesto na rin ng higa pero pansin ko na matamang nakatingin siya sakin na parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.

"Sinong kaibigan? Siya ba ang naghatid sayo na nakita ko?"Panimula niya. Kung ganun, pinagdududahan nga niya ako.

Pagsisimulan pa ba ng away ito? mukhang gumagawa talaga siya ng paraan para iwan ako at hindi ko kayang payagan iyon, mahal ko siya eh ayaw kong makakita siya ng kahit maliit na butas para lang iwan ako.

"Si Jonathan, siya ang naghatid sakin." Sagot ko rito sabay lapit ko sa kanya, nabatid ko kasi na nagpantig ang tenga niya ng marinig ang pangalan ni Jonathan. "Bakit mo siy--" Hindi ko na siya pinatapos at bahagya ko siyang niyapos na naramdaman ko namang ikinagulat niya. "T-Tulog na tayo, Hon. Pagod tayo parehas." Paglalambing ko at tuluyan na akong yumakap sa kanya. Ramdam kong ang panlalamig niya sakin dahil ni hindi niya ako nagawang yakapin pabalik pero iwinaglit ko nalang sa isipan ko iyon.

"I-I love you.....Hon. Goodnight." This is really insane and pathetic pero mahal ko siya kaya wala akong magawa.

Gusto ko pa sana siyang halikan sa labi kagaya ng lagi kong ginagawa pero hindi ko kaya sa twing papasok sa isipan ko na hinalikan siya ng babaeng iyon.

Ngumiti nalang ako sa kanya ng pagkatamis-tamis kahit alam kong katangahan na ito. I need to keep him with me. Tumingin lang siya sakin ng malungkot at hindi ibinalik ang sinabi ko. Nasaktan ako doon at parang gusto ko ng umiyak dahil masakit pero hindi ko ipinahalata sa kanya.

Isinobsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya at tuluyan nang pumikit. Gusto kong umiyak pero hindi pwede, masakit sa dibdib at masikip pero kailangan kong tiisin kung yun lang ang paraan para mapanatili siya. "I-I'm sorry, Shan...Good night" Akala niya siguro ay tulog na ako kaya niya sinabi iyon. Saan ba siya nagsosorry?

Dahil ba sa hindi niya magawa ang sabihing mahal niya din ako? O dahil sa niloloko niya ako sa kasal na hindi naman pala totoo? At ano ang itinawag niya sakin? Shan?....nalungkot ako pero pinili ko nalang ang manahimik at ipinikit ng todo ang aking mga mata pero mas labis akong nasaktan ng tanggalin niyang ng dahan-dahan ang pagkakayakap ko sa kanya at tumalikod siya mula sakin. At doon ko na talaga hindi napigilan ang matinding sakit dahil umalpas pa rin ang mga luhang kanina pa pinipigilan at sinisikil.

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now