Block 38

1.4K 45 4
                                    

A/N: Wala sa plano ko ang phasing ng mga pangyayari kusa nalang nag pop out. I just want to say na hindi planado ang bawat sequence ng event. Kung anong pumasok sa isip ko na mangyayari yun ang gagawin ko pwede ring mabago yun. Salamat sa matiyagang paghihintay ng updates ko. ❤

•••

Chapter 38

[Brieana's Point of View]

Ang sakit ng ulo ko ano bang nangyari  sakin. Teka bakit ako nasa hospital.

" Brie?! Your awake tatawag lang ako ng Doctor " Napakunot ang noo ko sa inakto ni Bryster. Napahawak ako sa ulo ko at may nakapa akong nakabalot sa ulo ko.

Ilang saglit pa ay pumasok si Bryster kasama ang Doctor at dalawang nurse. Chineck ng Doctor ang mata ko at tinanong kung may masakit ba kong nararamdaman. Sinagot ko naman tong lahat. Nang makakuha ako ng tiyempo ay tinanong ko si Bryster.

" Pst! Anong nangyari?. Bakit ako nasa hospital? " Tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

" Wala ka bang naaalala? " Nagtataka niyang tanong sakin.

" Wala ano bang nangyari? "

" Doc wala daw po siyang maalala sa nangyari? " Hinarap ako ng Doctor.

" Wala ka bang naaalala. Naaksidente ang kotseng minamaneho mo hindi mo natatandaan? "

" Hindi po ako marunong magneho. Tiyaka wala po kaming kotse paano po mangyayari yun? " Hindi naman kami mayaman para magkameron ng kotse.

" Brieana anak! " Napalingon ako sa may pintuan ng pumasok si Papa kasama si Mama. Teka kailan pa nakauwi si Papa. Umuwi ba si Papa dahil sa nahospital ako.

" Pa umuwi ka ba ng Pilipinas dahil na hospital ako? " Tanong ko kay Papa. Bigla namang naging seryoso ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko.

" May mali ba kong nasabi? " I ask them.

" How's my granddaughter? " Napakunot ang noo ko ng bigla nalang akong niyakap ng isang matanda.

" Ah sino po sila? " Tanong ko pagkakalas ng yakap niya.

" Based on what she's acting right now . She's suffering from temporary amnesia " Ako may amnesia?. Teka naguguluhan ako. Ano ba talagang nangyayari. So totoo yung sinabi ng doctor na nabangga yung minamaneho kong kotse kaya ako nandito. Hindi naman ako maalam magdrive eh ano bang pumasok sa isip ko na magneho. Tiyaka san galing yung kotseng ginamit ko. Gulong gulo na ko. Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito na parang binibiak.

" Aah! Aray! "

" Anong nangyayari Doc? "

" This is the side effects of pushing yourself to recall the memory that you lost. Over thinking may cause headache to the patient who is suffering from an amnesia kaya mapapayo ko na huwag munang pilitin ang pasyente na makaalala. Take it slowly--- " Hindi ko na masyadong naintindihan yung sinabi ng Doctor dahil unti unti ng umeepekto sakin yung gamot na tinurok ng nurse. Para akong nabingi hanggang sa napapikit ko nalang ang mata ko.

Nagising ako ng nakarinig ako ng mga ingay sa paligid. Feeling ko ang crowded ng buong kwarto at hindi nga ako nagkamali pagkamulat ko ng mata ay ang daming unfamiliar na mukha ang tumambad sakin. Napatigil ang tingin ko sa isang lalaki na nakasandal sa may pader parang malalim ang iniisip nito. Napatingin siya sakin at nagtama ang tingin namin. Kung makatingin siya parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko. That familiar stare is creeping me out. Kaya napaiwas ako ng tingin.

" Brie! Gising kana " Hindi ko napansin si Yana. Siguro sa dami ng tao at panay matatangkad pa ay medyo natakluban siya. Pero sino ba tong mga to at kung makatingin akala ko may ginawa akong kasalanan. Naramdaman ko ang pagtaas ng kama ko sa may ulunan. Napatingin ako sa lalaking may gawa nun na ngumiti sakin at kumaway pa. Hinigit ko si Yana papunta sa tabi ko at binulungan.

Block ZeroWhere stories live. Discover now