"Jonathan, napag-usapan na natin ito, hindi ba?" I asked calmly as possible.

"I'm not asking for more Raine, it's just a friendly dinner date. Alam kong alam mong may pagtingin ako sayo but all I'm asking for ay hayaan mo nalang ako sa ginagawa ko. I'm not doing anything wrong kaya wag mo naman sana akong itaboy." Nakita ko naman ang malamlam na mata niya kaya bahagya akong naguilty. He's right. Wala naman talaga siyang hininging kahit ano sakin maliban lang sa hayaan ko siyang ipakita sakin ang pagpapahalaga niya.

Ngumiti naman ako, this is not the most genuine smile but at I know that I could still consider his friendship. "Okay. We'll have a friendly dinner date."Sabi ko na ikinalawak naman ng ngiti niya. Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag pa dahil sinabi na rin naman ni Johann sakin kanina na baka hating gabi na siya makauwi kaya wag ko na siyang hintayin.

Inakay ako ni Jonathan papasok sa kotse niya na agad ko namang pinaunlakan.

Nagpunta lang kami sa isang restaurant at bahagyang nagkwentuhan.

"Raine, hindi ka ba niya pinahihirapan?" Tanong niya bigla na siya namang ikinakunot ng noo ko. "I didn't mean anything else, gusto ko lang makasigurado na inaalagaan ka niya."Aniya. "I know you're concern Jonathan and I really do appreciate that. Don't worry, maayus ang pakikitungo niya sakin." Sagot ko naman dito sabay ngiti ko sa kanya.

Kumain lang kami ng tahimik ng maya-maya'y narinig ko siyang magsalita. "I missed having you beside me. Alam mo ba na buong buwan akong hindi mapalagay at hindi makapagtrabaho ng maayos dahil sa kakaisip sayo.....hahaha para akong mababaliw nun dahil miss na miss na kita." Aniya na ikinagulat ko ng hawakan niya ang kamay ko na nakalapag sa mesa. "Jonathan, w-we've talked ab--" and he cut me off.

"I-I k-know.....alam ko na nagkabalikan na kayo and I'm not blind para hindi ko makita na talo na ako pero hindi pa rin ako sumusuko. Anytime na kakailanganin mo ako nandito lang ako Raine, handang saluhin ka." Aniya. Hindi ko nagawang alisin ang kamay niya sa kamay ko dahil sa hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. I know that I'm not in love with him pero may kung anong nagsasabi sa isip ko na ang tanga ko kapag binitawan ko siya.

"A-ayokong paasahin ka Jonathan......." Yun nalang ang tanging naisagot ko sa kanya pero ngumiti lang ito bago muling magsalita. "Don't feel guilty, isipin mo nalang na isa lang akong malapit na k-kaibigan. J-just forget my f-feelings when we're together para naman kahit papaano maging comfortable ka." Napalihis ako ng tingin ng sabihin niya iyon. Is that even possible? I don't think I could bear to act like nothing kahit na alam kong nasasaktan ko siya.

"I-it'll be unfair for you if I do that..."Napatingin ako ng deretso sa mga mata niya at nakita kong nalungkot siya. Tama ako nasasaktan ko nga siya. "Jonathan.....you're so special to me kung siguro ay nauna ka lang dumating kay Johann ay paniguradong ikaw ang pipiliin kong mahalin pero may asawa na ako." Paliwanag ko sa kanya. "I don't want to be unfair at ayoko rin namang masaktan pa kita kaya pwede bang huli na natin itong pagkikit--..." Nabigla nalang ako ng bigla itong napataas ng boses.

"NO! NO! I don't want you to get away from me" Aniya na nahalatang nagulat ako sa pagtaas ng boses niya mabuti nalang pala at kami lang ang nandito sa restaurant dahil ipinareserve pala talaga niya ito para samin. "I'm sorry Raine but I can't.......I-I.....Love you......sinabi ko naman diba na okay lang kahit kaibigan nalang ang turing mo sakin.....Okay na ako dun. Wala akong pakialam kahit masaktan ako basta wag kang lalayo sakin dahil hindi ko alam ang maari kong gawin sa sarili ko kapag ginawa mo iyon." Aniya na ikinatindig naman ng balahibo ko. "Jonathan....mahal din naman kita kaya ko ginagawa ang bagay na ito pero ang pagmamahal na iyon ay para sa kaibigan lang at hindi na hihigit pa. Hindi naman tama na iikot mo ang mundo mo sakin. Pamilyado na ako."

Desperation of a Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now