Chapter 22: Goodbye

371 7 0
                                    

Chrisshane POV

"Wayne thank you for bringing my daughter here in the hospital."

"It's okay Tita Ninang. Sa totoo lang po niyan dapat akong magsorry dahil muntik ko na siyang mabangga at kapag nagkataon dalawa ko silang madidisgrasya."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng nag-uusap. Agad dumapo ang patingin ko sa puting kisame kaya kunot-noo kong pinagmasdan ang paligid at napagtanto kong nasa hospital ako.

Napatingin ako sa aking gilid at nakita ko si Mommy na may kausap na isang lalaki. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang ito.

"M-mom...." Mahinang tawag ko sakanya. Sabay naman silang napatingin sakin ng kausap niya.

"Thank goodness you're awake!" Agad ako nilapitan ni mommy at niyakap.

"H-how's b-baby? Is he okay? Tell me mom. Wala namang nangyaring masama sakanya diba?" Kinakabahang tanong ko. Humiwalay naman sakin si Mommy at tumango.

"He's okay don't worry. Pero bakit ka ba kasi tumatakbo palabas ng school niyo? Tsaka umiiyak ka daw sabi ni Wayne? Parehong makakasama kay baby yun at muntik pa kayong mabunggo buti nakapagpreno agad si Wayne." Nag-aalalang kwento ni Mommy. Napatingin ako din sa lalaking nasa likod ni mommy at bigla nalang naalala ang dahilan kung bakit ako tumatakbo palabas ng school.

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. "M-mom si Justine..." Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman ako ni mommy at yung Wayne daw para makaupo ng maayos.

"Why? What happened?" Hinawi niya ang mga hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.

"H-he Chea--ted on me, m-mom." Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Niyakap naman ako ni mommy. "N-nakabuntis siya ng iba."

"That asshole!" Napalayo si mommy sakin at pare-pareho kaming napatingin sa may pintuan. Nakatayo doon si Dad habang nakayukom ang mga kamao. Napaatras ako ng makita kung gaano siya kagalit. "Tell me where he is. I'm going to kill him for hurting my little princess!"

"D-dad. Hayaan na natin siya." Nanginginig na saad ko.

"What?! Hayaan siya?! Oh come on Mia Chrisshane Torres! Matapos ka niyang buntisin may binuntis siyang iba?! What a jerk! I want to kill him!" Nangangalaiti sa galit na sigaw ni Daddy.

"Dad. Alam ko masakit. Sobrang sakit, Oo. Pero nung tinakbuhan ko palang siya at hindi niya ko hinabol nawalan na siya ng karapatan at responsibilidad samin ng anak ko. Hindi naman po ako desperada para maghabol pa sakanya dahil lang na mahal ko siya at may anak kami. From the moment na humakbang ako papalayo sakanya inaalisan ko na siya ng karapatan na maging Ama sa magiging anak ko. Kaya kong buhayin ng mag-isa ang anak ko. Hindi namin siya kailangan ng anak ko." Seryosong sambit ko.

"That's better. You're right. You don't need him. Hindi niyo siya kailangan. Hayaan niyo siyang magsisisi na mali ang pinili niya. And....." Lumapit sakin si Daddy at umupo sa tabi ni Mommy. Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm sorry because i acted like a immature child. Nadala lang ako ng sobrang galit ko."

Ngumiti ako. "It's okay Dad. I understand. Lahat naman tayo galit sa ginawa niya eh. He broke our trust. We just need to....you know naman po kailangan nalang nating tanggapin yung masakit na katotohanan. Wala naman kasi akong magagawa eh. Inaamin ko sobrang sakit ng ginawa niya lalo na buntis pa ako pero tatanggapin ko nalang. Ayaw ko na po kasi ng gulo dad eh. Ayaw ko narin pong mas lumala pa ang sitwasyon. Kaya ako na mismo ang lalayo at magpaparaya. At least i still have you, mommy, ate and of course baby. Mas importante parin naman po kayo sakin kesa sakanya. And thank you because hindi niyo ko sinukuan ni mommy, dad. Lagi kayong nandyan para sakin. I'm thankful because i have a parents like you. I love you both."

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon