Twenty Seven || Love?

Start from the beginning
                                    

“Oh ikaw Charlie. Tanggalin mo nga yang glasses mo! Ang gwapo mo pag tinaggal mo 'yan!” pinilit ko ulit tanggalin ang salamin niya but I failed. Hmmp!

“One only.” sabi niya.

“Oh! Kayo pala ang may mga naging may syota! Bakit ako ang inaasar niyo!” inis kunwaring tanong ko.

“We know that you have a special someone, Andrea.” nakangiti ngunit seryosong sabi ni Aira. Napalunok naman ako, they know na?

“Alam namin na mahal niyo ang isa't isa.” napatingin ako kay Mia ng sabihin niya yun.

“M-mahal? Mahal agad? H-hindi ko pa nga alam kung t-tama ba.” napapayukong sabi ko. Ah! Kaibigan ko naman sila eh, sabihin na!

“Love. That's a special feeling that you felt when you see that person Andrea. Remember? Love is always right.” seryosong sabi ni Charlie.

“Isipin mo na lang, we're your ate's and kuya. We know about it and we can help you to clarify your feelings.”  sabi ni Mia so I smile at her.

“A-ano bang mga signs nan?” tanong ko sa kanila. Making my thoughts clear. I know I have that feeling na, I don't want to get wrong lang.

“When he's near your heart beat faster that usual. Your blushing when he's doing something for you. You miss him, you want to see him every minute, every seconds. He's so important to you. And most of all... Hindi mo alam ang dahilan kung bakit mo siya mahal. That's love.” natulala ako sa sinabi ni Aira. Eh pano 'yan? Lahat yun naramdaman ko sa kanya eh!

“Waaaaaaaaahhhh!” hindi ko napigilang sumigaw. Waaah! Mahal ko na siya! Waaaaah!

“Andrea—uy Andrea! Tumahimik ka nga!” pagpapatahimik ni Mia sa akin. Waaaaaaahhhh!

“M-mahal ko na siya?” tanong ko habang nakatulala. T-totoo? Mahal ko na si Breydon?! Mahal ko na ang Boss?!

“I think yes.” naka ngiting sabi ni Charlie at napatulala naman ako.

“Kung sino ang pumasok sa isip mo nung sinabi ni Aira 'yun, siya ang mahal mo.”

O-OH MY GHAAAAADDD!

MAHAL KO NA ANG YOUNG BOSS!

———

“Ok na ba ang power point niyo?”

“Of course ma'am Era.” sabay sabay naming sagot kay Ma'am Era. It's already 6 in the evening at uuwi na kami. Tinanong kami ni Ma'am nung kami na lang ang tao dito.

“Ok goodluck sa inyo. Bye!” nag wave back kami kay Ma'am pero sumunod na kami sa kanya. Aba, siya ang dapat na huling aalis dito. Ano kami? Haha, empleyado lang kami 'no.

“Your going to hospital?” tanong ni Aira sa akin nung nasa labas na kami ng building. Kaka alis lang nila Mia at Charlie at kami na lang ang natira dito.

“Oo. Araw araw kaya ako dun, hehe.” sabi ko.

“Great! Sumabay ka na sa amin.” saktong pagsabi niya noon ay may huminto na kotche sa harapan namin. Bumaba ang kanang bintana noon.

“Get in.” sabi ni Ian. Oo si Ian yung nasa loob ng kotche.

“Let's go Andrea.” hinila na ako ni Aira papasok sa kotche ni Ian kaya hindi na ako nakapalag. Eh hindi na talaga ako pumalag eh, hehe.

Sa kalagitnaan ng byahe ay hindi naman ako naging op kasi ang ingay ni Aira. Nasa unahan sila ni Ian samantalang ako ay nasa likod nila. Maya-maya ay may tumunog na tiyan—hahahaha!

“Oops! I'm sorry, I'm hungry na.” sabi ni Aira sa nahihiyang tono. Nagpigil naman ako ng tawa ng mag react si Ian.

“Tss. Do you want to eat? Mag dra-drive thru ako.” sabi ni Ian. Parang sanay na siya sa ate niya haha.

“Hindi na! I'm going to buy na lang. Wait for me here, Andrea do you want to go with me?” tanong ni Aira. Tinigil ni Ian ang kotche sa labas ng McDo.

“Ah hindi na. May pagkain naman sigurong niluto si Mamsie.” ang totoo kasi nan ayokong gumastos eh nag iipon nga ako kasi ako.

“Ok. Hintayin niyo na lang ako guys!” bumaba na si Aira sa kotche at nag deretso sa entrance ng McDo.

“Look at that woman, tss. She doesn't dare to ask me if I'm hungry.” natawa naman ako sa sinabi ni Ian. Hahaha!

“Gutom ka na ba?” pigil ang tawa na tanong ko.

“Yes? Hindi pa ako nakain eh.” sabi niya.

“Gusto mo bang bumili? Sumunod ka sa ate mo.” sabi ko sa kanya. Ok lang naman na maiwan ako dito.

“Samahan mo ko?” nagulat ako ng humarap ito sa akin. Nakatunghay kasi ako sa likod at bigla siyang humarap.

“A-ah sige ba, tara!” mabilis na sabi ko at bumaba na sa kotche. Oh ghad! Bakit ang gwapo nun?!

“Let's go.” bumaba na rin siya at tumalikod sa akin, pero wait—ngumiti ba siya? Parang nakita kong ngumiti eh pagkatalikod! Ah, bahala na nga.

“Pede bang magtanong?” tanong ko kay Ian habang naglalakad kami. Nakalagay ang pareho niyang kamay sa bulsa niya.

“What?” tanong niya.

“Nagtatrabaho ka ba?” tanong ko sa kanya.

“No. Malapit na.” ngumiti siya nung sabihin niya iyon. Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot. Pagpasok namin sa entrance ay saktong may lumabas.

Kami pumasok samantalang sila ay palabas. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad—wait. Si Breydon ba 'yun?! Lumingon ako patalikod at saktong lumingon din yung lalaki patalikod.

S-si Breydon nga!

“Breyd—”

“Breydon? Tara na!” may humila sa kanyang babae at parang tinusok naman ang puso ko.

“Andrea?” tanong ni Ian sa akin. Tumingin ako sa kanya pero binalik ko ang tingin kila Breydon. Nakatingin siya sa akin ng seryoso.

“Let's go!” hinila na siya nung babaeng kasama niya.

H-he's...












He's with Haley.

Young BossWhere stories live. Discover now