Chapter 13: Last message

607 20 7
                                    

Yasmine POV

"Hayssss....."-sambit ko sabay buntong hininga dahilan para mapalingon sakin si gab



"Oh bakit?"-takang tanong ko ng  tumitig lang siya sakin nandito kasi kami sa may gilid ng quadrangle kung saan may mga bench, Free time kasi namin dahil wala yung prof namin sa susunod na subject magkaklase kasi kami dun ni gab yung apat naman may klase



"Wala, napapaisip lang ako kung bakit nagkaganun sina kyle."-Sabi niya at umiwas ng tingin tsaka bumuntong hininga
Ako naman ang napatitig sakanya





"Alam mo napapaisip rin ako eh, bakit naman nagkaroon ng fiancée ng biglaan si kyle ang ayos palang nila ni Clare netong mga nakaraang araw eh, hindi niya ba talaga mahal si Clare at ginamit lang?"-sabi ko sakanya napalingon naman siya sakin at tumitig rin sa mga mata ko




"No, mahal niya talaga si Clare but i didn't know too how came he has a fiancée, i think arrange marriage?"-seryosong sabi niya




"Huh? Arrange marriage? Alam naman nila na mahal nila ang isa't isa diba? Okay naman sila sa mga parents nila."-takang sabi ko





"Sabihin na nating okay lang sila sa mga magulang nila pero how about kyle's grandparents? Baka hindi nila gusto si Clare, kilala ko sila masyado silang mahigpit."-Aniya




"Ganun ba? kawawa naman si Clare."-napapabuntong hiningang sabi ko


"Sana maayos na agad to."

***

Clare POV

Kakatapos lang nang klase namin ngayon pero maaga pa para umuwi kaya nakaupo ako ngayon sa may bench sa gilid ng hallway




Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga paa ko. Pero napaangat rin ng tingin ng may isang pares ng paa ang huminto sa harapan ko



Nagulat pa ko ng makita kong sino ang may ari ng mga paa na yun


"K-kyle...."-Mahinang tawag ko sakanya pero nakatingin lang siya sakin, walang expresion ang mukha niya,napakalamig ng tingin niya at nakapamulsa pa



Bakit ganun? di ako sanay sa mga tingin niya, napakalamig
Para tuloy gusto ko na namang umiyak


Pero maya-maya lang ay nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran ako, maglalakad na sana siya pero hinawakan ko ang kaliwang kamay niya kaya napaharap ulit siya sakin



"P-pwede ba tayong mag-usap?"-nangingilid ang mga luhang sabi ko sakanya, binawi naman niya ang kamay niya mula sakin at tumingin sa paligid kaya napatingin rin ako



Wala nang mga estudyante kami lang dalawang nasa hallway.


Tumayo ako at nag-angat ng tingin sakanya



"K-klye bakit? bakit may fiancée ka? di mo ba ako mahal kaya
mag-aasawa ka na? ano pang silbi ng 3 years na relasyon natin kung magpapakasal ka na pala? Bakit mo pa ako niligawan?  Kailan pa to? Bakit hindi ka man nagpaliwanag sakin? Bakit? Bakit?"-pinuno ko siya ng tanong habang nakatitig sa mukha niya nakaiwas kasi siya ng tingin eh


Bumuntong hininga siya at lumunok tsaka tumingin sakin.
"C-clare m-mahal kita, linigawan kita or should i say liligawan dapat kita kasi diba sinagot mo ko agad kasi Mahal kita, walang tutumbas sa pagmamahal ko sayo."-Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko kaya kitang-kita kong seryoso at sincere siya


"Eh bakit iniwan mo ko? Bakit may fiancée ka? Kung mahal mo ko dapat wala kang iba at hindi mo ko iniwan na parang hindi naging tayo."-Sabi ko sakanya sabay pagpatak ng mga luha ko



MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon