“yun naman pala, sabay na tayo” hinawakan niya ako sa braso ko. Tapos hinila niya ako.

“te-teka.. huy sean… ibig kong sabihin.. sa bahay KO ako uuwi” huminto siyang bigla. Kaya nakihinto na rin ako.

Lumingon siya sakin. At tinignan ako sa mata ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Mula sa regular sean boring face. Nagsmirk siya. Hala! Hindi ko to gusto. Nakita ko na to dati eh. May binabalak tong masama.

“ano naman yang nginingiti ngiti mo jan?” kinakabahan kong tanong.

“hindi ko kasi alam kung tanga ka lang talaga, o nagtatanga-tangahan” nge… andito na naman siya sa usual self niya.

“ah,, ganun ba,,, hindi ko rin nga alam kung  baliw ka o sadyang wala ka lang trip sa buhay” tapos tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. Ang higpit nung pagkakahawak niya ah.

“ san ba sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan?” napatingin ako sa kanya. Oh hindi! Hindi maaari!

“an---“

“wag kang umarte na hindi mo alam ang ibig kong sabihin” kahit kailan ka talaga sean! Ang galling mong mang imbyerna and in the same time pagmukhain akong tanga.

“sean naman.. humingi naman ako ng sorry sayo dib a? quits na tayo dib a?”

Tinignan niya lang ako sa mata. tapos pinagsalubong niya ulit ang kilay niya.

“oo!”

“oh yun naman pala.. so---“

“kaya nga.. uuwi na TAYO sa bahay NATIN”

Matigas yung pagkakasabi niya sa tayo at natin….

_sa bahay NAMIN_

Sa bahay daw NAMIN ni sean.

“ibaba mo na ako !!!!!!!!!!!!!! ano ba!!!!!!!!! SEAN!!!!!!!!!!!!!!”  binuhat niya ako ng parang sako ng bigas…

Kasi ayaw kong sumama sa kanya.. hindi niyo lang alam kung anong eksena ang nangyari habang pauwi kami. Naghabulan pa kami. Eh may sa kidlat yata si sean eh. Ang bilis niyang tumakbo. Tapos kapag nakakawala ako sa kanya naaabutan pa rin niya ako. Eh kasi ayaw niya akong pauwiin sa bahay ko. Hinihintay na ako ni papa. Mag-aalala yun sakin.

Pawis na pawis na kaming dalawa.

“pauwiin mo na ako!”

“hindi”

“eh!!!!!! Bakit ba? Malaya ka na dib a? heller! Hindi totoo yung pagbubutnis ko! Malaya ka na talaga!”

“nagpapatawa ka ba?”

“hindi! Seryoso ako”

“seryoso din ako”

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Napalunok ako ng laway. Kasi ang seryoso ng mukha niya.

“HAHAHAHA! Mukha kang ewan jho” tumawa siyang bigla… nababaliw nap o si sean mga kababayan.

 “uuwi na ako sean. Hinahanap na ako ni papa” pakiusap ko sa kanya.. feeling ko nakidnap ako. Nakidnap ako ng crush ko… na pinikot ko..

“hindi ka hahanapin nun”  tumalikod siya at pumunta sa kusina. Binuksan niya yung ref at kumuha ng tubig.

“nag-aalala na yun sakin…” pagkatapos niyang uminom naglagay ulit siya ng tubig dun sa basong ininuman niya. Lumapit siya sakin at inabot yun.

“hindi yun mag-aalala sayo” sabi niya

“sira ka na talaga!”

“uminom ka” kinuha ko yung tubig, uhaw na uhaw na rin kasi ako.

“hindi yun mag-aalala sayo… kasi alam niyang nandito ka”

Napatingin ako sa kanya…

“gusto mong itapon ko sayo tong baso? Mas lalong mag-aalala yun sakin kapag nalaman niyang nandito ako!”

“hirap mong paintindihin”

Tinalikuran niya ako.

“SEAN!”

“ANO?”

“uuwi na ako ah”

“umuwi ka! Kung may uuwian ka pa!”

 Umakyat na siya sa taas….

Nagring ang phone ko. Si papa tumatawag.

“hello? Pa… sunduin mo ko-----“

“roy.. anak…. Jan ka muna lumagi kay sean ah”

“huh? Bbakit?”

“eh natanggap na ako sa inaaplayan ko sa Canada…. Andito na nga ako sa airport.. wag ka na ring umuwi sa bahay….. mga insekto na lang ang aabutan mo dun…”

“ANO!?!?!? CANADA!?!?! Pano ka natanggap sa trabaho?”

“basta.. malaki ang utang na loob ko kay sean… anak.. jan ka muna sa kanya… pero wag mo na siyang pipikutin ulit hah! Magpapakabait ka… By the way anak.. yung itak nasa ilalim lang kama ko sa bahay natin.. kunin mo na lang bukas para may proteksyon ka… sige anak… sasakay na ako.. mag iingat ka huh!!! Mahal ka ni papa!”

Magsasalita pa sana ako kaso nakaoff na ang cellphone ni papa….

“PA!....pA!!!!!!!”

“ang ingay mo jho” sabi ni sean na nasa may hagdan.

“ano bang nangyayari huh!?!?!”

“gusto mong malaman?”

“kanina pa.. hoy sean.. nasisiraan ka na noh? Nalipat na sayo ang topak ni reidan”

“lumapit ka nga dito” utos niya.. umakyat ako sa hagdan.

“oh ano?!?!? Siguraduhin mong madali kong maintindihan ang paliwanag mo”

“tss… wag kang mag-alala.. ipapaintindi ko ULIT sayo ng mabuti”

HInila niya ang kamay ko palapit sa kanya…. Kaya napasubsob ako sa dibdib niya…..

Niyakap niya ako..

Kinakabahan ako.. naginginig ang tuhod ko.. ano bang gagawin ni sean sakin?…

Hinimas himas niya ang buhok ko…..

Naramdaman ko ang hininga niya sa bandang tainga ko…..

“pinipikot na kita”

Nanlaki ang mga mata ko nun…. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at

hinalikan niya ako sa cheek…..

Seryoso nga siya…..

___________________________________________________________________________________

YEHEY!!!!!!!!!!!!! Nakaupdate na rin…….

Sa wakas!

Hindi ko pa alam kung kailan ulit ako makakaupdate…. Pero sana may maghintay pa rin…………..

Uhm… maappreciate ko ng buong buo ang comment niyo…… kahit ano pa yan.. basta yung totoo sa puso niyo….

Labz ko kayoooooooooooooooooooooooooooooooo! goodnight

Humanda ka! PIPIKUTIN kita!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz