Chapter 29: Accident

391 7 1
                                    

Sheena POV

Yes. It's me. Sheena. It's my Point of view. Alam ko galit kayo sakin. Dahil sa paninira ko ng relationship nila Justine at Shane.

Wala eh. Mahal na mahal ko si Justine. Kinain ako ng inggit ko kay Shane at obsession ko kay Justine.

Kung tatanungin niyo kung masaya na ba ako sa ginawa ko.

Hindi ang isasagot ko. Hindi ako masaya.

Akala ko nga sasaya na ako kapag naging akin na talaga si Justine eh pero mali pala ako.

Nasa akin nga si Justine pero na kay Shane parin naman yung puso niya. Ako nga yung kasama niya sa loob ng limang taon pero si Shane naman palagi ang laging iniisip at bukang bibig niya. Sino ba ang sasaya dun?

Wallpaper nga ng Cellphone niya yung picture nilang dalawa ni Shane eh. Makikita ko lang sigurong masaya si Justine kapag kasama niya yung mga kaibigan niya at si Stella. Pero sakin? Never ko pa siyang napasaya. Nasasaktan nga ako eh. Sa loob ng limang taon tiniis ko yung sakit kasi akala ko magiging worth it naman ang lahat. Akala ko kasi mamahalin na ako ulit ni Justine kapag nawala na si Shane sa landas namin pero ng dahil sa ginawa ko mas nagalit sakin si Justine.

Hindi naman niya kasi ako kinakausap kung hindi importante.
Tsaka alam ko namang napilitan lang siyang magpakasal sakin eh. Alam ko namang pinilit lang siya ni Shane.

Si Shane. Bakit ba kasi sobrang bait ni Shane eh? Nakakainggit siya. Kahit na ginawan ko na siya ng masama ang bait niya padin sakin. Nakakaguilty tuloy. Ako kasi hindi ko kaya yun. Hindi ko kayang maging mabait.

At sana kasing tibay niya din ako. Kahit na sobrang nasasaktan na siya pinipilit niya pading ngumiti para lang hindi mag-alala yung mga taong nasa paligid niya.

Tulad na lang kanina. Hindi ko inaasahang ngingitian niya pa ako. At yung ngiti niya alam na alam mong totoo. Binabagabag na tuloy ako ng konsesnsya ko. Bakit sa kabila ng lahat ng nagawa ko sakanya nagagawa niya parin akong ngitian?

At kitang-kita ko kung paano siya tignan ni Justine. Punong-puno ng pagmamahal. Kahit nga naglalakad na kami palayo nakatingin parin siya kay Shane eh.

Kailangan ko nabang itama ang mga pagkakamali ko?

Naaawa na din kasi ako sa anak ko. Pinapaniwala ko siya sa mga kasinungalingan ko.

"Mommy yung ball ko!"

Napalingon ako kay Stella na biglang tumakbo patungo sa gate. Hinahabol niya yung bola niyang lumabas ng gate. Shit! Sino bang nag-iwang bukas ang gate?!

"Shit! Stella wait lang! Wag kang lalabas!" Sigaw ko sabay tayo at takbo pasunod sakanya.

*Beeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeep!*

"STELLA!!!!!!!!!!"

OH MY GOD! YUNG ANAK KO! Sabihin niyo sakin eto na ba yung karma ko sa lahat ng pinanggagawa ko?! Kung Oo! Sising-sisi na ko!

Pero si Stella!

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
Napaiyak na lang ako ng makita ang itsura niya.

Yung anak ko! Si Stella! Punong-puno siya ng dugo.

"Susmaryosep Hija! Anong nangyari?! Teka! Tatawag na ko ng ambulansiya!" Sigaw nung maid na magtatapon lang sana ng basura pero nagulat ng makita kami.

"ANONG NANGYARI?!"

Natakot nalang ako bigla ng marinig ko ang galit na galit na boses ni Justine mula sa likod ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sobrang kaba at takot. Takot na baka mawala sakin si Stella.

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon