Chapter 1

19.8K 147 20
                                    

waaallllllaaaaaaaaaaaaaaa malibogs lang talaga utak ko ngayon .Inlove na ako sa EXO <3

grabe naadik na talaga ako sa GROWL anshete naman oh. (^________________________-)

September 06,2013 05:05 A.M ang aga nuh?

By:Littlepocket :)

____________________________________________________

Characters:

Sean Dixon Costanza

Royal Jhoanne Mercedes

Reidan Ramirez

Eve Laura Chan

___________________________________________________

Frist day :

Alam niyo yung feeling? yung feeling na hanggang titig ka lang?

Hanggang pantasya ka na lang.

Haist. ilang beses ko na siyang balak /subukang kausapin pero wala eh. Di kaya ng pagkababae ko eh.Sinasaniban talaga kasi ako ng hiya. Napapako sa kinatatayuan kapag nandyan na siya. Jusmiyo. Paano ba ako kakalma kapag nandyan siya. Eh kahit 10 meters ang layo namin. Natutunaw na ako.

WOOOOOOOOOO! hanggang pantasya na lang ba talaga ako?

Hindi ba pwedeng may mangyari. Kahit imposible?

Kahit isang beses lang sa isang century magkaroon naman ng history tungkol sa Campus Smexy  Sean Dixon C. at Weirdo Royal Jhoanne M. Yung love history na maikekwento ko sa mga magiging apo ko?

"hoy!''

Kahit kelan istorbo tong babaeng to . SI Eba este Eve. Weirdo rin to eh.May pagkatomboy. Kami lang ata galing sa planet babylon.

''HUY!''

Umupo siya sa tabi ko. Nasa canteen kami ngayon at malaya kong natatanaw si sean na naglalaro na soccer sa field. Tanaw na tanaw kasi dito sa canteen ang field kaya kahit ilang metro ang layo niya alam ko talaga na siya yun.

''ano? toh  naman oh. kita na ngang may ginagawa yung tao eh''

''may ginagawa sa lagay na yan?''

''malamang'' inirapan ko siya. ngayong may dalaw ako kahit presidente pa yan ng united states susungitan ko

''may pinabibigay pala si sean oh'' sabay abot niya sakin ng isang bond paper na tinupi tupi.

''eve? to-to-too ba to?'' nanlaki ang mga mata ko . Syempre unexpected eh.

''oo yan ang test paper mo?''

Ayy langya naman oh . Mantrip daw ba?

''ehhhhh eve ano ba?''

''BWAHAHAHAHAHA adik kana nga talaga. Huy tama na yan matunaw si sean niyan eh'' 

''eh hanggang pangarap na lang ba to?''  inihiga ko na lang ang chin ko sa kamay ko. Wala nga talaga kasi akong magawa eh. Kundi ang titigan siya mula sa malayo.

''kainis naman kasi eh. Bakit ba hindi ako nakasalo ng kagandahan nung magpasabog ang panginoon''

''roy. kamalasan ang tawag dun''

Pambabasag niya sakin tapos nilalapa na niya yung piattos ko.

4th year highschool na ako.Gagraduate na kami. Tapos ni isang halik wala pa akong natikman. Kahit ang magkaboyfriend.Pano naman kasi di ko alam kung pano magkakaroon. Walang nagtuturo sakin nun eh.

''huy roy ang aga aga simangot ginagawa mo.Sige ganito na lang samahan kita mamaya. Maghahanap tayo sa internet ng mga pwedeng gawin para mapalapit ka kay sean kingston este dixon wahahahaah magkarhyme. Bakit di na lang si kingston. Klaro papatulan ka nun'' Tumatawa pa ang gaga oh. Sinapak ko nga ang kamay niya

Humanda ka! PIPIKUTIN kita!Where stories live. Discover now