II

9 2 0
                                    

Sana✨

Ngayon ang unang araw namin sa school grabe excited na ako pero alam kong mas excited si Nayeonnie siyempre sa school magt-transfer crush niya eh.

Pero shh...lang kayo ah. Ginising ko na sila at maghahanda na dapat ako ng almusal nagulat ako ng may almusal na sa lamesa "hello unnie!" bati sakin ni Tzuyu "Oh! ang aga mo naman magising?!" sabi ko sakaniya "excited ako unnie" sabi niya at parang ewan na ngumiti.

"unnie parang magulo sa school ngayon" sabi ni Mina "hindi 'yon at tsaka so what?" sabi ni Nayeonnie "waw may pa 'so what-so what' pa siya" sabi ko sakaniya. Pagpunta namin sa school ay ang daming tao "Oh my! Miss Minatozaki!!!" narinig kong tawag sakin ng isang estudyante "y-yes why?" tanong ko sakaniya "ummm...fan po ako" sabi niya at pinasign yung phone niya "thank you po" sabi niya at umalis na.

Nagtataka siguro kayo kung bakit may nagpa-autograph sakin?! Well bukod kasi sa agent kami isa ring kaming group na nagpo-post ng kanta sa youtube at kami mismo ang gumagawa ng kinakanta namin and trainee din kami sa isang Entertainment dito sa Korea.

Matapos kaming pumunta sa kaniya-kaniyang room ay naglibot-libot muna ako sa school dahil free day namin habang nagiikot ako naramdaman kong naiihi na ako kaya pumunta ako sa CR ng girls and ang haba ng pila. Di ko na talaga kaya, ihing-ihi na ako kaya kahit labag sa loob ko ay sa boys muna ako iihi.

Ginagawa kasi yung mga CR sa ibang floor sabi ni Nayeonnie kaya etong nasa 3rd floor lang ang pwedeng gamitin. Tinignan ko muna yung CR ng boys at buti na lang walang tao kaya dali-dali akong pumasok sa loob at nagbukas ng cubicle. "AHHH!!!" sigaw ko ng mabuksan ko yung isang cubicle. Pano kasi may tao pala sa loob kaya ngayon nakapikit ako at tinatakpan yung mata ko.

"Hoy! Ano pang tinatakip-takip mo diyan?!" narinig kong tanong niya "ok na, wala ka ng makikita" sabi niya kaya tinanggal ko na yung kamay ko and shemay! is this a human being?! "u-uhhh s-sorry h-hindi ko sinasadya puno na kasi sa girls kaya-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil wala na pala akong kausap. Lintek! na yun pinagmukha akong baliw. Lumabas na ako at hinanap siya pero di ko na siya mahanap.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala dahil sa nangyari kanina actually wala naman talaga akong nakita pero.kasi.basta. Recess na at ngayon ay hinahanap ko sila, nung nakita ko na sila ay masaya na silang kumakain kaya nagmadali na akong pumunta sa table nila pero dahil nga ang swerte ko nakabangga ako ng isang student "sor-" hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil nakita ko na naman siya.

"Ikaw na naman?!" sabay naming sabi "stalker ka ba ha?!" inis na tanong ko sakaniya "nakita mong nakauniform ako diba?! tapos ako stalker mo?!" sabi niya dahil sa inis ko ay kinuha ko na yung bag ko at umalis na "hoy hindi pa tayo tapos! dinumihan mo yung uniform ko!!" sabi niya "wala.akong.pake" sabi ko at umalis na

---

Naiwan ako sa school dahil may meeting ang student council kaming 4 ang naiwan sa school ako,si Nayeonnie,siJihyo,siMina,at si Tzuyu. Nauna na silang umuwi dahil may kukunin pa ako sa locker at gagamitin ko na lang yung kotse ko. Naglalakad na ako papuntang parking lot ng may humila sakin papunta sa isang classroom. Nagulat ako ng may tumakip ng mga mata ko "HOY! Kung sino ka man itigil mo na 'to ha!" sabi ko at pilit tinatanggal yung kamay niya sa mata ko "chill ako lang ito" narinig ko na naman yung malalim na boses na iyon.

"Ano ba kailangan mo? yung uniform mo?" tanong ko at bigla niyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko "Ano ba yun? Ano bang gusto mo?" tanong ko sakaniya "Ikaw" dug.dug.dug. wait heart 'bat ang bilis ng tibok mo?! wait don't tell me na kinilig ka dun ha?! no no no "Ano?!" inis na tanong ko sakaniya "wala" sabi niya "ok wala naman pala aalis na ako" sabi ko at pumunta na sa pinto para buksan ito. And O to the M to the G hindi ko mabuksan yung pinto!

"Hoy! ni-lock mo ba 'to?" tanong ko sakaniya "hindi Minatozaki Sana" nagulat ako ng sinabi niya yung buong pangalan ko "teka pano mo nalaman pangalan ko?!" confused na tanong ko sakaniya "secret at hindi ko ni-lock yan baka sira yung pinto" sabi niya at dun ko lang naisip na sira nga talaga yung pinto ng classroom na to

"Pano na yan?! Pano ako uuwi?!" litong sabi ko narinig ko siyang tumatawa "Hoy! bakit ka tumatawa?! Alam mo ikaw may kasalanan kung bakit hindi ako makakauwi" sabi ko sakaniya "una may pangalan ako at hindi 'Hoy', Kim Taehyung" sabi niya at nilahad ang kamay niya sa harap ko "pangalawa makakauwi ka dahil may guard na nagche-check dito tuwing 6:00" sabi niya at saka ko lang naalala na may guard nga pala na nagi-ikot dito "pano mo nalaman yun?" tanong ko sakaniya "secret" at kumindat siya tss...yuck.

Ilang oras na kaming naghihintay dito nagulat ako ng biglang napatay ang mga ilaw dahil sa gulat ko ay na-out of balance ako kaya ngayon ay nakahawak siya sa bewang ko habang 1 inch na lang ang pagitan ng mukha namin dahil nararamdaman ko na ang pag-hinga niya at kung gumalaw ako ay magkikiss na kami kaya di ako gumagalaw nagulat ako ng biglang may lumapat na labi sa labi ko ang bilis na naman ng tibok ng puso ko at gusto ko ng kumawal kaso ayaw ng katawan at labi ko hindi ko napansing tumutugon na pala ako sa halik niya

*click* napatayo ako nung biglang bumukas yung pinto at inuluwa nito ang isang nag-iisang Nayeonnie ko "Sana?! SANA!!!" halatang naga-lala siya ng yakapin niya ako ng mahigpit "Humaygash sabi ko sayo sabay na tayo eh" sabi niya natigilan siya ng makita niya si Taehyung "Sana pwede mo namang sabihin samin na may boyfriend ka na hindi yung magtatago pa kayo" sabi niya tinignan ko siya ng masama

Umuwi na kami ni unnie at si Taehyung rin peste yun ninakaw first kiss ko! "JIHYO! May boy-" hindi na natuloy ni unnie yung sinasabi niya dahil tinakpan ko yung bunganga niya "Ano? Boyfriend?!" galit na sabi ni Jihyo "hindi! wala!" sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

---

HELLOOOOO Nag-ud ulit ako kahit exam namin😂😂😂tularan niyo ko(charottt)

Next: JiMina

-angelocksx

Assasin's Love Where stories live. Discover now