V. Suspecting Dawn

Começar do início
                                    

"S-sino, Miss Rachel?"

"Si Anastacia." Ilang segundo rin siyang tumahimik. Sino si Anastacia at sobra ang pagdadalamhati ni Miss Rachel sa pagkawala niya? 

"I'm sorry to hear that, Miss Rachel. Please, kailangan mo nang bumalik sa Dorm at baka magkasakit ka pa." Hinawakan ko siya sa braso at balak ko na siyang hatakin nang magsalita siya na mas ikina-kilabot ko.

"Pinatay siya." At bigla siyang umiyak ng tuloy-tuloy. Is she having a nervous breakdown?

"Miss Rachel. Miss Rachel, tama na." Sadyang mabigat ang dinadala niya ngayon.


"Red? Rachel!" Nasilaw ako sa ilaw na tumama sa mata ko. Naramdaman ko na lang na nakalapit na ang babae nang hawakan niya si Miss Rachel sa magkabilang balikat para pigilan ito sa pagiyak.

"Miss Rachel, tama na. Please, calm down." Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko pa siya nakita ng ganito. She looked so weak and fragile. Kung hindi lang ako nabugbog kanina, binuhat ko na siya papunta sa dorm. 

"Pull yourself together, Rachel!" Nagulat ako nang hatakin ng bagong dating si Miss Rachel papuntang Cafeteria.

Pinagbuksan ko sila ng pinto at dumiretso ako sa counter para kumuha ng tatlong hot choco. Nakita kong pinilit paupuin si Miss Rachel sa isang sulok ng Cafeteria. Napaka-brutal niya talaga.


"Dawn, pwede huwag mo naman siyang saktan?"

"Hindi ko siya sinasaktan, ginigising ko lang siya sa kabaliwan niya. Ano ba'ng nangyari sa kanya? Kanina pa siya wala sa kwarto, kaya hinanap ko na. Alam kong takot siya sa curfew."

Iniabot ko sa kanila ang mga cup ng mainit na inumin. Tumahimik na si Miss Rachel pero nakatulala lang siya. Tumutulo ang tubig-ulan mula sa buhok niya at mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak.

"Nakita ko siya noong pabalik na ako sa dorm galing Clinic. Nakatayo lang siya doon sa ulan at tulala. Nung nilapitan ko siya, sinabi niya na..."

"Na ano?"

"Sinabi niyang patay na raw si Anastacia." Nakita kong natigilan si Dawn sa kung ano'ng dahilan. "Hindi ko alam kung sino 'yong tinutukoy niya. As far as I know, walang estudyanteng Anastacia dito sa Monte Carlo."


"A-nas-ta-cia." Nagsalitang muli si Miss Rachel. Tumulo na naman ang mga luha niya.

"De Guzman. Anastacia de Guzman ba ang pangalan ng taong 'yon?" Nakita kong tila bumalik sa reyalidad si Miss Rachel nang marinig ang pangalan na iyon. Paano nalaman ni Dawn 'yon?

Nagharap silang dalawa at lumambot na ang mukha ni Miss Rachel. "Pa-patay na siya. Patay na ang pinsan ko. Wala na siya..." Yumakap siya bigla kay Dawn. Pinsan? Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Dawn. 

"Kilala mo 'yong pinsan niya?" Hindi ko na napigilang magtanong. Naguguluhan na ako.

"Best friend ko si Anastacia noong nag-aaral pa ako sa Sisters of Mary." 

"Alam mo na ba na...?" 


Tumango siya at umayos muli ng upo si Miss Rachel. 

"Pumunta dito 'yong isa pa naming best friend kanina para sabihin ang nangyari. Rachel, bumalik na tayo sa Dorm. Basang-basa ka na." Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan sa pagkawala ng isang kaanak at kaibigan. What a small world.

"It's not an accident, is it?" Akmang tatayo na kami ni Dawn nang magtanong si Miss Rachel habang nakatingin lang sa cup niya.

"She was killed. It's the third time na nangyari ang ganito sa Sisters of Mary. Every year, someone dies. Someone na--"

"Wala siyang kasalanan sa kahit na sino! Wala siyang kaaway, nag-aaral lang siya ng mabuti! She's the nicest person I've known! Bakit ginawa nila 'yon sa kanya!" Nagulat ang ilang mga estudyante sa Cafeteria. Humarap siya kay Dawn at inalog-alog ang balikat nito. "Sino'ng gumawa noon sa kanya?! Alam kong alam mo! SINO?!" 


Tinabig ni Dawn ang mga kamay ni Miss Rachel at tumayo sa upuan niya sabay layo sa mesa. "Hindi ko alam! Kung alam ko, edi sana sinabi ko na sa mga imbestigador! Sana hindi ko hinayaang mangyari sa best friend ko 'yon! Sana hindi ako umalis ng eskwelahang 'yon kung alam ko ang nangyayari doon!" 

"Stop shouting at each other! Jeez..." Sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko. Naguguluhan pa rin ako. Basta ang alam ko lang, iyong pinsan ni Miss Rachel e best friend ni Dawn sa Sisters of Mary. Pinatay siya at posibleng may idea si Dawn kung bakit nangyari iyon at kung sino ang gumawa noon dahil na-experience na niya ang mga kasong iyon noong nandoon pa siya. Kaya nga daw siya umalis dahil sa mga insidenteng iyon. 

"How was she killed?" Tumitig siya kay Dawn.

"Hindi mo na dapat malaman. She's your relative, pumunta ka na lang sa lamay. I can't... see her like that."

"HOW WAS SHE KILLED?!"

Tumayo na rin si Miss Rachel at tumayo agad ako sa gilid ng mesa para awatin sila kung magkasakitan man sila. Mas nag-aalala ako sa pwedeng gawin ni Dawn. Itinulak niya si Miss Rachel pabagsak sa upuan niya at yumuko siya para bumulong sa tenga niya. Pabulong lang ang pagsagot niya, pero narinig ko pa rin ang mga sinabi niya.


"She was stabbed at her back and was dragged in the girls restroom to be murdered. She had multiple stab wounds and her head was hit very hard that it cracked at lumabas ang malaking parte ng bungo niya. Like the others who died, marami siyang hiwa ng kutsilyo o kung anumang matalim na bagay sa buong katawan. She was then positioned sitting inside a cubicle and was found when the janitor saw bloodstains in the hallway." Bigla niyang ibinagsak ang sarili niya sa upuan at hinawakan ng mahigpit ang ulo niya. Ganito 'yong itsura niya kanina. 

"Are you okay?" Nakapikit na naman siya at hindi sumasagot. Malalim ang paghinga niya at nakita ko ang panginginig ng kanyang katawan. Samantala, si Miss Rachel naman ay tahimik na umiiyak habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa bibig niya. Kahit ako, hindi ko ma-imagine ang horror sa kwento ni Dawn. At dalawang taon na niyang nasasaksihan ang ganitong insidente sa eskwelahan nila at kahit lumipat na siya dito, hinahabol pa rin siya nito.

"Why won't they stop?!" Napatingin kami ni Miss Rachel kay Dawn. Sinusuntok at sinasabunutan niya ang ulo niya. Ang layo niya doon sa basag-ulong kaklase ko. 

Dahan dahang ibinaba ni Miss Rachel ang mga kamay niya at tumitig kay Dawn. "May kinalaman ka ba sa pagpatay sa kanya?!" 


---edited 03.29.15

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighOnde as histórias ganham vida. Descobre agora