PROLOGUE

28 35 0
                                    



                        Sa mundong ito,Isa sa pinakamasarap na pakiramdam ang mainlove o ang mahalin ng taong mahal mo.Yung Akala mo minsan nakalutang ka sa ulap,yung kilig,yung saya,yung kakaibang pakiramdam na nararamdaman mo lang kapag kasama o naiisip mo siya. Pero sa pag ibig,hindi naman puro saya eh,diba? andiyan si selos,si tampuhan,awayan,at yung lungkot kapag namimiss mo siya. Ang hirap! naramdaman mo na ba yan? Nagmahal ka na ba? Anong feeling? Masaya ba? How about sa mga nabigo sa pag ibig? Sobrang sakit noh? Hirap mag move on! But wait, kasama yan sa buhay..Hindi maiiwasan na masaktan tayo pero ang mahalaga di ka pa rin sumusuko. Minsan kase may mga bagay o tao talaga na kahit gaano mo ingatan o mahalin darating at darating talaga sa punto na kailangan mo ng magpaalam,na kailangan mo ng bitawan hindi dahil sa gusto mo o pagod ka na , kundi dahil sa hinihingi na ng pagkakataon at kahit na anong pilit mong ipaglaban o iwasan na hindi mangyari yung kinatatakutan mo ay mangyayari pa rin. Darating talaga yung point na masasabi mo nalang na "mahal kita,mahal na mahal pero kailangan ko ng magpaalam".

"I LOVE YOU GOODBYE.." Isa sa mga salitang napakahirap sabihin,napakahirap tanggapin at napakasakit marinig mula sa taong mahal mo. Napakahirap at napakasakit ng mga salitang iyan lalo na kung sasabihin mo yan sa taong mahal na mahal mo at ayaw mong mawala sa buhay mo pero wala kang magawa kundi ang magpaalam. Mahirap magpaalam,lalo na sa taong ayaw mong iwanan.Yung tipong kahit pilitin mong lumayo pero yung puso mo siya pa rin yung tinitibok. Iniwasan at nilayuan mo kase yun yung alam mong tama,yun yung alam mong paraan para hindi siya masaktan ng sobra. Yung wala ka ng magawa kundi ang magpaalam kahit sobrang nadudurog na yung puso mo bawat sandaling iniiwasan mo siya..

-------------------END OF PROLOGUE-------------------


ooopppppss!! pa-bitin po muna. suportahan niyo po ang second story na ginagawa ko. hehe para sa mga nagmahal at nagpaalam dahil sa kailangan na talaga at inakalang ito yung tama.. para sa mga taong walang ibang nagawa sa huli kundi ang magsabi ng "i love you goodbye.." sa kwentong ito, susubukan ko kayong paiyakin! haha..sana kayanin.. hmmm.. PENGE MUNANG VOTES para ituloy ko ang pagsusulat neto at mabasa niyo na ang chapter one. by the way, second wattpad account ko to.. di ko kse maayos yung isa eh

                                                                                                         love lots...

                                                                                                    modern_rapunzel22

I LOVE YOU GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon