Chapter 4 : UNEXPLAINED FEELINGS

26 9 0
                                    


Its already 12:26 am, pero gising pa rin ang dalaga.Hindi siya makatulog dahil bigla nalang pumapasok sa isip niya ang nakita niya kanina. Hindi niya alam kung bakit niya pa naiisip yon samantalang wala lang naman para sa kanya ang binata. Madalas niya ngang hindi tinatanggap ang mga bulaklak na ibinibigay ni Vince at talagang ni minsan ay hindi siya nagpakita ng interes sa binata. Malamig pa siya sa yelo kung pakisamahan ang manliligaw niya, singpait naman ng ampalaya ang mga ngiti niya kapag kinukulit siya neto na ihatid siya pauwi. Pagkatapos eto siya ngayon at hindi makatulog.

"kyaaaaahh! anong nangyayari sa akin? bakit ko siya naiisip? hanggang ngayon wala pa rin text? dapat masaya ako! dapat hindi ko na siya naiisip kase wala lang naman siya para sa akin eh. sigurado ako doon, wala lang siya. Marami pa akong dapat isipin at unahin sa buhay ko kaya hindi dapat ako nag aaksaya ng oras sa ganito. Bahala na,pipilitin kong makatulog na! panira talaga ng araw yung lalaki na yun. Panggulo ka sa isip ko eh.."        pagkasabi niya ng mga katagang iyan sa kanyang sarili ay hinampas-hampas niya ng unan ang sarili niya baka sakaling matauhan na siya at makatulog.   1:22 am nang sa wakas ay nakatulog na rin si Irene. pano ba naman kase, mas bitter pa siya sa ampalaya kaya ayan, sinumpa na ata siya ng binata! LOL hahahaha!!  agree ba kayo guys?  oh eto, seryoso na. 4:30 am na gising na syempre ang bidang dalaga at nagsaing, nagluto ng almusal,kumain at naligo na para ready na sa pagpasok sa school. 7 am-1pm kase ang class schedule niya at meron siyang mahigit dalawang oras para magpahonga kase 4 pm-10pm naman ang duty niya bilang waitress. Habang nasa klase, nag vibrate ang phone niya kaya agad niyang tinignan kung sino ang nagtext.

"goodmorning Irene. musta?"  
from: Vince

"tssk! ano nanaman? bakit bigla siyang nagtext?"     sa isip-isip pa ng dalaga pagkakita sa message. Pero di niya maintindihan, bigla nalang siyang napangiti dahil nagtext nga ang binata.

"okey lang, nasa klase ako."     
send to: Vince                 

   Nagtext pa ang binata pero di na niya nereplyan. Natapos ang klase, nagpahinga siya ng mahigit dalawang oras at tsaka pumasok sa trabaho. 8 pm may dumating na mga customer, tatlong lalaki 3 babae magkakapares sila, at yung isang pares doon ay si Vince at yung babaeng kasama niya sa coffee shop. Nag order sila ng makakain at si Irene ang na assign na mag assist ng order nila. Ngiting ampalaya nanaman ang dalaga habang nakangiti lang sa kanya si Vince habang nag seserve siya ng order.

"enjoy your meal ma'am and sir"    sabi ko sa kanila habang pilit na nakangiti sa nakakabwisit na pagmumukha ni Vince na ngiting aso kanina pa. Nandito na ko sa kitchen at kinukuha ang iba pang order ng ibang customers. Medyo maraming kumakain ngayon kaya abala talaga kami, tapos etong si Sally, na katrabaho ko gwapong-gwapo kay Vince.

"teh, ang gwapo niya talaga noh?"     mahinang sabi niya na parang kinikilig pa.

"ah..ehh.. oo nalang"       napipilitan kong sagot kahit na totoo naman na gwapo nga si Vince pero wala akong pakialam.

"di ba yan yung 6 months ng nanliligaw sayo? anyare teh? bakit iba ang ka-date?"   sunod-sunod na tanong ni Sally sa akin habang nakasilip sa may pintuan ng kitchen at tinatanaw sila Vince.

"Hayaan mo siya, naisip na siguro niya na wala akong interes sa kanya kaya nakipag date na sa iba"      nakangisi kong sagot

"Grabe  naman this girl! gwapo,mayaman at mukha namang mabait tapos dedma lang sayo?"   sabi pa niya

"Ano ka ba, alam mo naman na marami pa kong dapat na mas unahin at atupagin kesa sa ganyang bagay."     sagot ko naman habang nakatingin na rin sa kinaroroonan ng impaktong Vince na yun.

"oo na teh, dakilang bread winner at sobrang bitter"     pang aasar ni Sally

" excuse me miss, one glass of water please?"     tawag ng isang babae sa pwesto nila Vince. At dahil ako lang ang available, ako na ang nagdala ng tubig dun sa babae habang si Vince napatingin sa akin tapos nakipag chikahan na ulit sa mga kasama niya at lalo na sa babaeng katabi niya.

" Naiirita talaga ako! basta nakakairita silang dalawa!"   pagalit pero pabulong kong sabi sa sarili ko habang nasa kitchen na siya namang narining pala ni Sally.

"oy girl, wag mo sabihing nagseselos ka?"   pang asar na tanong niya

" hindi noh! nakakairita lang kase siya kanina pa ngiting aso sa kin, makatingin wagas! sarap dukutin ng mata."        iritable kong sagot

"Oh,easy. uusok na yang ilong mo sa inis oh! haha! selos ka lang girl"  pang aasar pa ni Sally

"Never!bakit naman ako magseselos noh? wala lang siya. Naiirita lang ako hindi selos yun."     nakangisi kong sagot

              9:30 pm nang umalis na sa restaurant ang grupo nila Vincent, nag umpisa na rin magsialisan ang mga customers dahil 10 pm magsasara na ang kami. Abala na kami sa pag liligpit ng mga upuan at ilang mga gamit. At ayan, out na namin! Naglakad na kami ni Sally palabas pero naghiwalay din kami kase iba yung daan pauwi sa kanila nang biglang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Hatid na kita"      Di pa ko lumilingon alam ko na kung sino ang nagsalita. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Abnormal na ata heartbeat ko?

"Hindi na, kaya ko naman umuwi mag isa Vince. salamat nalang"  sagot ko naman sa kanya.

"As usual, ayaw mo pa rin. Kaya na hindi kita pipilitin. Ingat sa pag uwi."   mahina niyang sagot habang nakangiti sa akin pero bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa pagkadismaya. Ngumiti nalang ako sa kanya at sumakay na ko ng jeep pauwi. Pagdating sa bahay diretso agad ako sa kwarto namin ng kapatid ko, tulog na siya. Nagpalit lang ako ng pambahay na damit tapos humiga na. Bigla nanaman siyang pumasok sa isip ko. Naalala ko yung kanina, naiirita nanaman ako pag naiisip ko silang dalawa ng girl. Abnormal ba siya? may ka-date na siya tapos mag aaya siya na ihatid ako pauwi? ang gulo?

**achoo..achoo**   (tunog ng phone)
"nakarating ka na ba sa inyo? pahinga ka na"
from: Vince

**achoo..achoo**   (tunog ng phone)
"goodnight sayo Irene.."
from: Vince

Pagkabasa ko ng texts niya, bigla ko naalala yung mukha niya after ko siyang tanggihan kanina na ihatid ako. Parang nakokonsensya ata ako? pero tama lang naman iyon eh,yun naman ang lagi kong ginagawa pag nag aaya siya. Pero bakit ngayon parang nakokonsensya ako? Bakit ko nararamdaman toh? halo-halo ang naramdaman ko this past few days dahil a kanya.. Its really unexplained feelings.. i dont even know why?

"sige, goodnight din" 
sent to: Vincent

Reply naman ng dalaga matapos mag isip ng kung ano-ano. Hanggang sa nakatulog na siya. lesson of the day para sa mga readers, "Wag ka masyadong magpakampante sa nararamdaman mo, dahil baka isang araw magbago yan. Baka yung hindi natin gusto ay bigla nalang magustuhan mo o vice versa" . 

--END OF CHAPTER 4--

  anong masasabi niyo sa lesson of the day natin ngayon readers? relate ka ba? dama mo ba?  free to comment pag usapan natin. pahinge na rin ng vote :)
 

I LOVE YOU GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon