Chapter 3: MS. IRENE ORPIA

12 8 0
                                    


        Hello everyone! nakarating na kayo sa part na ito ng di alam if  sino ba ako dito sa kwento. Im Irene Orpia, 24 years old. Nagtapos ako sa kursong Bachelor of Science in Information Technology at the age of 21, sa ngayon nagtatrabaho ako bilang isang web developer sa IT Center of the Philippines. Mag isa lang ako sa sarili kong condo na nabili ko last year pero hindi ako mayaman ah, laki ako sa hirap. 2 lang kaming magkapatid ako ang panganay kaya ngayon ako ang nagpapaaral sa kapatid kong si Elsie na kasalukuyang 3rd yr college na ngayon. Marami kaming napagdaanang hirap sa buhay kaya naman kahit gipit talaga kami noon ay pinilit kong makatapos ng pag aaral sa tulong na rin ng pasideline-sideline ko sa isang chinese restaurant. In short, nag working student ako kase nga hindi naman kaya ni mama na pag aralin kami ng sabay ng kapatid ko kahit pa public school kami nag aaral. Wala na kase si papa 11 years old pa lang ako ay namatay na siya. Kaya naman natuto akong maging independent at tumulong sa mga gastusin sa bahay. Hanggang sa makatapos ako ng pag aaral at kalaunan ay natanggap naman agad ako sa pinasukan kong trabaho. Una apprentice lang ako ng head programmer hanggang sa nakita nila ang potential ko at di kalaunan ay binigyan ng pagkakataon para makagawa ng website. Tungkol naman sa kasintahan ko na Si Vince Monteverde, Only child lang yun at may kaya sa buhay. May ari sila ng isang super market malapit sa makati. Magkasing-edad lang kami, Sa ngayon, siya na ang namamahala ng super market na pagmamay ari ng papa at mama niya. limang taon na kaming magkasintahan at talaga namang mahal namin ang isat-isa. Isang taon niya rin akong niligawan, noon kase ay 18 years old pa lang ako at talagang busy ako sa pagbabanat ng buto at pag aaral kaya ayoko muna magkaroon ng kasintahan pero sadyang makulit at pursigido talaga siya na ligawan ako kahit ilang beses ko na siyang pinagtabuyan at iniwasan ay napasagot niya rin naman ako after 1 yr.
          Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala. isa siya sa mga customer ng chinese restaurant kung saan ako nagtatrabaho bilang waitress nang may isang lalaking customer na bumabastos sa akin at pilit na pinapaupo ako sa table nila. Nakita niya iyon kaya agad niyang nilapitan ang lalaki at ng hindi ito nagpaawat bigla nalang sinapak niya ang bastos na iyon at pinakaladkad sa isang guard ng restaurant. Grabe! Knight in shinning armour lang ang ganap. Hanggang sa madalas na siyang customer ng shop at naging madalas ang pagkausap niya sa akin at kung minsan ay sinasabayan pa ako palabas ng restaurant. At ayun na nga nagpakilala siya, hiningi ang number ko kahit hindi ko siya madalas itext o replyan ay napaka consistent pa rin niyang mag text at minsan tumatawag din. Nagulat nalang ako isang araw ng may dala na siyang isang bugkos ng puting rosas na iniabot niya sa akin pagka out ko sa restaurant. Sinabi niya na gusto niya ako at manliligaw nga daw siya. Ilang beses ko siyang tinanggihan pero andiyan pa rin siya. Hanggang sa isang araw bigla nalang hindi siya nagparamdam. Mahigit isang linggo rin na wala akong natanggap na text niya at hindi ko rin siya nakikita sa shop. Ewan ko ba? Bakit parang hinahanap ko siya. Nasanay lang siguro ako na nangungulit siya kaya ganon. Naghihintay ako ng text o call niya o kahit anino niya manlang sa restaurant pero wala, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Diba dapat okey lang ako kase mukhang sinukuan na niya ako at di na niya ako kinukulit? kyyyyyaaaaaaaaaaaaaa!!!!! bahala na! nasanay lang talaga ako na may makulit na lalaking laging nagpipilit na ihatid ako pauwi ng bahay tapos panay ang text ng goodmorning, goodnight at mga sweet messages. After 1 week and 2 days, saktong day off ko at wala rin akong pasok sa school ng magpunta ako sa supermarket para mamili ng pagkain namin sa bahay, Nakita ko siya na may kasamang babae. Maganda eto, seksi at mukhang may kaya rin sa buhay tulad niya. Masaya silang nag uusap habang nag kakape sa coffee shop na katapat ng super market na pinagbilhan ko. Para akong biglang kinabahan, anlakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang nasasaktan ako sa nakita ko. Kaya naman pala hindi na siya nagpaparamdam eh may iba na pala siyang pinagkakaabalahan. haayyyyy... makauwi na nga lang sa bahay. Hindi ko dapat iniisip yun kase nga, wala naman akong balak mag boyfriend eh, isa pa ako na rin naman ang paulit-ulit nagpakita sa kanya na hindi ako interesado kaya naman tinigilan niya na ako.

---END OF CHAPTER 3---

        hmm.. ano kayang nangyayari kay Irene? at sino naman ang babaeng kasama ni Vince sa coffee shop?      alamin nati sa mga susunod na chapter.    may nagbabasa pa ba?? pa vote naman po oh!

I LOVE YOU GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon