CHAPTER [2]

8 1 0
                                    

MAXIME

Lumabas ako ng taxi. Tumambad sa harapan ko ang isang napakalaking kulay gintong gate na sumisigaw sa karangyaan ng may'ari nito. Grabi! Hindi mo talaga makikita ang bahay nila mula dito sa labas. As expected sa isa sa pinaka mayamang tao sa Pilipinas.

It is the day kung saan ay magiging ganap na akong personal maid. Kahit naiinis ako sa kadahilanang magiging utusan ako ay hindi ko nalang ito pinagtuonan ng pansin.

Habang dala-dala ang dalawang malalaking luggage bag ay naglakad ako papunta sa intercom sa may gilid ng gate. Kanina na rin umalis ang taxi na sinasakyan ko. Ni hindi manlang ako tinulungan na kuhain ang mga bagahi ko sa likod ng sasakyan. Ang sarap lang sakalin.
Hinarap ko ang mukha ko rito at agad naman itong nag-on at lumabas sa maliit na screen ang mukha kong naka soot ng malaking salamin. I'm also wearing black jeans and a blue V-neck shirt. My black long curl hair tied into a ponytail. Mabuti nalang at hindi required sa misyon ko na magsuot din ako ng braces. I'm as a nerd, applying for a job for the sake of my study. 'Yun ang nakalagay sa resume ko. Kailangan ko ring mag-aral sa pinapasukan na private University ng apo n'ya.


"What's your business here?" Tanong sa akin ng malalim na boses.

Inayos ko ang salamin ko gamit ang middle finger bago s'ya sinagot. "I'm Maxime Gomez po. Ako po 'yung nag-apply bilang personal maid." Sabi ko at ngumiti lang ng sakto.

Maxime is really my name but my real surname is Quinn. Kailangan kong ibahin ang surname ko to secure my true identity dahil posible akong mapahamak or worst ay mamatay.

The door behind the intercom opened at dali-dali naman akong pumasok. May dalawang men in black ang sumalubong sa akin at kinuha ang dala-dala kong mga bagahi. Mabuti naman at ng hindi na ako mahihirapan.

"Sumunod ka sa'min." Sabi sa isa sa men in black. Tumango lang ako sa kanya. Nagsimula na silang maglakad at nakasunod lang ako sa kanila. Habang naglalakad ay pasimpli akong tumitingin sa paligid.

I am right na maganda ang loob na nahaharangan ng gate. Grabi! Ang laki ng lugar at ang laki ng bahay at talagang sobrang ganda! Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mansyon na 'to.

Pumasok na kami sa loob at hindi ko na naman mapigilang mapanganga sa nakikikita ko ngayon. Kung maganda sa labas ay mas maganda sa loob. Pag magpapagawa ako ng bahay ay kukunin ko talaga ang archetic nila. Nakakamangha talaga.

Tumigil na ang dalawang men in black at iniwan ang mga bagahi ko. Agad ko namang nakita ang dalawang babae na naka maid uniform na papalapit sa akin. The one is a teen ager like me at ang isa naman ay matanda na. I think ay na sa mga mid 60's na 'to. They are both smiling warmly at me. Mabuti nalang at mababait ang mga tao dito. Wag ko lang sana makita ang mukha ng gurang na 'yon at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ko s'ya.

"Sumunod ka sa amin, hija. Dadalhin ka namin sa magiging kwarto mo." Sabi sa akin ng matandang maid. Mukhang siya ang mayordoma ng mansiyon.

Nagsimula na silang maglakad at nakasunod lang ako. Ilang minuto rin ang nilakad namin hanggang sa tumigil kami sa isang pintuan. Sa laki ba naman ng mansiyon na 'to ay aabutin ka talaga ng ilang minuto sa paglalakad. Pumasok kami at nilagay lang nila sa tabi ng kama ang mga bagahi ko.

"Hija, may susundo dito mamaya para ilibot ka sa buong mansiyon ng sa ganun ay makabisado mo na ang pasikot-sikot dito." Sabi sa akin ng mayordoma.

"Salamat po. Ako nga po pala si Maxime." Pakilala ko sa kanila. Kailangan kong makisalamuha sa kanila para maging madali lang ang trabaho.

"Tawagin mo nalang akong nanay Pasing, hija. At ito naman si Jona." Pakilala n'ya sa babaing kasama n'ya.

Through His EyesWhere stories live. Discover now