Block 5

2K 64 1
                                    

Chapter 5

[Brieana's Point of View]

" Brie... Boyfriend mo ba si Jacob?
" Halos masamid ako sa laway ko dahil sa tanong ni Third.

" Hindi " Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Madali lang namang isagot ang hindi pero parang hirap akong sabihin. Argh! Ano bang nangyayari sayo Brie madali mo lang namang nasagot kay Bryster yang tanong na yan ah.

" Nanliligaw? " Tanong niya ulit this time napatingin na ko sa kanya.

" Bakit mo ba tinatanong? " Actually hindi ko alam kung bakit ganan yung tanong na binabato niya sakin. I'm sure naman na alam niyang classmate kami ni Jacob sa Block A. Kaya bakit parang binibigyan niya ng malisya yung pagpunta dito ni Jacob.

" Wala " Sagot niya at bumalik na sa upuan niya. Wala na din akong nagawa kundi ang bumalik sa upuan ko.

May biglaang meeting ang faculty kaya wala kaming klase ngayon. Bored na bored tuloy ako. Wala naman kasi akong makakwentuhan dito.

" Third! " Napatingin kami sa pintuan ng umalingawngaw sa buong classroom yung pagtawag niya kay Third. Hindi ko alam ang pangalan niya pero I'm sure na taga Block Zero siya. Humihingas ito at tila naghahabol ng hininga.

" Si---Zero " Agad na napatayo si Third pati narin ang iba pang kumag. Tatakbo silang lumabas ng classroom. Kesa maiwan ako dito sumunod narin ako sa kanila.  Ang sama kasi ng kutob ko na parang may hindi magandang nangyari.

Mga ilang minuto pa kaming tumakbo hanggang sa makarating kami sa bunton ng mga estudyante parang nakikiisyoso sa nag-aaway. Agad naman nilang nakita sina Third kaya humawi agad sila at nagbigay ng daan. Yung iba nagsitakbuhan pa sa takot sa kanila. Ganun ba sila katakot sa Block Zero.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang isang estudyante na nakahandusay sa sahig at puro dugo na ang uniform. Putok na ang labi nito at namaga na ang mata at halos hindi na ito namulat pa. Akmang susuntukin pa to ni Zero ng agad akong pumagitna at humarang.

" What the fvck are you doing here! umalis ka diyan! " Nakakatakot parin ang boses niya at isama pa yung tingin niya. Gusto kong umalis dito pero kung hindi ako makikielam baka mapatay niya na to. Ako ang Student Council President kaya responsibilidad ko ang mga estudyante sa Perens High.

" Tama na tumigil kana, Hindi mo ba nakikita nakahandusay na siya may balak ka bang patayin siya "  Sabi ko ng mahinahon sa kanya. Napayukom nalang ang kamao niya at sinamaan ako ng tingin bago umalis.

" Did Zero follow Brie? "

" Omg nagawa na bang pasunurin ni Brie ang Block Zero "

" She's really deserve to be the Student Council President "

" I really adore her "

Hindi ko na pinansin ang mga bulungan at nag-utos na sa mga ibang estudyante na dalhin to sa Clinic. Unti unti naring humupa ang mga tao. Agad akong bumalik sa room. Pagkarating ko ay agad hinanap ng mata ko si Zero.

His sitting in his chair while looking at the window. Nakayukom parin ang mga kamao niya at nababalot siya ng mabigat na presensya.

Napatingin ako sa ibang mga kumag. Tahimik lang sila na tila iniinda ang mabigat na presensyang nang gagaling kay Zero. Napatingin ako kay Third, nakaupo siya, isang bangko ang pagitan kay Zero tahimik lang din siya at katulad ng iba minabuti niyang tumahimik at ayaw magtanong.

Ito na naman ako't hindi nag-iisip  derederetsong pumunta sa pwesto ni Zero. Ramdam ko naman na nakasunod ang tingin nila sakin. Nagtama ang tingin namin ni Third umiling siya sakin na tili nagsasabing huwag ko nang ituloy yung balak ko pero hindi ako nagpapigil.

Block ZeroWhere stories live. Discover now