Chapter 28 part 1: Surprised

Start from the beginning
                                    

Lahat sila ay bumalik sa pagkukwentuhan nila.

"Girl! May dala uli akong magazines."

"Talaga?! Pahiram naman."

Napatingin ako sa mga kaklase kong nag-uusap sa likuran ko. Ang daming dalang magazines ni Shey. Siya 'yung kaklase kong sexy at cute mag-style sa buhok niya.

Napatingin sila sa 'kin.

"Oh, ano ring tinitingin-tingin mo?!" sabi ni Shey.

Nakita kong kinurot nung isa si Shey.

"Ano ka ba? Girlfriend ni Nathan 'yan. Gusto mo bang malagot kay Nathan?" Umirap si Shey sabay tingin sa 'kin at...

Nag-change ang expression ng mukha niya. Naging mabait.

"Ahhh, I mean.. Bakit ka natingin, Mika? Gusto mo rin bang humiram ng magazine? Here oh," sabay fake smile.

Halata namang pilit. Pero dahil nga gusto ko ring magbasa, tinanggap ko na 'yung magazine saka bumalik sa upuan ko.

"Nakakainis talaga ang babaeng 'yan! We're pretty, right? And she's just too plain. Ugh!" rinig kong sabi ni Shey.

"I know. 'Di ko rin alam kung ano ang nagustuhan ni Nathan dyan."

"Look at her hair. Nangingilabot ako kapag nakikita ko ang hairstyle niya."

Ang arte naman! Sapakin kita dyan eh! Tsk. 'Di ko na lang pinansin ang mga naririnig ko.

Nagsimula na akong i-browse ang magazine. Maganda at sexy ang babaeng nasa cover nito. Hmmm, tiningnan ko rin mga kaklase ko, ang gaganda at sexy nila!

Nakaka-insecure naman!

Binasa ko 'yung laman ng magazine. May mga tips kung paano ma-prevent ang pimple. May mga list din ng mga sexy women in the Philippines. Naaliw na ako sa pagbabasa nang...

"Ow. Em. Ji."

GUYS DESCRIBE THEIR BEST SEX EVER.

*Gulp*

Binasa ko...

Isinara ko 'yung magazine then tumingin sa paligid.

Wew!

Then, binuksan ko uli at itinuloy ang pagbabasa.

Shocks! Ano ba naman ang mga nakalagay dito!? Waaaah!

Habang padami nang padami ang mga nababasa ko ay palubog na ako nang palubog sa kinauupuan ko.

"So 'yan pala ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"Ay kalabaw!"

Napatayo ako sa sobrang gulat. Nahulog pa 'yung magazine na hawak ko at mabilis ko itong pinulot. Nang tiningnan ko kung sino...

"Moo naman eh! Ginulat mo ako!" He gave me a smirk.

"You're reading that?" Itinuro niya 'yung magazine.

"Ha?! Hindi talaga ako nagbabasa nito ha?! Nagkataon lang na ito 'yung ipinahiram sa akin ng mga 'yun!" Itinuro ko sina Shey at saka ngumuso. "Hindi ko naman alam na... na... na puro ganito ang laman nun!"

Humalakhak siya.

"Masyado kang defensive, Moo"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya para mayakap.

"Better," sabi niya.

Medyo naiilang ako kaya umalis ako mula sa pagkakayakap niya. Pinagtitinginan kasi kami ng mga kaklase namin eh. Baka kung ano na naman ang sabihin nila sa akin lalo na ni Joshuang bading.

"Aish! Dito ka lang sa 'kin," sabi niya.

"Ha? Ah, eh... kasi..."

"Tatabi ka ba o hindi?"

Nag-straight face siya kaya tumabi na ako sa kanya. Hinawakan din niya ang kamay ko at tiningnan ito.

"Ang liit."

"At least cute."

"May sinabi ka?"

"Sabi ko, cute ang kamay ko."

"Okay."

Straight face pa rin ang mukha niya. Psh! Parang hindi siya sang-ayon sa sinabi kong cute ang kamay ko. Cute naman kaya! Hmp!

Hindi ko alam ang pakulo ni Nathan pero hawak niya ang kamay ko at nilalaro niya ang mga daliri ko. Ang nakakatuwa ay nakangiti siyang tine-trace ang mga lines sa kamay ko. Seeing him like that, napapa-smile na rin ako.

Hindi niya mabitawan ang kamay ko. Hinihila ko na nga kasi magta-time na. Eight minutes na lang at dadating na si Ma'am.

"Uhh, Nathan? Malapit nang mag-start ang class. Pumunta ka na rin sa class mo."

Nakasandal kami sa wall malapit sa may bintana at hawak pa rin niya ang kamay ko. Para ngang minamasahe niya eh. Kinukutkot niya minsan kahit wala namang makukutkot. Then, trace uli ng lines... then, iisa-isahin uli ang mga daliri ko. Haha!

"Ayoko pa."

"Eh magta-time na oh."

"Haaaay. Sige na nga."

Umayos na siya ng tayo. Akala ko bibitawan niya na ang kamay ko pero hindi pa rin pala. Lumabas na kami ng classroom namin.

"Hm, Nathan?"

"Pupunta na ako sa class namin." Nag-iwas siya ng tingin pero pansin kong namumula ang mukha niya. "Bye." Binitawan niya ang kamay ko at nakatungo na siyang naglakad palayo.

"Eh?" Nagulat ako nang pagbitaw ni Nathan sa kamay ko ay may naiwang necklace. OMG! Ito 'yung kwintas na nakita ko sa jewelry shop.

Tiningnan ko si Nathan na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin na naglalakad papunta sa klase nila.

"I love you, Moo! I love you talaga! Salamat!" sigaw ko dahilan para magtinginan sa akin ang mga estudyanteng nakatambay sa corridor. Hindi siya tumitingin. Sus! Alam kong nahihiya lang siya! Hahaha!

Hindi man siya katulad ng ibang lalaki na isusuot 'yung necklace sa babae, super na-appreciate ko naman ito. Natuwa ako sa effort niya. Hindi ko nga alam na napansin niyang gusto ko pala 'yung kwintas dahil kamukha nung chain na bigay ko sa kanya.


Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Where stories live. Discover now