Chapter 6

3K 53 2
                                    

X.O.X.O L.O.V.E

____________________________________________________________________

_Royal_

Hanggat maari kailangan kong pagtaguan si Sean :( . Hindi niya ako pwedeng makita. Malalagot ako sa kanya eh.

''alam mo roy naglelevel up din yang topak mo no?''

Naiinis na sabi ni eve sakin. Nagtatago kasi ako sa likod niya total matangkad siya sakin kaya di talaga ako makikita.Nasa canteen kasi kami. Tapos nakita ko si sean dun sa counter.Hindi tuloy ako makakuha ng pagkain.

''eve kaw na lang muna ang kumuha ng pagkain natin sige na!!''paliusap ko kay eve.Hindi ko talaga kayang magpakita eh.

''anong ako? alipin ako? ganun?''

''kahit ngayon lang naman eh''

''hai naku sige na nga, dun ka na lang sa tambayan natin maghintay''

Buti naman at dinalaw din ng kabaitan si eve ngayon. Lumabas na akong ng canteen.

*PLOG* may nabangga ako hindi pader kundi tao.

''ah sorry''

''wag ka kasing tatanga tanga'' Si Reidan lang pala. Ako tanga? sino siya sa akala niya?

''sorry na nga eh''

''tss jan ka na nga!''

Nangyari dun ?may dalaw ba yun? Hindi ko na lang masyadong pinansin yung pagsusuplado ni Reidan sakin . Di pa ako nasanay eh halos ipaglantaran na nga niya kung gaano niya ako kahate eh.Wala naman akong ginawang masama sa kanya sa pagkakatanda ko,AYYY meron pala yung hindi ko pagbigay ng excuse letter dun sa coach niya.Big deal ba yun?

Pumunta na lang ako sa tambayan namin ni eve.Dun pa rin sa favorite bench namin.Umupona lang ako dun at hinintay si eve.Paramalibang ako sinaksak ko sa tenga ko yung earphone tapos nagplay ako ng song.best love song by t-pain ft. chris brown.

Grabe kung saan saan ako dinala ng imagination ko sa kantang yun.Ganda eh. Bigla na lang may gumulantang sakin ng pagkain.Tama ba naman na sa harap talaga ng mukha iabot yung sandwich?

''ba't ang tagal mo?--------------''

Nanlaki ang mga mata ko.Hindi si eve ang nag-abot sakin ng pagkain kundi si Sean!

''a-ANONG GINAGAWA MO DITO??!??!''

''pwede ba !!wag mo kong sinisigawan!!''

Umupo na din siya sa tabi ko.Naiilang ako kaya umatras ako ng konti.

''kainin mo na yan,may paguusapan tayo''

''ha-huh?!?!?''

''bilisan mong kumain''

''hindi ko pa nga nabubuksan eh''

Bigla na lang niyang inagaw sakin yung sandwich tapos siya na ang nagbukas.Taposniabot niya sakin ulit.

''kain na bilis!''

''pwede ba!! hindi ako robot na nagagawa lahat ng iniuutos mo!!''

''5 minutes''

''huh?''

''bibigyan kita ng 5 minutes para ubusin yang pagkain mo!!''

''pano kung ayoko?'' Tinaasan ko siya ng kilay.Ako pa sinubukan niya.

NIlapit niya yung mukha niya sa bandang tenga ko.

''di mo magugustuhan ang gagawin ko''

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya sakin.Kaya napasubo ako ng di oras.Halos lunukin ko na nga yung buong sandwich eh.

Humanda ka! PIPIKUTIN kita!Onde histórias criam vida. Descubra agora