Chapter 16

1.8K 53 10
                                    

Humanda ka! Pipikutin kita!

HELLOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Ay naku ngayon lang ulit nakaupdate. Mahirap talaga kapag maraming problema…. Pero salamat sa mga patuloy pa rin na nagababasa nito at naghihintay sa update na mabagal pa sa pagong kung maglakad. Anyways. Excited na talaga ako sa season 3 ng kuroko no basuke.. gusto ko na talagang mapanood. Kahit kailan inlove  ako kay Taiga.. nak ng basuke. Ah basta.. kinikilig lang ako. Sa mga nagmessage sakin na hindi ko narereplayan. Humihingi po ako ng tawad. Siguro iniisip niyo na snobber ako.  Pero mahal ko pa rin yung mga pumapansin sakin kahit na ganito ako katamad……………

Ok so eto na…

________________________

_Roy_

Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso. Hindi ako makakibo. Si sean ba yung nagsabi nun? O sinaniban lang siya?

“huy! Sang island ka nastranded?” biglaang tanong ni eve. Kaya nabalik sa planetang earth ang diwa ko, Na napadpad na sa ibang galaxy dahil sa mga salitang binitiwan ni sean.

Hindi na kami natuloy ni papa na umalis. Ewan ko kung anong pinag-usapan nila ni sean nung araw nay un. Hai naku. Balik sa normal ang buhay ko. Pero hindi ko alam kung seryoso nga siya dun.

“eve! Ano ng gagawin ko?”

“bakit? Ano bang gusto mong gawin?” tanong niya sakin. Inagaw ko sa kanya yung kinakain niyang sandwich at sinubo ko. Nakakastress siya!

“huy akin yan!”

“wag mo ng agawin”

*poink* binatukan niya ako.

“ulitin mo nga” sabi ko. Nagtaka siya. Gusto ko na talagang magising sa bangungot na to………

“roy! Ano ba talagang problema mo?”

“basta, batukan mo ko ulit , lakasan mo”

“ayoko nga.. maalog pa yang utak mo, baka tuluyan ka ng mabaliw”

Umayos ako ng upo. Nakita ko si sean sa field. Sana naman siguro nagbibiro lang siya noh! Hindi naman pwedeng mamikot ang lalake dib a? dib a? babae lang…

Pagkatapos ng klase, uwian na. si eve magkasabay pa rin sila ni adam. Ako na lang mag isa. Magko-commute na lang ako. Ayokong maglakad. Baka magkasabay pa kami ni sean. Sa araw na to. Siya ang pinakahuling taong ayaw kong makausap at Makita.

Naghihintay ako ng sasakyang dadaan….

“san ka pupunta?”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kilala ko ang boses nay un. The one and only.

“s-sean?” dahan dahan akong napalingon sa kanya….

“bat parang nakakita ka ng multo?” magkasalubong na kilay niyang tinanong sakin.

Sana nga multo ka na lang…

“huh? Hi-hindi noh, pauwi ka na?” tanong ko at nagfake smile.

“oo…”kaswal niya na tanong

“ah g-ganun ba sige.. ingat ka ah… sige.. m-mauna n-na ako”  nagwave pa ako sa kanya,nagsimula na akong maglakad…

Hindi ako makaabante. May pumipigil kasi na kung ano galling sa likod ko. Hinihila ko ang sarili ko pero parang nastuck ako.. ano ba to… HAYAH.. ayaw talaga.

“san ka pupunta?” narinig ko ulit na tanong ni sean. Palingon ko… kaya pala hindi ako makaabante kasi hinahawakan niya ang back pack ko.

“sa bahay…he – he – he”

Humanda ka! PIPIKUTIN kita!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن