Twenty Eight || 143

Comenzar desde el principio
                                    

“I love you Andrea! Hindi ako nakikipag biruan sa'yo! Mahal kita!”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napatitig sa kanya.

M-mahal niya ako? Mahal niya talaga ako!

“Magkaibigan lang kami ni Haley. Ikaw, ikaw ang buhay ko Andrea, ikaw ang mahal ko!”

“B-breydon...”

“Tell me that you love me too Andrea... Tell me, please... I don't want to get jealous again, ayokong magselos kasi alam kong wala naman akong karaparan. S-sabihin mo sa akin na mahal mo din ako..” nagmamaka-awang sabi niya.

Oh god.

Napatingin ako sa mga mata niya. T-tama bang sabihin kong mahal ko siya? Pagkatapos noon ano? Anong mangyayari samin?

“Andrea tell me!”

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya.

Natatakot ako Breydon...

Natatakot ako.

“Andrea sabih—”

Ugh!

“Oo Breydon mahal kita!” hindi ko na napigilan at napa sigaw ako dahilan para matigilan siya, “Mahal din kita! At dahil mahal kita hindi ko na alam ang gagawin ko!” sigaw ko at nagsimulang mag tubig ang mata ko.

“H-hindi ko alam kung tama ba ang mahalin ka? A-alam ko naman na mali kasi hindi tayo para sa isa't isa. L-langit ka lupa ako, hindi tayo pe—”

Napatigil ako sa pagsasalita ng hapitin niya ang bewang ko at halikan ako sa labi. Hindi ko alam kung tama pero ipinikit ko ang mga mata ko at sinagot ang matamis niyang halik.

“You're not going to do anything Andrea... Kailangan mo lang mag tiwala sa akin.” sabi niya bago ako halikan ulit sa labi. Inihawak ko ang kamay ko sa batok niya at sinagot ang halik niya.

Susubukan ko Breydon...

Susubukan kong magtiwala sa'yo.

———

“May bahay ka naman eh! Bakit dito ka matutulog?” seriously ayokong dito matulog si Breydon. Aba! Unang una! Lalaki siya! Babae ako! Oh edi ano? Basta, masama yun!

“I want to be with you Andrea. Every minute, every seconds na mi-miss kita.” pinigilan ko naman mag blush. Diyan yan magaling eh! Ang papulahin ang pisngi ko!

“Tignan mo na lang ang pictures ko huh? Goodnight!” tatakbo na sana ako papasok ng hilahin niya ang kamay ko.

“Natatakot ka ba na may mangyari sa atin? Andrea, we're only 19 years old. Walang mangyayari sa atin, trust me. Nirerespeto kita Buko.”

“O-oy kapal mo ah! Hindi naman 'yun!” sabi ko. Hindi naman talaga yun!

“Hm what?”

“F-first time ko kasing magpapatulog ng lalaki dito. W-wala pa sila mamsie!” iyan, 'yan talaga ang dahilan ko. Takot ako sa magulang ko.

“Ah.” sabi niya lang. Napangiti naman ako, yes effective!

“So pasok na ko? Good—”

“C-coffee! Can you make me a coffee? I'm hungry.” nangunot naman ang noo ko. Matalino ang Boss ah, dinadaan daan lang ako sa ganyan ha.

“Ayts! Sige na nga! Mabilis ka lang ah.”

“Yes!” rinig kong bulong niya at napangiti naman ako ng palihim. Ang kulit ng boss ay!

“Oh umupo ka muna, magtitimpla lang ako. Ano bang— hump!”

“Hindi ko naman talaga kailangan ng kape, I just want to hug you.” bulong niya ng hilahin niya ako paupo sa sofa at yakapin. Naka upo siya sa sofa at yakap niya naman ako.

“E-ehh! Breydon naman eh!” inis kunwaring sabi ko sa kanya.

“Why? Hahaha. I'm happy.” napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.

“Bakit?”

“Because you're my girlfriend and I'm your boyfriend.”

O______O

“E-ehh?!”

“Hahahaha!” niyakap niya ako na parang pinang-gigigilan niya! Ano bang sinasabi niya?! G-girlfriend? B-boyfriend?!

“Why? Totoo naman ah. Girlfriend na kita, Boyfriend mo na ako.” naka ngiti niyang sabi at batid kong seryoso yun.

“A-ang sarap sa tenga.” hindi ko napigilang sabihin. Masarap pala sa tenga na marinig yun galing sa taong mahal mo.

“You're my girlfriend.” naka ngisi niyang sabi. Nilapit niya ang mukha niya at hinalikan ang noo ko.

“And...













You're mine.”

Young BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora