Ang daming mga bodyguards din ang nagkalat. Dito at pati na din sa labas na ipinagtaka niya kanina pero alam naman niya na puro mga importanteng tao ang nandidito ngayon.

There are people from the media also outside the hall they're at. Hinarang nga sila kanina ni Theo but they ignored them at agad na pumasok dito.

Ganito ba talaga ito ka espesyal? Iyong magaganap ngayon? Gusto niyang itanong iyon kay Theo but she decided na huwag na lang.

May mga iilang bisita na din sa designated table nila. Mukha itong mga snob at alam mong hindi din basta basta. A certain man who's currently looking at them with an odd facade caught her attention.

Nakaupo ito sa upuang katabi ng kay Theo. She noticed that the man keeps on roaming his eyes around the place like he's trying to look for someone.

Nagulat ng bahagya si Aura ng bigla silang batiin nito.

"Goodevening, Mr. Inoue and to you, Ma'am.." The man looked and smiled at her meaningfully.

Is this one of her boyfriend's friend?

Sinuklian niya iyon ng isang nahihiyang ngiti at bumati pabalik kahit na hindi niya ito kilala. "G-Goodevening too.."

May ibinulong ito kay Theo na ikinanuot ng noo ni Aura. Hindi niya masyadong naintindihan ang mga sinabi nito dahil sa live background music na nagmumula mula sa mini orchestra na malapit sa stage.

Ang tanging narinig lang niya ay,

"Mr. Inoue, they're here. Kadarating lang nila.. Don't look.."

Ipinagtaka ni Aura ang narinig mula sa estrangerong lalaki. Pagkatapos nun ay agad din itong nagpaalam sa kanilang dalawa na may pupuntahan lang saglit. She became curious kung sino iyon that's why she directly asked Theo.

"Sino 'yon?" She leaned her body a little bit to whisper.

"Gregory Romualdez.. I know him personally.." Theo said halfheartedly. He didn't tell her that he's his assistant slash bodyguard. Theo will tell her later.

Napatango na lang si Aura at hindi na nagtanong pa ulit kahit na nacurious siya sa narinig mula dito. Alam niya na magsisimula na ang party anytime soon. Doon na lang siya magfofocus kesa kung ano ano ang iniisip niya.

"Don't look turn your back. Your asshole boss is here." Theo suddenly informed her in a low and deep growl. Making Aura freeze in her seat.

Nakaramdam ng kung ano si Aura. Patay.. Nandito ang weirdo niyang boss! Malaking gulo nanaman ito pag nag krus ang mga landas nila.

Bakit nga ba kasi nakalimutan niya na maaaring naimbitahan din ang kanyang amo?

Aura is bothered. Ayaw niya ng gulo. Nadala na siya last time. She will follow Theo. Hindi na lang siya titingin sa likuran niya at baka makita pa siya ng lalaki. Tama. Ayun na lang ang gagawin niya.

She is silently praying na hindi sila makikita ng lalaki. Malaki naman ang lugar kaya pwede iyon mangyari plus madami ding mga tao.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon