Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.

Începe de la început
                                    

Lumingon ako kay Enzo na nakabalik na sa pagkakaupo nya at narinig kong may ibinubulong bulong sya sa sarili. "Kainis naman, hindi ako nakapag-flames.." sabi nya ng medyo nakanguso ang labi at itinago na ang notebook na inilabas nya kanina sa bag.

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon. Si Enzo? Posible kayang..

"Miss Tuangco." tawag ng prof ngunit lutang ako kaya naman siniko ako ni Zai upang mabalik sa ulirat.

"Present miss." sabi ko ng may malapad na ngiti. Nagchecheck na pala ng attendance.

[^___^]v

"Tsk." sino pa ba yan. Alam nyo na.. Ang katabi kong cold.

Zai's PoV

Tapos na ang klase at naglalabasan na ang lahat sa silid-aralan ng biglang humarang si Ace sa pinto. Anong trip neto?

"Sandali." pigil ni Ace sa akin na makalabas ng pinto ng silid-aralan. Hinarang nya ang sarili nya upang hindi kami makadaan. Tsk. "Wag mo kong tignan na parang nababaliw na ako dahil hindi!" asik nya ng nakaharang pa din sa dadaanan.

[-__-]

"Hoy Ace umalis ka dyan nakaharang ka!" sita ni Hope na nasa likod ko.

"Aish!" ginulo ni Ace ang buhok nya.

[o.O]

Nababaliw na ba 'to?

"Fine!" sigaw nito at nag walk out. Tsk. Lakas ng tama sa utak.

"Anong problema non?" tanong ni Hope ng makalabas na kami ng classroom. "Parang nakatira ng baygon." dagdag nya.

"Korek ka dyan bakla! Baka magulo isip." si Nyx na may hawak na pamaypay. Hindi naman mainit."O baka naman may gusto sabihin kay Zai teh. Charot!" dagdag muli ni Nyx.

Ano naman sasabihin non?

"Oo nga noh.." napapaisip na wika ni Hope.

"Ikaw kasi Hopeless sinigawan agad si fafa Ace. Hmp!" maktol ni Nyx na nagpapaypay ng abaniko nya. Mainit ba? Hindi naman ah. "Hoy Zai ano yang mga tingin mong yan sakin at sa abaniko ko? Alam kong hindi mainit, props ko lang 'to." sabi nya. Gumilid ako ng tingin. Wala naman ako sinasabi. Paano nya nalaman..

"Eh kasi naman laking harang ni Ace don!" asik ni Hope.

"Kahit na. Hmp! Malay mo magtatapat na yon kay Zai. Ikaw talaga bakla.." ang sabi ni Nyx at bahagyang pinalo si Hope ng abaniko nya.

Magtatapat?

"Anooo?! Bakit di mo naman agad sinabi sa akin? Nakakainis! Habulin mo si Ace dali baka makaalis na yon." aligagang sabi ni Hope.

"Tsk."

"Aba't papahabulin mo pa ako. Kumalma ka na. Wala na si fafa Ace. Nakaalis na yon for sure." paninigurado ni Nyx.

"GANUN? Haaay.. Sayang." sagot ni Hope na bakas ang panghihinayang sa mukha.

Umuna na ako ng paglalakad. Imposible ang sinasabi nila.

"Hoy Zai hintayin mo naman kami!" sigaw ni Hope ng makalayo na ko sa kanila.

Kailangan ko na bumili ng motor. Hindi magtatagal malalaman na ni President ang plano kong paglipat.

"Mauna na ako." sabi ko ng makalapit sila sa akin.

"Okay baklang Zai.. Bukas na lang ulit." paalam ni Nyx na kumaway pa ng makasakay na ko ng kotse. Tumango naman ako bilang sagot. Samantalang si Hope ay binigyan ako ng nakasimangot na mukha. Napailing na lang ako at pinaandar na si Storm.

Maya-maya pa'y nakarating na ako sa lugar na sinabi ni Yue. "Goodafternoon Ma'am." bati ng isa sa mga staff. Tumango ako bilang sagot. At pinauna nya ako sa paglalakad papasok. "Ano pong model ang hinahanap nyo ma'am? Madami po kaming bagong labas ngayong model." sabi nya habang isa-isa kong tinitignan ang mga nadadaanan naming iba't ibang klase ng motor.

"Gusto ko yong mabilis." sabi ko.

"Naku Ma'am madami po tayo nyang gusto nyo." masiglang sabi nung sales staff. "Meron po tayong Ducati na galing pa po sa Italy. At eto po ma'am BMW K1200 model." wika nya at iginaya pa ko papunta sa mas maraming klase ng motor.

Napakaganda ng mga bagong modelo ng motor ngayon. Sana'y makaya ko ang presyo. Hindi ko maitatangging sa gaganda ng mga desenyo ng mga ito'y alam kong labis din sa ganda ang presyo. At ang klase ng mga materyales na ginamit ay hindi basta basta. Batid kong lahat ay imported. At wari'y mga assembled na ang mga ito ng mga eksperto.

"Eto po ma'am MV Agusta tumatakbo po ito ng hanggang 299 kilometer per hour. Magandang klase ito ma'am dahil kabilang ito sa Top 10 fastest motorcycle in the World." anito at binuhay ang engine. Maganda ang tunog ng makina. Batid kong lahat sila ay magagandang klase. Wala akong itulak kabigin. Kaya naman kung sakaling makabili nga ako'y alam kong hindi ko pagsisisihan. Magaling si Yue pumili ng mga store na may magagandang klaseng produkto.

Sa aking pag-iisip ay nakuha ang atensyon ko ng isang kulay itim na motor. Maganda ang isang yon. Sabi ko sa isip. Nilapitan ko at "magkano ang isang 'to?" tanong ko sa sales staff.

"Good choice po kayo ma'am maganda po ang modelong yan. Nagkakahalaga po yan ng 250,000. Pero may discount po kayo kapag cash ang ibabayad nyo." anito. Tsk. Ang mahal pa din. Pero mukhang ito na ang pinakamura sa mga sports motorcycle na nakita ko.

"Anong kulay mayroon kayo nito?" tanong ko.

"Meron po tayong puti, itim at pula." pahayag nito. "Karaniwan po ay puti ang binibili ng mga babaeng nagiging costumer namin." dagdag pahayag nya.

Maganda ang puti ngunit madumihin. Siguro "itim na lang." sabi ko. "Hanggang ilang km/hr ang takbo nito?" turo ko sa napili kong motor.

"283 kilometer per hour ma'am." sagot nito. "Kukunin nyo na po ba ito ma'am?" dagdag tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

"Wooow! Kayo po ang unang kliyente ko. Maraming salamat ma'am nagkabenta din ako. Palagi po kasi sinusulot ang mga kliyente ko dito." pahayag na anito.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya..

"Pero po ma'am salamat! Cash po ba ma'am ang magiging mode of payment nyo?" tanong nito.

"Hindi. Monthly payment ang gagawin ko." pahayag ko. At tumango tango naman sya. "Ibibigay ko na ngayon ang down payment ko para dito." utas ko at bahagyang tinapik ang motor.

"This way na lang po tayo ma'am para sa mga papeles ng motor na pipirmahan nyo." anito at pinauna ako sa isang vacant table and seat.

Matapos non ay naghintay pa ako ng ilang minuto bago natapos ang transaksyon. "Maaari ko na bang kunin ang motor?" tanong ko sa sales staff.

"Opo naman ma'am. This way na lang po at ilalabas lang po ng ibang staff. Pakihintay na lang po." anito at may tinawag na isa pang staff.

Maya maya pa'y nasa testing area na kami at handa na akong umalis. "Maraming salamat po ulit ma'am. Have a safe drive po." paalam ng sales staff na kanina ko pa kausap.

Tumango ako at sinabing "salamat din" at pinaandar ko na ang bagong motor. Maganda ang andar ng makina. At hindi maitatangging isa rin ito sa pinakamabilis.

Ipapakuha ko na lang sa isa sa mga bodyguard ni President si Storm.. ang naiwan kong sports car doon.

itutuloy..

THE COLDEST (in major revision)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum