Chapter 2: MORNING

10 7 0
                                    


       Paggising ko nakita ko si Vince na nakatulog na habang nakasubsob ang mukha sa gilid ng higaan ko. Hindi pala talaga siya umalis. Matagal akong nakatitig sa kanya habang natutulog, iniisip ko lang kung gaano ko kamahal ang lalaking ito, If paano ko siya magagawang iwan at ipagtabuyan kung ganitong ramdam ko kung gaano niya ako minamahal at inaalagaan. Hindi ko mapigilang umiyak.. sayang, if hindi niya ako naabutan kagabi e di sana tapos na.. Pero ewan! mabuti na rin siguro na buhay pa ako.. ang gulo! hindi ko na alam! naisip ko ulit yung dahilan if bakit mas gugustugin ko na talagang laslasin ang pulso ko kagabi, naiiyak ako.. Sa ngayon hindi ko pa maaaring sabihin, susulitin ko na lang siguro yung lahat ng panahon na kasama ko ang lalaking pinakamamahal ko habang humahanap ako ng tiempo para sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin... Bago ko siya layuan ng tuluyan..

AUTHOR'S POV: 
          Habang umiiyak ang dalaga, bigla naman nagising si Vince at napansin na umiiyak ang kasintahan.

"mahal?umiiyak ka ba?"                 tanong ng binata
"ha?hindi ah..mahal naman eh, nahikab lang ako kaya naluha yung mata ko"      
deny ng dalaga

"May lagnat ka pa ba? gusto mo ipagluto kita ng makakain?"        tanong ulit ng binata
"haayy naku! mahal..hindi ka nakatulog ng maayos dahil binantayan mo ako kagabi,kaya mahiga ka muna ng maayos sa kama ko at ako na ang magluluto ng breakfast nating dalawa." 
            sagot naman ni Irene sa kasintahan.  Humiga na nga ng maayos ang binata at bago pa man makabangon ang kasintahan ay niyakap niya muna ito.

"saglit lang..payakap lang saglit.."           bulong ng binata

"ayyieehh..ikaw talaga.. sige na , magluluto na ko mahal ko."    
sagot naman ni Irene

"sige na nga.."        

pag payag naman ng binata. Akmang tatayo na ang dalaga ngunit bigla naman siyang hinatak pabalik ng kasintahan dahilan upang mapahinga siyang muli kasabay ng paghalik naman sa kanya ni Vince.

"i love you.."     bulong ng binata pagkatapos hagkan ang kasintahan

"i love you more.."         tugon naman ni Irene tapos ay hinayaan na siya na bumangon at magluto na.

           Nagpunta na nga ako sa kusina ng condo ko at nag umpisa magluto. Naggisa muna ako ng bawang at sibuyas, syempre hiniwa ko muna bago igisa , okey? :p tapos ay tsaka inilagay ang buhaghag na kanin na sinaing ko kagabi, hindi pa naman panis eh, sayang naman if itatapon kaya ginawa ko na lang fried rice. isinunod ko ang pag piprito ng hotdog at ham na samahan pa ng sunny side up egg. Good for breakfast! yum yum!! Hanggang sa nata;pos na  nga akong magluto. Mga 8 am bumalik na ako sa kwarto para gisingin ang boyfriend ko para mag agahan na.

"muuuahh"          i kissed him on his lips para magising siya pero di pa rin nagising kaya inulit ko ulit

"muaahh"         kiss ko ulit.. pero tulog pa rin.

"mahal? gising ka na.. breakfast is ready"       bulong ko tapos ay hinalikan ko ulit siya sa labi niya hanggang sa nakita ko na nagising na siya at nakangiti.

"oh?bangon na mahal..kanina pa kita ginigising"     bulong ko ulit sa kanya habang nakaharap at nakayakap pa sa kanya.

"ansarap kase matulog kapag ganyan ang paraan ng paggising mo sa akin eh.."   sagot naman niya

"bakit ayaw mo ba? kaya ba ayaw mo magising agad?"      tanong ko

"no..the truth is..kanina pa ako gising since you first kissed me, naramdaman ko yun pero nagpanggap ako na tulog pa rin."        sagot niya

"bakit naman?"       tanong ko

"Coz im waiting for your next step. if ano na ang gagawin mo, then you kissed me again, kaya di pa rin ako tumitigil sa pagpapanggap.Gusto ko kaseng ulit-ulitin mo. Hanggang sa kiniss mo ulit ako for the 3rd time at di na ko nakatiis.. and now i just wanna do this.."       nakangising sabi niya at hindi na ako nakasagot dahil sa nahuli na niya agad ang mga labi ko. Ginawaran niya ako ng isang masuyong halik na tinugon ko naman.

"pasaway ka talaga! tara na..breakfast is ready.."          nakangiti kong sabi kay vince.

"ikaw kase eh, kiniss mo ko.. goodmorning mahal ko.."         sagot naman niya tapos ay nagtungo na kami sa mesa at kumain na.  Grabe, ang saya ng bawat umaga lalo na if paggising mo mukha na agad ng mahal mo ang makikita mo. Yung ipagluluto mo siya, sabay kayong mag aagahan.. tapos meron pang morning kisses and hugs! Wala na kong mahihiling pa if siya yung kasama ko sa araw-araw.. Eto yung pangarap namin pareho.. Ang makasama ang isat-isa every single day. Ang sarap gumising lalo na if alam mong may naghihintay sa paggising mo, Walang iba kundi yung taong pinakamamahal mo..

---END OF CHAPTER TWO---

that's it guys..  hehehe.. nagustuhan niyo ba? 3 votes naman diyan for next update .. :)  hehe   pa comment na rin

I LOVE YOU GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon