Chapter 5 - Goodmorning Text

14 2 2
                                    

               Pasado alas syete na ng umaga ng magising ang dalaga. Agad naman siyang bumangon upang makapag handa siya sa pag pasok sa eskwela dahil 10 am to 4 pm ang klase nila ngayon. Agad na naligo ang ating bida, pagkatapos ay nagluto ng almusal para sa kanilang magkapatid. 8 am ng matapos siya magluto kaya tinawag na niya ang kangyang kapatid na si Elsie upang sabay na mag agahan.

"Elsie, gising na, kakain na tayo!" Sigaw ni Irene mula sa sala ng bahay na ngayon ay nag hahanda ng pagkain sa lamesa. Iisa lang naman ang kwarto ng magkapatid ngunit magkaiba sila ng higaan. Double deck kase ang kama nila kaya sa ibabang bahagi ay si Irene at sa itaas naman si Chelsie. May pagka-mantika matulog ang kapatid niya kaya naman pinuntahan na niya ito sa kwarto ng walang sumagot sa tawag niya kanina.

"Elsie, tara na, kakain na tayo!" Medyo malakas pero malumanay na sabi niya sa kapatid habang may pagtapik sa balikat ng dalagita.

"Uhhhmm...Eto na Ate babangon na.." Mahinang tugon ng dalagita. Habang kumakain ang dalawa ay biglang nag ring ang cellphone ni Irene.

Achoo! Achoo! (Tunog ng cellphone)

"Hi, Goodmorning! Kumain ka na ba?" 
                                                -  from Vince

Pagkabasa ng mensahe ay bahagyang napangiti  ang dalaga habang nakatitig pa din sa kanyang cellphone.

"Hmmmm... Rereplyan ko ba?"  Tanong ng dalagta sa kanyang isisp. Hindi niya namamalayan na mahigit 2 minuto na siyang pinagmamasdan ng kapatid niya.

"Uy, si Ate, may textmate. Kinikilig ka oh! Ayyiieehhhh.."  Pang aasar ni Chelsie kay Irene.

"Huh? Hindi noh! Wala lang toh. Group message lang toh." Palusot ng dalaga.

"Sus! Palusot ka pa eh! Kung wala lang yan, eh bakit ka nangingiti kanina at nakatunganga ka pa diyan?" Nanunuyang sagot ni Elsie

"Alam mo ikaw? Ang bata bata mo kung ano anong iniisip mo. Natutuwa lang ako sa quotes na pinasa. Kumain ka nalang diyan at ako'y mag aasikaso na." Sagot naman ni Irene na todo palusot pa din sabay lapag ng cellphone sa mesa at tinapos ang almusal upang makapag uniporme na.

"Okay! Sabi mo eh.." Nakangising sagot ni Elsie.


                  Habang nagsusuot ng umiporme si Irene ay biglang nag ring ang cellphone niya.

Achoo! Achoo! (Tunog ng cellphone)

Hi! May pasok ka ba sa school today? Gusto mo hatid kita?

                                                                                                   - from Vince

Napangiti nanaman ang dalaga sa nabasa niya.

"Hala! Ano to? Bakit anlakas ng tibok ng puso ko? kinakabahan ata ako dahil sa pinagsasabi ng lalaking to?"

"Rereplyan ko na ba to? Nakakaloka! Hmmm.. Bahala na."  Sa isip-isip ng dalaga.

Di katagalan ay nereplyan niya rin ang binata.

May pasok ako sa school today. Pero no need naman na ihatid mo ako. Nagco-commute naman

ako eh. Salamat sa pag alok. Sige pasok na ko.

                                                                  - Sent to Vince

"Parang ang harsh ko ata? Pero kase, sinabi ko naman na ayoko muna mag boyfriend eh." 

Sa isip-isip pa ng dalaga pagkatapos ng i-send ang mensahe.

Achoo! Achoo! (Tunong ng cellphone)

I understand. Please take care Irene! I hope one of these days, tanggapin mo na ang panliligaw 

ko sayo. I really like you..

                                                                - From Vince

Lalong kumabog ang dibdib ng dalaga sa nabasa niya. 

"Huh? Ano bang pinagsasabi nito? Seryoso ba siya? Ilang beses ko bang uulitin na ayoko

nga muna? Naloloka na koooooooooooooo! Anong gagawin ko? Uy, self kalma ka lang, 

okay? bawal muna huh? Bawal. Itong puso ko sasabog na sa kaba. kinikilig ba ako?"


Parang nababaliw na kausap ni Irene ang sarili sabay kuha ng unan at ipinukpok niya sa ulo nia

na siya namang nakita ng kapatid niya na kakapasok lang sa kwarto.

"Hahaha! Si ate baliw na.. Dahil po a yan sa text mate mo?" Pang aasar ni Elsie

"Ewan ko sayo! Papasok na ko. Mag ingat ka dito ah."  Paalam ni Irene sa kapatid sabay alis.


                   Habang nasa biyahe ay minabuti na ng dalaga na huwag na lang magreply dahil baka

humaba pa ang usapan nilang dalawa at isa pa hindi niya na alam ang isasagot sa binata. 

Naguguluhan ang isip niya, lalo pa at siya nalang ang inaasahan nilang magkapatid. 

Hanggang sa klase ay naiisip pa din niya ang text ng binata. Nakatanggap pa din siya ng

 messages kahit ng lunch time nila at ng uwian ngunit hindi pa din niya ito nereplyan. Nais na

 muna niyang ikalma ang isip.

                       ---------- END OF CHAPTER 5 ----------




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon