Chapter 30: Last Chapter

461 11 2
                                    


Chrisshane POV



Stable na yung dalawang bata. Nagdecide kaming pagsama nalang sa isang room si Cali at Stella.




Kaming dalawa lang ngayon ni Sheena ang nandito sa loob ng kwarto. Tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsasalita. Sina Wayne at Justine naman hindi pa bumabalik mula kanina. Tinawagan ko nadin sina Daddy. Bukas palang daw yung flight nila.



"Shane....."



Napalingon ako kay Sheena. Lumapit ito sakin at nagulat nalang ako ng lumuhod siya sa harapan ko.




"Uy ano ka ba Sheena? Tumayo ka nga diyan! Madumi yung sahig!" Sabi ko sakanya habang pinipilit ko siyang patayuin pero ayaw niya talagang tumayo. Oo, hindi na ko galit kay Sheena. Wala rin naman kasing mangyayari kung magtatanim ako ng galit sakanila eh.




"Shane, I'm sorry........please forgive me." Pagmamakaawa nito. Tumutulo na din ang mga luha niya.




"Sheena. Matagal na kitang pinatawad. Wala rin naman kasing mangyayari kung magtatanim ako ng galit sayo eh. Forgive and forget. Kaya tumayo ka na diyan. Sabi nga ni Abraham Lincoln, the best way to destroy an enemy is to make her a friend." Nakangiting sabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at niyakap ako.




"Thank you Shane. Thank you very much." Aniya pero ngumiti lang ako at niyakap din siya.




Nasa ganun kaming posisyon ng biglang bumukas ang pintuan kaya napahiwalay kaming dalawa.




Inuluwa nun si Wayne at Justine na may dalang brown envelope.




"Nagmamakaawa ka na ba?" Nakangising tanong ni Justine kay Sheena. "Alam mo Sheena, hindi mo na ako maloloko alam ko na ang totoo na hindi ko talaga anak si Stella. Niloko mo ko. Dahil sa pesteng kasinungalingang yan hindi sana kami masisira ni Shane! Edi sana kasama ko sila ng anak ko! Edi sana siya yung naalagaan ko noong buntis siya! Edi sana ako yung nasa tabi niya nung mga oras na nanganganak siya! Pero wala Sheena! Sinira mo ang lahat!"




Napatayo ako sa kinauupuan ko. Alam niya na, na anak niya si Cali?




"J-justine I'm sorry! Nagsisisi na nga ako sa lahat ng nagawa ko eh. Hayaan mo bilang pangbawi sa lahat ng mga kasalanan ko bukas na bukas din magfa-file ako ng divorce at pagkatapos nito kami na mismo ang lalayo ni Stella sainyo." Desidedong sabi ni Sheena.




"Dapat lang!" Sigaw naman ni Justine. "But i need an explanation! Ano ba talagang nangyari dun sa Baguio ha?!Bakit wala akong matandaan?!"





"Wala Justine. Wala talagang nangyari satin nun. Pinalabas ko lang na may nangyari. Naglagay kami ng drugs sa inumin mo tapos dinala ka namin sa hotel. Hinubaran ka namin at pinalabas na may nangyari satin. I'm sorry Justine! I'm sorry!" Aniya at lumuhod din sa harapan ni Justine tsaka niya hinawakan ang kamay nito pero agad namang binawi ni Justine ang kamay niya.




"Hindi na mababawi ng sorry mo ang lahat! Ngayong nakuha ko na ang gustong kong sagot. Umalis ka sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan kita kahit babae ka pa." Gigil na sambit ni Justine. Ang dilim dilim ng aura niya at parang kahit na anong oras kakain na siya ng tao. Natakot naman yata si Sheena kaya bigla siyang napalayo.




Biglang tumalikod si Justine at lumabas ng pintuan. Pare-pareho pa kaming nagulat ng pabagsak niyang sinarado ang pintuan.




Ako naman di ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas din ako at sinundan siya. Nakita ko siyang nakatalikod sakin sa labas ng private room nila Cali. Nakasandal ang isang kamay niya sa pader at nakalapat naman ang noo niya sa kamay niyang iyon.



"Justine....." Tawag ko sakanya. Humarap siya sakin. Ang inaasahan ko ay magagalit din siya sakin dahil tinago ko si Cali sakanya pero bigla siyang ngumiti pagkakita sakin at binuka ang dalawa niyang kamay. Nag-init naman ang sulok ng mga mata ko sa ginawa niya at sinunggaban siya ng yakap. Niyakap niya ko pabalik. "S-si Cali."




Hinigpitan niya ang yakap sakin. "Shh.... I know. Don't worry I know."




"H-hindi ka ba magagalit sakin?" Tanong ko.





"No. No. Why would I? I understand. Naiintindihan ko kung bakit tinago mo sakin si Cali pero una palang alam ko nang anak ko siya. Doon sa bahay palang nila Yasmine. Alam ko na. Nung nalaman kong anak mo siya naghinala na talaga ako. Kasi baby hindi mo naman maitatago eh. Kamukhang kamukha ko kaya siya. Tsaka nung sinabi mong kasal ka na kay Wayne? Duda nun ako sainyo eh at nakumpirma ko yun ng makitang wala kayong suot na singsing. You know, you're not a good liar baby." He chuckled. Tss. Nang-asar pa eh noh?




Hinampas ko siya sa braso. "Oo na. Ako na yung hindi magaling magsinungaling."




"Okay na ba tayo, baby? Narinig mo naman kanina diba? Set up lang ang lahat. Wala talaga akong kasalanan. So? Tayo na ba ulit?"




"Oo na! Wala ka ng kasalanan pero gago! Ang bilis mo naman! Hindi ka pa nga divorce eh! Ayusin muna natin lahat ng gusot. Tsaka bumawi ka muna kay Cali at isa pa pala kailangan mo munang makuha ulit yung tiwala nila Daddy." Sabi ko. Humiwalay naman siya sa pagkakayakap sakin at hinaplos ang buhok ko. He smiled at me. "Biruin mo yun after 5 years doon palang lumabas yung katotohanan?"




"Oo. After 5 years din. Ganun pa din ako. Mahal na mahal parin kita." Biglang seryosong sabi niya. Bigla nalang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ganun? Bakit feeling ko ang dami kong kasalanan sakanya?



I judged him harshly.




I didn't listen to his Explanations.


Pinagtulukan ko pa siya kay Sheena.




Pero kung sana pinakinggan ko siya noon. Inalam namin ang totoo. Edi sana matanggal na kaming masaya?
Pero wala eh. Heto talaga ang plano ng tadhana.





But i'm still thankful dahil sa wakas. Lumabas na ang mga katotohanan. Okay na kami ni Justine. I'm also thankful because he still love me.





Pinunasan niya ang mga luha ko. "Shhh..... Don't Cry."





"I'm sorry. I'm really sorry. I'm so selfish." Nayukom ko ang mga kamay ko. Niyakap naman ulit ako ni Justine at hinalikan ang ulo ko.





"Don't be sorry. Your not selfish. Infact you sacrifice your own happiness for the others. And i'm proud of you baby, nakayanan mo yung sakit. Pero masakit din saking basta basta mo nalang akong ipinamigay sa iba. Masakit na madaling mo lang akong ginive-up. But don't worry okay na ko ngayon. Nandito ka na ulit eh. Kayo ni Cali. I Love you so much baby. Don't ever leave me again okay?" Malambimg nitong sabi.




"I Love you too. I promise i won't leave you again." I sincerely said. He cupped my face and sealed the distance between us.



***

A/N: Yieeeeee!!!!! Epilogue will be posted later😊 sa ngayon let's stream MBC muna! Happy new year to all!

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon