The Graduation ❤

Start from the beginning
                                    

Hmmm.. napaisip ako kung siya kaya yung bagong kaklase namin parang sa isip at puso ko ay gusto ko syang makita muli ng personal. 

Malapit na ako ngayon sa aming classroom nang makita ko ang bago naming kaklase sya yung taong nakabangga ko nga kanina kaya agad akong pumunta sa aking upuan kung saan katabi ko ngayon si tina ang maharot kong kaibigan haha share ko lang.

"Kanina kapa tingin ng tingin jan xyril ano bang meron sa bago nating kaklase? " habang ako'y nakatingin ngayon sa aking bagong kaklase ang gwapo nya talaga hindi ako makapaniwala.. nang bigalang dumating ang aming teacher si Gng. Barbara.

" beks may nagawa ka bang assignment natin hirap kasi ng assignment natin" tumango nalang ako kay jam na isa sa mga kaibigan ko ang kokopya ko kaklase " wag mong ibigay sa iba ha!" at kinuha nya aking notebook.

Matapos ang aming discussion ngayon ay hindi pa rin matanggal sa aking mata ang kanyang napakagwapong mukha nya sana makausap niya man lang nya ako ulit...

Nasa bahay ako ngayon at kumakain ng tanghalian nagutom kasi ako kanina dahil nabuho at nahulog ang aking mga snacks kaya nagutom ako " Ohh anak mukang kulang mo ang aking hinain ngayong araw ahh" ano ba naman to napaghahalataan tuloy akong matakaw hahah "Oo mama kulang ko po ang hinain nyo ngayong araw na to kaya sa susunod ramihan nyo ang pagsaing ng kanin para isang kalderon naman ang makain ko" ang polosopong sagot ko sakanya kaya nabatukan nya ako hahah...

Vacant namin ngayon kaya wala kaming pasok ngayon ng isang oras andito ako ngayon sa likod ng University kung saan ay nagbabasa ng wattpad ng biglang..
...
...
Humawak sa aking balikat. Sino kaya itong hunghang na ito kaya liningon ko kung sino ay si gwapong kaklase ko si Mr. Santos. "Hi sorry na-disturb ba kita?" paghingi nya ng paumanhin  "Hi-hindi na-naman ayos lang ako, may binabasa lang kasi ako" putal-utal kong sagot shet ang pogi nya talaga "By the way I'm Liam pala call me Sid it's my nickname and you are?" ano kayang sasabihin ko parang dudugo naman ang aking ilog sa ingliserong ito.

"I'm Xyril Mendoza nice to meet you" kaya inabot ko naman ang aking kamay "nice to meet you too" saka niya hinawakan ang aking kamay, f*ck sheet ang lambot ng kamay niya talaga samantalang ako ay magaspang nakakahiya.

"Wala ka bang kasamang iba dito mukha kasing ang tahimik mo lang?" ano ba to tinatanong pa kung may kasama ako "Hmm.. wala naman akong ibang kasama ako lang mag-isa, gusto ko lang kasing mapag-isa, maingay kasi dun sa loob ng classroom natin." ang bored kasi sa loob ng room "Ahhh ok. "

Nagkwentuhan kaming dalawa hanggang sa matapos ang aming kwentuhan ay kanya namang kinuha ang aking cellphone number "Pwede bang mahingi ang iyong cellphone number xyril?" bakit nya kaya kinukuha ang aking cellphone number? "sige pwede mong kunin" kaya binigay nya ang kanayng cellphone kaya nilagay ko na ang aking cp number "heto na iyong phone" kaya binalik ko na sa kanya ang kanyang phone "txt txt tayo mamayang gabi ha!"

Pagkatapos ng aming kwentuhan ay pumasok na kami sa aming classroom.

Agad akong dumeretso sa aking upuan dahil parating na ang next subject teacher namin which is si Gng. Veronica Imperial. "Ok class we will be having a report for tommorow."

Katatapos lang ni Gng. Veronica mag-turo sa amin sa aking pag-babasa ay may bumigay sa akin ng sticky note binasa ko kung ano ang laman nito "Psst.. pwede ba tayong sabay umuwi mamaya hihintayin kita sa Gate." agad ko naman nilingon kung sino ang namigay nakita kong kumaway si Sid sa direksyon ko kaya napa-ngiti ako sa kanya agad naman akong kumuha ng sticky note sa aking bag at sumulat ng "Yup sige sabay tayong umuwi mamaya basta hintayin mo lang akong lumabas mamaya" kaya ipinabigay ko kay jam ang kapirasong sticky note na aking ginawa tumango naman sya sa akin bilang pag-sagot.

Katatapos lang namin sa discussion kanina kaya maaga kaming umuwi ngayon dumeretso naman ako sa gate at nakita ko syang nag-hihintay sa gate at may hawak syang bag ng laptop kaya agad ko syang kinawayan para akoy kanyang makita "ano xyril tara na ba" pumunta kami kaagad sa malapit na Computer Shop

Pag-pasok namin sa computer shop ay agad akong dumeretso sa upuan kung saan ay may nakalagay nang computer. "Xyril ok kalang ba? " tanong sa akin ni sid "Ok lang naman ako," habang sya ay gumagawa ng report namangha naman ako sa kanyang gawa.

"Maiwan muna kita rito Xyril mag-piprint lang ako saglit" tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Xyril tara na" lumabas na kami ng computer shop at dumeretso sa paradahan ng taxi kasama ko sya ngayon feeling ko parang mag-jowa kami noh.!

"Sorry kung kanina pa tayo naghihintay dito, wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko sa kanya "Wala naman" ang tanging sagot nya lamang sa akin.

Sa wakas mayroon naman nang taxi " Sid mauuna na ako sayo" alam kong nagabihan kami dahil sa akin "Paalam xyril txt-txt nalang tayo mamaya ha!" Ngumiti nalang ako bilang tugon sa kanya. Sarap nyang kasama, sana lahat ng boys ganon hahaha..

To be Continue.....

Cast

Park Bo Gum as Xyril Mendoza Jungkook as Liam Santos Lisa as Lize Gonzales Joeph Marco as Diego Labrustca

Authors note
So ayan na nga sa wakas nakasulat na ako ng bagong mag-papakilis sa lahat ng boys at girls pati na rin sa mga LGBT members sana magustuhan nyo ang aking story ❤️

Ps. Thanks sa mga readers ko sana magsutuhan nyo ang susunod kong Chapter.
Just comment kung gusto nyong i dedicate ko kayo sa susunod kong mga Chapter.

_Ysabelle ❤️❤️

The Perfect Stranger of Mine❤️ (COMPLETE) Where stories live. Discover now